REIGHN SELESTINE Hindi ko alam kung paano ba ako nakarating dito sa ospital. Nang marinig ko ang sinabi sa akin ng babae na tumawag ay nagmadali akong lumabas sa bahay. Nakasuot pa ako ng pambahay sa sobrang pagmamadali ko. Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko. Kaya wala na akong pakialam sa itsura ko ngayon. Dahil mas mahalaga para sa akin ang asawa ko. “Mama, ang asawa ko po?” umiiyak na sambit ko. “Anak, si Vin..” sabi niya sa akin habang umiiyak rin. “Nasaan po ang asawa ko? Ano po ang lagay niya? Mama, nasaan po siya?” umiiyak na tanong ko sa kanya habang nanghihina ang mga tuhod ko. “Nasa loob, anak. Kararating ko lang din.” umiiyak na sagot niya sa akin. “Papasukin niyo po ako. Gusto ko pong makita ang asawa ko. Please po, mama. Hayaan niyo po akong makita siya. Gusto ko p

