REIGHN SELESTINE “Tama na nga!” sabi ko sa kanya dahil kinikilig lang ako. “Bakit naman?” nakangiti na tanong niya sa akin. “Matagal ka na bang nagagandahan sa akin?” tanong ko sa kanya kahit pa sabi ko na ayaw ko ng pag-usapan namin. “Maganda ka naman talaga. Kapag sinabi ko naman na pangit ka eh baka nagsisinungaling na ako,” sabi niya sa akin. “Pero alam akala ko talaga dati bagong boyfriend ka ni mommy. Hindi ka kasi mukhang driver.” sabi ko sa kanya. “Mukha ba akong ano?” nakangiti na tanong niya sa akin. “Masyado kang gwapo para maging driver ng daddy ko.” honest na sagot ko sa kanya. “Hmmm, gwapo pala ako noon?” ang lawak ng ngiti na tanong niya. “Gwapo ka naman talaga. Saka ‘wag mong bigyan ng malisya dahil malinaw lang ang mata ko at nagsasabi lang

