REIGHN SELESTINE “Ayaw kong matapos ang pagkakataon na ito,” sabi ko sa kanya. “Gagawa tayo ng maraming alaala na magkasama. Susulitin natin ang mga araw na magkasama tayong dalawa. Kung sa tingin mo ay panaginip ito, hindi ito panaginip. Totoo ito, mahal ko.” sabi niya sa akin. “Sorry kung pati ikaw nahihirapan sa akin. Kasi may mga times na hindi ko kayang kontrolin ang nararamdaman ko. Mabilis akong umiyak, mabilis akong masaktan at mabilis na magbago ang mood ko. Kahit ba ganito ako ay mahal mo pa rin ako? Kaya mo pa rin ba akong mahalin?” tanong ko sa kanya. “Walang magbabago sa pagmamahal ko sa ‘yo. Kahit pa maging sino ka ay nasa tabi mo lang ako. Hindi ako mawawala sa tabi mo, mamahalin kita Reighn. Ikaw lang ang mamahalin ko,” sagot niya sa akin at mas humigpit pa ang yakap ni

