REIGHN SELESTINE “Mahal, naalala mo pa ba ang bracelet na binigay ko sa ‘yo?” tanong ko sa kanya dahil naalala ko. “May binigay ka ba sa akin?” tanong niya sa akin kaya tumingin ako sa kanya. “Meron ba?” tanong pa niya ulit. “Hindi mo na maalala?” nakakunot ang noo na tanong ko sa kanya. “Mahal, meron b—” “So, hindi mo na naalala?” tanong ko sa kanya habang nagsisimula na akong mainis sa kanya. “Mahal, kasi wala naman–” “Oo, wala talaga akong binigay sa ‘yo.” sabi ko sa kanya at inisang subo ko ang tinapay na hawak ko at tinalikuran ko siya. “Galit ka ba?” malumanay na tanong niya sa akin. “Hindi, masaya ako. Sobrang happy ko nga na wala kang maalala,” sarcastic na sagot ko sa kanya. Pero ang totoo ay gusto ko na lang siyang sabunutan. Pinipigilan ko lang talaga ang sarili ko da

