VIZENCIO Safe na nakalapag ang eroplano na sinasakyan naming dalawa ni Veil pauwi dito sa Pilipinas. Excited na kaming mag-ama na makita ang mommy niya. Pero mas minabuti ko na iwan na lang muna siya sa condo ko para naman makapag-pahinga siya. Oo may condo akong binili. Medyo matagal na rin ito. Naisip ko lang noon na bumili. May binabayaran lang ako para mag-alaga sa condo kong ito. “Baby, stay here ka muna dito ha. Susunduin ko lang ang mommy mo.” kausap ko sa anak namin dahil ayaw ko na siyang dalhin dahil alam ko na pagod na siya. “Okay po, daddy.” Nagmaneho na ako papunta sa university kung saan pumapasok ang asawa ko. Matiyaga akong naghihintay sa kanya. Nanatili lang muna ako dito sa loob ng kotse ko dahil ayaw ko na magalit siya sa akin. Minsan kasi ayaw na ayaw niya na tumata

