REIGHN SELESTINE “Isusumbong mo sa boss mo tapos sa akin sila magagalit. Hindi pa nga gumaling ang pasa ko baka bigla na naman akong saktan ni Mis Michell—” Kaagad kong tinakpan ang bibig ko dahil hindi ko namalayan ang lumabas sa bibig ko. “Reighn, anong sinasabi mo? Sinaktan ka? Sinaktan ka ng babae na ‘yon? Kaya ka ba may pasa sa braso dahil sa kanya? Tell me the truth. Siya ba ang may gawa niyan?” Tanong niya sa akin habang ako itong kinakabahan. Alam ko kasi na galit na siya kahit hindi ako tumingin sa kanya ay halata na sa boses niya. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko sa kanya. Kung aaminin ko ba o magdadahilan na lang ako? “Mahal, hindi naman—” “You're lying,” putol niya sa sinabi ko. “Hindi naman ako nag–” “Huwag mong hintayin na tingnan ko s

