VIZENCIO “Si Annalyn, pinapasok ng daddy mo dito,” sabi ng secretary ko. “What?!” gulat na tanong ko sa kanya. “Sh*t!” napamura ako ng wala sa oras. Paano kung magkita sila ni Reighn at sabihin niya sa babaeng mahal ko na ako ang CEO dito. Bigla yatang sumakit ang ulo ko dahil may impakta na nakapasok sa teritoryo ko. ‘Yung inis na nararamdaman ko sa daddy ko ay mas nadagdagan pa. Kaya naman mabilis ko siyang tinawagan. “Dad, ano po ba ang ginagawa mo?” tanong ko sa kanya. “Gusto niyang makasama ka kaya hinayaan ko siya sa nais niya. Hanggang kailan mo ba siya itataboy?” “Ilang beses ko pa ba dapat sabihin sa ‘yo na wala ng kami. Hindi na magiging kami,” sabi ko sa kanya. “Siya lang ang gusto ko para sa ‘yo. Wala ng iba kundi siya lang,” sabi niya sa akin at binaba na niya ang taw

