REIGHN SELESTINE “Mahal, okay lang na hindi tayo pumunta kung talagang masama ang pakiramdam mo.” sabi niya sa akin dahil nakauwi na siya dito sa apartment ko. “It’s okay, mahal. Alam ko naman na miss ka na ni mama.” nakangiti na sabi ko sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya. “Are you sure?” tanong niya sa akin. “Sakit lang ng ulo ito. Magiging okay rin ako mamaya,” sabi ko sa kanya para hindi na siya mag-alala sa akin. “Okay, doon na lang tayo matulog.” sabi niya sa akin at hinalikan niya ako sa noo. Siya na mismo ang nag-ayos ng mga gamit ko. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na pumunta ang ex niya dito kanina. Pero mas pinili ko na lang na hindi sabihin sa kanya. Hinayaan ko na lang siya na gawin ang gusto niya. Nang matapos na siya ay hawak kamay kaming lumabas sa apartment ko.

