REIGHN SELESTINE “Pasok na tayo, mahal.” sabi niya sa akin sa halip na sagutin ang tanong kung ano ba ang gamot na binili niya. “Kagagaling lang ng ex mo dito,” sabi ko sa kanya. “Anong ginawa niya dito?” tanong niya sa akin. “Hinahanap ka, ikaw lang naman ang gusto niya.” sabi ko sa kanya at nauna na akong pumasok sa loob. “Galit ka ba?” Tanong niya sa akin. “Hindi, bakit naman ako magagalit?” tanong ko sa kanya. “Akala ko kasi ay galit ka. Pero mas mabuti na ‘wag mo na siyang kausapin. Impakta pa naman ‘yun baka mamaya ay may gawin sa ‘yo lalo na kapag wala ako.” sabi niya sa akin. “Alam ko naman ‘yan. Minsan kasi ay gusto ko pa rin siyang makausap para maayos natin ang lahat kahit pa maldita siya. Ayaw ko na may taong may galit sa atin. Hangga’t may chance na puwedeng ayusin an

