VIZENCIO Ganado akong bumangon dahil ito ang unang araw ko sa trabaho ko. Gusto ko ang pakiramdam na ito. Ang gaan lang at parang masaya ako. Kahit pa malamig ang tubig ay naligo ako dahil gusto ko na maging mabango kapag sinundo ko ang anak ni Adam. Excited na akong makita ang bago kong boss. Ang cute kong boss. “Good morning, manang.” masaya na bati ko sa kanya. “Good morning, pogi. Almusal ka na,” sabi niya sa akin. “Kape na lang po, manang.” sagot ko sa kanya at kumuha na ako ng tasa para magtimpla ng kape ko. “Ako na–” “Ako na po,” sabi ko sa kanya. “Per–” “Manang, hindi po ako bisita dito. Nandito po ako para magtrabaho kaya po ‘wag niyo sanang isipin na kailangan niyo akong pagsilbihan dahil sa kaibigan o kakilala ko si gov,” sabi ko sa kanya. “Okay, iho. Pareho talaga kay

