VIZENCIO “Mom, I need your help.” tinawagan ko na ang mommy ko dahil buo na ang loob ko. “About saan, anak?” “Gusto ko na pong magpakasal,” sagot ko sa kanya. Naging tahimik ang kabilang linya. Kaya naman hinihintay ko ang sagot niya sa akin. “Sigurado ka na ba?” tanong niya sa akin. “Yes, mom. Sigurado na po ako,” sagot ko sa kanya. “Okay, kung ‘yan ang nais mo ay nandito lang ako para sa ‘yo. Matanda ka na at alam mo na ang ginagawa mo,” sabi niya sa akin. “Love you, mom.” “Love you too, son. Gawin mo kung saan ka masaya, I’m always here for you,” sabi niya sa akin. “Thank you, mom.” nakangiti na sabi ko bago ibinaba ang tawag. Kung hindi ko ito gagawin ngayon ay baka mawala sa akin ang babaeng mahal ko lalo na nagpupumilit na ang daddy ko na ikasal ako kay Annalyn. Pero buo n

