RACHEL Hindi ako halos makapaniwala. Ilang ulit kong sinasabi sa sarili ko kung panaginip lang ba ang lahat o kung totoo ba ito? Nagulat talaga ako sa nalaman ko. Sa nalaman ko tungkol kay Reighn. “Adler, come here!” tawag ko sa makulit kong anak. “Yes, mommy?” “Slap me,” utos ko sa kanya. “Ayaw ko po, mommy.” sabi niya sa akin na halatang natatakot at nagtataka. “Hindi ako magagalit. Sige na, slap me.” utos ko sa kanya. “Mommy, ayaw ko po. Kahit po paluin niyo ako ay ayaw ko.” sabi niya sa akin. “Hindi naman kasi magagalit si mommy. Kaya sige na, sampalin mo ako.” “Mommy, ayaw po. Ayaw ko po,” bigla na lang itong umiyak. “Okay, sige na hindi na. Tawagin mo na lang si Raleigh,” utos ko sa kanya para naman tumahan na siya. “Lalong hindi niya gagawin ang nais mo, mommy. Kilala mo

