REIGHN SELESTINE Labag man sa loob ko ay mas pinili ko pa rin na gawin ang utos niya lalo na nandito ako sa company na ito. Kailangan kong sundin ang utos ng mga stepmother ko na mga witch kahit pa hindi naman ako si cinderella. Medyo nakakatawa lang talaga dahil pinaglilinis niya ako dito. Ngayon ko lang din nalaman na may pagka-burara pala siyang babae. “Hindi ka pa rin tapos?” tanong sa akin ni Annalyn na nakabalik na pala. “Patapos na po,” sagot ko sa kanya. “Sorry about this Reighn. Sana ay hindi mo sabihin sa kuya mo. Baka kasi magalit na naman siya sa akin.” “Hindi ko sasabihin,” sabi ko sa kanya at tinapos ko na ang ginagawa ko. Hindi ko sasabihin para pagtakpan siya. Hindi ko talaga sasabihin dahil ayaw ko na mag-alala ang boyfriend ko sa akin lalo na nasa malayo siya. Alam

