VIZENCIO Tulad ng lagi kong routine ay papasok ako sa work at si Ren-ren naman ay papasok rin sa school. Magkasama kami lagi. Katabi ko siyang matulog. Sa totoo lang ay live in na ang tawag sa aming dalawa. Gusto kong sabihin na sa parents niya pero alam ko na hindi pa naman siya busy. Pumupunta kami sa doktor niya. At sinisigurado ko na iniinom niya ang gamot niya. Friday ngayon at wala naman kaming pasok bukas kaya nag-iisip ako kung saan kami pumunta. Hanggang sa naalala ko na tapos na pala ang pinagawa ko para sa babaeng mahal ko. Alam ko kasi na hindi pa naman kami makakauwi sa Pilipinas at iniisip ko na baka nami-miss niya na niya ang ilog na pinupuntahan namin kaya nagpagawa na lang ako. Gusto ko kasi siyang i-surprise. Nandito ako ngayon sa office ko at lunchtime na kaya nakahar

