REIGHN SELESTINE “He’s my fiance,” sabi niya sa akin. “Oh, really?” “Bakit hindi mo ba alam? Hindi ba niya sinabi sa ‘yo?” tanong niya sa akin na ikinagulat ko kaya tumingin ako sa boyfriend ko. “Totoo ba ang sinabi niya?” tanong ko kay Vin. “Mahal, let’s talk about it inside.” sabi niya sa akin. “So, totoo nga. Totoo nga ang sinasabi niya? Totoo rin na magpapakasal kayo?” tanong ko sa kanya. He didn’t answer kaya naman umatras ako. “Mahal,” tawag niya sa akin pero umatras pa rin ako. “Don’t you dare,” sabi niya sa akin dahil nakita niya na aalisin ko sa daliri ko ang engagement ring na binigay niya. “Ano pa ang silbi nito–” Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil hinalikan niya ako sa labi. Hindi ako tumugon lalo na nasasaktan ako ngayon. Tumigil siya at tumingin sa mga mata ko

