VIZENCIO Ano ba para sa akin ang salitang masaya? Ang paulit-ulit na sagot ko sa bawat tanong sa akin ay ang mag-ina ko. Sila ang kasiyahan ko, sila ang inspirasyon ko at higit sa lahat sila ang buhay ko. Wala iba kundi silang dalawa lang. “Mahal, magbakasyon kaya tayo sa Pilipinas?” tanong ko sa asawa ko. “Mahal, ‘wag na po. Saka na lang kapag naka-graduate na ako.” “Baka kasi nami-miss mo na sila?” sabi ko. “Mahal, yearly naman po pumupunta dito si daddy. Bakit miss mo na ba si mommy?” nakangisi na tanong niya sa akin sa akin na may kasamang pang-aasar. “Bakit ko naman mami-miss ang mommy mo? Eh alam naman natin na kalmado lang siya pe–” “Alin ba ang mas nasaktan ka? Sa mommy ko o sa daddy ko?” nakangisi pa na tanong niya na halatang inaasar talaga ako ngayon. “Kailangan ko pa b

