REIGHN SELESTINE “Umuwi na tayo,” sabi ko sa kanya habang nakatingin sa seryoso niyang mukha. “Anong sabi mo?” “Ang alin ba?” naiinis na tanong ko sa kanya kahit pa alam ko ang tinutukoy niya. “Ang sinabi mo kanina,” sagot niya sa akin. “Alin doon?” tanong niya sa akin. “Tinawag mo akong kuya?” kunot noo na tanong niya sa akin. “Oo, ano naman ngayon?” naiirita na naman ako. “Bakit ka ba nagagalit?” “Bakit ka lumabas sa kotse? Lumabas ka para i-display ang katawan mo?” galit na tanong ko sa kanya. “I-display? Nakahubad ba ako? Hinihintay lang kita dito,” sagot niya sa akin. “Eh bakit ka pa lumabas sa kotse?” “Kasi gusto kitang salubungin. Kaya ‘wag ka ng magalit at ‘wag mo akong tatawagin na kuya dahil asawa kita. Asawa mo ako, kaya please. Lumipat ka na dito sa front seat,” mal

