VIZENCIO Isa ito sa mga gabi ng buhay ko na sobra akong nahirapan. Paano ba ako makakatulog kung may dyosa sa tabi ko? Tumigil na ako sa paghalik sa kanya dahil ayaw kong mawalan ng kontrol. Natatakot ako na makagawa ako ng isang bagay na ayaw niya. Na hindi siya ready dahil umaasa ako na kaya ko, na kaya ko pang maghintay ng dalawa o higit pang taon. Ganun ko kamahal ang batang ito. Kaya kahit pa gusto ko siyang angkinin, gusto ko siyang maging akin ay pinigilan ko ang sarili ko. Ang mapula niyang labi na kay sarap halikan ay palagi akong inaakit. Ang maamo niyang mukha na talagang ginawa ng perpekto. Sa sobrang ganda niya ay takot ako, takot akong kunin siya sa akin. Dahil umaasa ako na akin lang siya. Kahit pa hindi ako sigurado sa bagay na ‘yon. Niyakap ko na lang siya para matulog

