REIGHN SELESTINE “May problema ba?” tanong ni kuya sa amin ng nakabalik na siya. “Wala naman, nag-uusap lang kami ni baby girl. Balak na pala niyang sagutin ang manliligaw niya. ‘Yung si Lance,” sabi ni Ate Annalyn na ikinagulat ko. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Sinabi niya na sasagutin ko si Lance. Wala naman kasi akong sinabi na ganun. Tumingin ako sa boyfriend ko at nakatingin siya sa akin. Gusto kong iparating sa kanya na hindi totoo ang sinasabi ni Ate Annalyn. Hindi ko alam kung nakukuha ba niya na may nais akong sabihin sa kanya. Seryoso lang kasi ang mukha niya habang nakatingin siya sa akin. “Wala namang problema kung sasagutin niya.” sabi ni kuya at binigyan niya ako ng tubig. “Diba ayaw ng daddy niya sa lalaking ‘yon? Kaya bakit naman niya sasagutin.” “Ano naman k

