REIGHN SELESTINE “Viel, come to daddypa.” sabi ni daddy sa apo niya pero hindi lumapit ang apo niya. Kahit ako ay nagtataka rin dahil ang alam ko ay malambing ang anak ko sa daddy ko. “Sweetie, may problema po ba?”’ malambing pa rin na tanong ni daddy kay Viel. Hindi man lang sumagot ang anak ko kaya lalong nag-iba ang mukha ng daddy ko. Nagtataka siyang nakatingin sa akin pero nagkibit balikat lang ako. Kasi kahit ako naman ay hindi ko rin alam kung ano ba ang problema niya sa daddypa niya. Alam ko na kahit si Vin ay nagtataka na rin. “I miss you, sweetie.” “Sweetie, hindi mo ba na miss si daddypa?” tanong na naman ni daddy sa anak ko kaya lumapit na ako sa kanya. “What’s the problem, baby?” tanong ko sa kanya. Lumapit siya sa akin ay may ibinulong. “Hindi po niya gusto si daddy,

