REIGHN SELESTINE Hindi ko inaasahan ang nakikita ng mga mata ko ngayon. Nanaginip ba ako? Tanong ko sa sarili ko habang nakatulala sa taong nasa harapan ko ngayon. “Miss me?” nakangiti na tanong niya sa akin. “Are you real?” Parang ewan na tanong ko dahil para kasing hindi ako makapaniwala. “Of course,” nakangisi na sagot niya sa akin. Mabilis naman akong lumapit sa kanya at mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit. Naramdaman ko ang paghalik niya sa buhok ko kaya napangiti ako. “Bakit hindi ka tumawag? Nakakainis ka!” sabi ko sa kanya na may kasamang tampo at bahagya ko ring pinalo ang balikat niya. “Because I want to surprise my wife. Hindi na surprise kung tumawag ako sa ‘yo,” nakangisi na sagot niya sa akin pero may kasama pa rin na lambing. Inirapan ko siya at lumayo ako ng kaun

