Chapter 5

3878 Words
PABALIK na si Mikaella sa kanilang mesa nang salubungin siya ni Lulu. “Mikaella, there you are. Naaalala mo si Christian? Christian Sereno? Kamag-aral din ninyo at kaibigan ni Sevastian.” Christian Sereno? Sa isipan ay pilit inalala ni Mikaella kung sino si Christian at kung ano ang hitsura nito. Nang maalala ay isa nga pala ito sa mga heartthrob sa klase nila noon. “Yeah. Naaalala ko siya.” “Siya kasi ang nakakuha ng garter,” pagbabalita nito. “Oh,” tipid niyang tugon. Hindi pa niya nakikita sa okasyon ang lalaki. “Ngayon naman tinatawag na ang mga dalaga. Halika na. Maghahagis na ng bouquet! Sumali tayo," excited na wika Lulu.             Oh? Pagkatapos ng engkuwentro ni Mikaella sa napakayabang na lalaking iyon ay mas lalo siyang walang maunawaan sa nangyayari sa paligid. Ni hindi rumerehistro sa pandinig niya ang sinasabi ng emcee dahil paulit-ulit na umaalingawngaw sa isipan niya ang mga sinabi ng lalaki. Kung may pakpak lang siya ay baka kanina pa siya nakalipad palayo. Hell! Kung sana ay hindi na lang siya dumalo, hindi sana nagsalubong ang landas nila ng lalaking iyon. “Kayo na lang,” pilit ang ngiti na pagtanggi niya. Ngiti na nauwi sa pagngiwi nang pumasok sa isip ang banta ng lalaki. Kapag hindi niya nakuha ang bouquet ay guguluhin nito ang buhay niya. May balak yata ito na ipagkalat ang sekreto niya. "Hindi lang ako basta nagbibitiw ng banta, sweetheart. I walk the talk. I. Always. Walk. The. Talk," sabi pa nito.             “Sige na. Katuwaan lang naman,” paghimok pa ni Lulu.             Kapag pumunta ako doon, iisipin ng lalaking iyon na kayang-kaya niya akong pasunurin. Na inaamin ko nga na ako ang babaeng iyon. But then, hindi pa ba obvious sa naging reaksiyon ko ang kumpirmasyon na ako nga iyon? Kapag hindi naman ako nakisalo ng bouquet, baka sira-ulo pala ang lalaking iyon at totohanin ang banta niya. He talked so sure pa naman. God! Ano ba itong napasukan ko? himutok niya. Maingat na tinimbang ni Mikaella ang sitwasyon. Hindi puwedeng mag-walkout na lang siya dahil baka naipagtanong na ng lalaki kay Daisy ang mga impormasyon tungkol sa kanya. Hindi nga ba at alam na nito ang pangalan niya? “Sige na nga,” aniya kay Lulu na mukhang hindi rin pupunta sa bulwagan kung hindi siya kasama.             Nagkaipon-ipon na ang mga dalaga. Agad ding namataan ni Mikaella sina Ariana at Ynella. Composed at refined ang kilos ng dalawa, pero ang galaw ng mga mata ang nagbigay sa mga ito. They were seriously keenly eyeing for the wedding bouquet. Bahagyang tumaas ang kilay ni Mikaella dahil doon. Talaga, makikipag-agawan din ang dalawa ng bouquet? Naniniwala rin ang mga ito na kung sino ang makakasalo ng bouquet ay siyang sunod na ikakasal? Wait, ibig bang sabihin ay gusto na ring ikasal nina Ariana at Ynella? At akala pa naman niya, nag-e-enjoy ang mga kaibigan sa kanya-kanyang career. Ah, bakit ba idinadagdag ko pa sila sa isipin ko?             “Dito tayo sa may harap, Mikaella,” sabi ni Lulu. At pumuwesto nga sila sa harap. Bahagyang nginitian ni Mikaella ang mga kaibigan na para bang nagtataas din ng kilay kung bakit siya naroon.             “Okay! Mukhang handa na ang ating mga kadalagahan,” malakas ang tinig na sabi ng emcee. “Remember, ladies. The one who gets the wedding bouquet, gets married next. Sino kaya ang makakasalo?”             Lumingon ang bride sa kanila. Humagikgik. Pagkatapos ay kinindatan si Mikaella. Ah, oo nga pala, sabi nga pala nito ay sa deriksiyon niya nito ibabato ang bouquet. “Huwag na nating patagalin pa ito. Mrs. Wilson, are you ready?” Nagbigay naman ng thumb-up si Daisy bilang sagot. “Okay. Here we go… One... two…” Tumahip ang dibdib ni Mikaella. Ni sa hinagap ay hindi pumasok sa imahinasyon niya na makikisalo siya ng bouquet. Wala nga siyang tinanguan na imbitasyon para maging abay, mapakaibigan o kamag-anak man ang ikakasal. Pero dahil sa aroganteng lalaking iyon ay heto siya ngayon, isa sa mga kadalagahang nag-aabang sa bouquet. Oh, well, labag naman sa loob niya ito. Napipilitan lang siya. “Three!” Ibinato ng bride ang bouquet. Tila slow motion na nakita ni Mikaella ang paglalayag niyon sa ere papunta sa umpukan nila. Lumunok si Mikaella. Ang kamay niya ay gusto nang tumaas para abutin ang bulaklak. Ang mga paa niya ay tumitingkayad na para bigyan siya ng karagdagang taas. Hanggang sa maramdaman niya ang gitgitan na unti-unting nagiging mapwersa. To her horror, nagkakaroon na ng sikuhan at balyahan. Tila lahat ay handang maging marahas makuha lang ang bouquet. “Aw." Napangiwi na lang siya nang masiksik na siya. s**t! Kailangan ko ang bouquet na ‘yan! Hindi dahil gusto kong makasal, kundi dahil sa lalaking iyon! Naging mapuwersa na rin si Mikaella. Hanggang sa mahawakan na niya ang bungkos ng bulaklak. Pero hindi lang siya ang nakadaklot doon, maraming kamay. At sa sabay-sabay na paghila para angkinin iyon, nawala sa pagkakabigkis ang bouquet at... “What the--" Si Ariana na mukhang gulat na gulat din sa nangyari ay may hawak nang mga bukalak sa palad nito, mahigpit na hawak iyon. At si Ynella… nasa lapag si Ynella at… hawak din ang parte nito ng bulaklak? Napatingin si Mikaella sa palad niya, meron din siya. Silang tatlo ang naghati-hati sa bouquet?! What the hell! Isang waiter ang maagap na umalalay kay Ynella para tumayo. Nagkatingin silang tatlo. Nagpapakiramdaman. Pagkatapos ay nagkakaisang natawa sa nangyari. “What the hell!” sabi ni Ynella. “Kamuntik n'yo na akong pilayan.” Ah, hindi ako ang tumulak sa ‘yo, ha. She thought. Oh hindi nga ba siya? Hindi talaga niya matandaan. Basta ginawa niya ang lahat para madominante ang labang iyon.  “Well, sa tingin ko ay may tatlo na mapapalad na dalaga ang susunod na makakatagpo ng kani-kanilang better half soon,” nakatawa ring sabi ni Daisy. Halatang nasisiyahan talaga ito sa nangyari. “My best wishes to you, guys.” “Tatlo! Tatlo na naggagandahang dilag,” natutuwa ring announce ng emcee. “Paano niyan? Iisa lang ang garter?” Malakas na natawa ang babaeng emcee. Sumagot ang kapareha nitong lalaki. “Okay, ganito na lang ang gawin natin. Magbubunutan ulit ng stick ang mga binata para sa dalawa pang—” Nahinto ang emcee sa gustong sabihin nang magtaas si Ynella ng kamay. “Ahm... I’m out, please. I had a bad fall, you know. Thank you.” “Oh, okay, Miss. Understandable. So let’s excuse her.” “I’m… I’m out, too,” agad na segunda ni Mikaella nang makaalis si Ynella. “M-medyo sumakit ang ulo ko sa naging digmaan namin. Grabe. This is something. Quite epic, yeah?” Hinaluan niya ng biro ang tinig kahit na nga ba hindi siya sigurado kung kaswal ba iyong lumabas. Hindi na siya naghintay ng kumpirmasyon sa pagtanggi niya. Umalis na siya.   