REIGHN SELESTINE Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto ba akong nakatingin sa taong nasa harapan ko ngayon. Iniisip ko na panaginip lang ito pero alam ko rin na hindi. Alam ko na nasa harapan ko siya ngayon at nakatingin sa akin. “Are you okay?” tanong niya sa akin kaya doon pa lang ako nahimasmasan. “A–Ano po ang ginagawa mo dito, tito sungit?” Tanong ko sa tito ko na nasa harapan ko ngayon. Si Tito Wilzan ay kapatid ni daddy at kakambal ni Tito pogi. Ang tawag ko kay Tito William ay pogi at sa kanya naman ay sungit. Seryoso lang kasi siya lagi at para bang hindi marunong ngumiti pero masasabi ko naman na mabait naman siya. “Dinalaw lang kita. May business trip kasi ako dito. Hindi naman ako magtatagal. Hinatid ko lang ang pinadala ng tita mo.” Sagot niya sa akin at napatingin

