VIZENCIO Umakyat na kaming dalawa sa room ko pero dahil sa may ginagawa sila nila mommy ay tinulak niya ako na naging dahilan para mahulog ako sa sahig. Ang totoo ay nasaktan talaga ako. Dahil sa ginawa niya ay may naisip tuloy akong kalokohan. “Mahal, wake up. Oh my gosh! Anong nangyari sa ‘yo?” tanong niya sa akin habang ginigising niya ako. “Mahal, gising po. Mahal, ano ba?!” “Wait, tatawag lang ako ng tulong.” sabi niya at nang akmang aalis na siya ay hinila ko siya. “Bakit ka umiiyak?” “Akala ko kasi kung ano na ang nangyari sa ‘yo. I’m scared,” umiiyak na sagot niya sa akin kaya na guilty naman ako. “It’s a prank! Binibiro lang kita kasi naman iniwan mo na lang ako dito.” sabi ko sa kanya para tumigil na siya sa pag-iyak. “Sorry po, hindi ko na uulitin.” sabi ko ulit sa kany