DAHIL sa inis ay lumabas si Mikaella ng bulwagan. Lumayo sa kasiyahan. Nagtungo siya sa dalampasigan, hinubad ang kanyang sandalyas bago naglakad nang naglakad. Kumakalat na ang dilim sa paligid pero sa tulong ng mga ilaw sa ilang poste ay nananatiling maliwanag ang paligid. Nang sa wakas ay humina sa kanyang pandinig ang kasiyahang nagaganap, palatandaan na malayo-layo na siya, ay naupo na siya sa tuyong buhangin. Gusto sana niyang maglublob ng mga paa at hayaang mabasa ang laylayan ng kanyang damit kaya lang ay wala siyang dalang pamalit. Hindi naman kasi niya planong mag-overnight. Balak din niyang umuwi pagkatapos ng reception.             Ibinaba niya sa buhangin ang ilang piraso ng bulaklak na nakuha sa pakikipag-agawan sa bouquet. Nakakuha siya ng ilang piraso ng rosas, orchids, at lilacs. Napailing-iling siya. Really? Silang tatlo na magkakaibigan ang naghati-hati sa bouquet? Kung ganoon, ano ang ibig sabihin niyon? Na silang tatlo ang sunod na ikakasal? Eh, hindi naman buong bouquet ang nakuha nila, ah? At saka hindi naman siya magpapakasal. Hindi ngayon. Hindi sa nalalapit na hinaharap. Hindi kahit kailan. At hindi mababago ang pasya niya dahil lang nakakuha siya ng parte ng wedding bouquet. Pinagtabi niya ang mga nakatiklop na binti at niyakap iyon habang ang kanyang baba ay nakatuon sa magkadikit na tuhod. Lumalamig na ang hangin pero nananatiling kalmado ang dagat. Kabaligtaran ng nararamdaman niya.             Sana hindi na lang ako pumunta dito. Hindi sana kami nagkita ng lalaking iyon. No. Hindi ko na lang sana pinasok ang puno’t dulo ng problema ko. God. Paano ko ba susolusyunan ito?             “Sabi ko, ‘bring me the flowers’, ‘di ba?”             Napakislot si Mikaella sa buo at siguradong tinig na iyon. Hindi na niya kailangang lumingon para alamin kung sino ang may-ari ng tinig. Nasundan siya ng lalaki roon, ibig sabihin ay nakasunod sa kanya ang mga mata nito. Mariin siyang pumikit at piniling huwag itong pansinin.             “Hey, are you okay? Nasaktan ka ba kanina? During the bouquet throwing, I mean. Kung alam ko lang na ganoon ang mangyayari hindi na sana kita pinasama roon.” Nasorpresa si Mikaella sa pag-aalalang kaakibat niyon. Parang gusto niyang kilabutan. He’s so commanding and arrogant. Brusko. Hindi niya alam na kaya rin nitong maging caring. Really, Mikaella? nakaismid na tanong sa kanya ng isang bahagi ng isip. Hindi ba at ipinamalas na niya ang pagiging ‘caring’ niya noong gabing iyon? Noong madiskubre niya na birhen ka pa. Remember?  “Malamig na ang simoy ng hangin,” sabi pa nito at naramdaman na lang ni Mikaella ang pagpatong sa likod niya ng isang coat. Taglay niyon ang amoy ng lalaki. Mabango at may urge sa dibdib ni Mikaella na punuin ng amoy niyon ang kanyang mga baga.             