REIGHN SELESTINE I hate this kind of feeling. Naiinis ako na tuwing gigising na lang ako ay laging nasa ospital ako. Tulad na lang ngayon ay puting kisame na naman ang unang bumungad sa akin ng imulat ko ang mga mata ko. Sa totoo lang ay ayaw na ayaw ko ang amoy ng hospital. Pakiramdam ko ay lalo akong magkakasakit. “Mahal,” narinig ko ang boses ni Vin. “Bakit na naman tayo nandito?” tanong ko sa kanya dahil talagang ayaw ko dito. “Hindi mo ba naaalala ang nangyari kanina?” tanong niya sa akin kaya kumunot ang noo. Pero agad rin akong napahaplos sa ulo ko dahil ngayon ko lang napansin na may benda pala ako sa ulo. May kirot akong nararamdaman kasabay ng pag-alala ko sa nangyari sa akin kanina. May kung ano kasing tumama sa ulo ko pero bigla na lang lang ako nataranta dahil naalala ko

