VIZENCIO “Excuse me, I need to take this call.” Sabi ko sa kanya dahil tumatawag sa akin ang secretary ko kahit pa wala sana akong pasok ngayong araw. Umalis naman siya sa kandungan ko at lumabas siya sa room niya kaya ako na lang ang naiwan dito. Tumawag sa akin ang secretary ko at sinabi ko sa kanya na ‘wag niya akong guluhin dahil busy ako sa date ko. Pero pinag-usapan na lang namin ang mga kailangan dahil kukulitin pa rin niya ako. Ilang minutes rin na tumagal ang pag-uusap naming dalawa bago ako lumabas. Nakita ko si Ren-ren na nanonood ng pambata na palabas. Kahit talaga eighteen na siya ay pambata pa rin talaga ang pinapanood niya. “Alis na tayo,” sabi ko sa kanya pero nakatingin lang siya sa akin. “Ren-ren, naririnig mo ba ako?” Tanong ko ulit sa kanya. “Kukunin ko lang po ang

