REIGHN SELESTINE Umuwi na ang daddy ko kaya kami na lang na dalawa ng asawa ko ang naiwan dito. Hindi pa siya magaling kaya naman kasama ko siya dito sa bahay niya. Hindi pa kami bumalik sa apartment ko. Napag-usapan na rin namin na aalis na ako doon lalo na ayaw niya ang daddy ko ang nagbabayad sa apartment na ‘yon. Ang sabi niya kasi ay siya na raw ang gagastos sa akin. Siya na raw ang bahala sa akin. Dahil nga raw obligasyon niya ‘yun. Napapangiti na lang ako kapag naalala ko kung gaano siya ka responsable na lalaki. “Mahal, magbenta kaya ako ng pabango?” tanong ko bigla sa kanya. “Gusto mo ba?” nakangiti na tanong niya sa akin. “Oo, gusto ko. Gusto kong i-try.” “Kaya mo ba? I mean alam ko naman na kaya mo. Pero kasi papasok ka pa sa University.” sabi niya sa akin. “Kapag wala ak

