REIGHN SELESTINE Lumipas ang mga araw at ngayon na ang araw ng pag-alis naming dalawa para sa honeymoon namin. Sobrang bilis nga eh, parang kahapon lang naman ang kasal naming dalawa. Kahit hindi naman kahapon ay parang ganun ang pakiramdam ko. “Baby, are you sure na okay ka lang dito?” tanong ko sa anak namin dahil ito ang unang beses na kaming dalawa ng daddy niya ang aalis. “Mommy, kasama ko po ang mga tito at tita ko. Kasama ko rin si daddypa at mama. Hindi po nila ako pababayaan,” nakangiti na sabi niya sa akin. “She’s right, mahal.” sabi ng asawa ko sa akin. “Nag-aalala lang kasi ako dahil tayong dalawa ang wala sa tabi niya,” sabi ko sa asawa ko. “Okay lang po, mommy. Basta pag-uwi niyo po ay may pasalubong kayo,” nakangiti pa na sabi niya sa akin. “Ano bang pasalubong ang gu