Nilingon niya ang lalaki. Bagaman hindi na siya nag-abala pa na tanggalin ang coat. “Ako nga iyon, ang babaeng naka-one-night stand mo. Masaya ka na?” matapang na sabi niya. Hindi ngumiti ang lalaki. Lumuhod ito. Before she knew it, iniiipit na nito sa likod ng taynga niya ang mga hibla ng buhok na nawala sa pagkaka-pin dahil sa naganap na giyera kanina. Giyera ng mga dalagang nagnanais na maangkin ang bouquet. Pakiramdam nga niya ay may humila pa sa buhok niya kanina. Habang ginagawa iyon ng lalaki ay nakatitig ito sa kanya. Mikaella gathered together her shaken wits. Tinabig niya ang kamay nito, pagkatapos ay dinampot ang mga bulaklak na nakuha kanina at ipinukol sa dibdib ng lalaki. “Ang bulaklak mo!” Bago tuluyang malaglag sa buhangin ang mga bulaklak ay nasalo iyon ng lalaki. Ibinalik na ni Mikaella ang kanyang paningin sa dagat. “So what now? Plano mong ipagkalat ang nangyari? Sige, gawin mo na,” matapang niyang saad. May napagtanto si Mikaella. Maaaring ngang dominante at arogante ang lalaki pero mukha rin itong kagalang-galang. Mukhang prominente. Tila ba may iniingatan din itong reputasyon at pangalan. “Sige, ipagkalat mo ang nangyari at sinisiguro ko sa ‘yo na kakaladkarin ko rin ang pangalan mo.”             “I’m wondering why—”             “Why I did that? You’re wondering why I did that gayong birhen pa ako?!” putol niya rito, paangil. Mabilis na gumana ang isipan ni Mikaella. “Dahil may naglagay ng date rape drug sa inumin ko!” “What?!” Halos magdiwang ang kalooban ni Mikaella nang mag-isang linya ang kilay ng lalaki. He looked so bothered. Totoo naman na may naglagay ng date rape drug sa inumin niya. Iyon nga lang may permiso niya. At hindi naman niya pinagsisihan iyon. Well, not until now. Dahil kung maibabalik lang ang panahon at alam niyang maghahatid lang pala ng problema sa kanya ang lalaking ito, hindi sana ito ang kanyang pinili. Kaya lang kasi, ang lalaking ito lang talaga ang pumukaw sa kanyang atensiyon. Hindi lang atensiyon niya ang napukaw kundi ang imahinasyon at ang sensuwalidad.  “Alam mo kung ano ang epekto ng gamot na iyon, ‘di ba? Hindi ko na makontrol ang sarili ko. There was suddenly an overwhelming itch that needs scrathing. Kaya ayon, I flirted with you!” Alangan namang sabihin niya na gusto niyang mabuntis kaya niya ginawa iyon? No. Hindi nito kailanman malalaman ang tunay niyang intensiyon. Kailangan niyang sabihin na nakainom lang siya ng DRD para huwag na siyang guluhin pa nito. “Para akong mababang klase ng babae na lumingkis-lingkis sa ‘yo dahil hindi ko makontrol ang sarili kong katawan.”             Pinagbuti niya ang pag-arte. Inisip niya, ini-internalize ang mga pinagdaanan ng kanyang nanay sa piling ng kanyang tatay, ang mga paghihirap nito, ang mga pasakit, ang mga luhang tumulo. Presto! Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ni Mikaella. Biktima siya, iyon ang dapat na lumabas.   NAGIMBAL si James. So that was it. Alam na niya ang sagot sa tanong na gumugulo sa isipan. Sa tanong na kung bakit nagawa ni Mikaella ang bagay na iyon gayong birhen pa ito. Naiintindihan na niya. Alam niya kung ano ang epekto ng date rape drug. Kahit ang pinakamahiyaing babae ay magiging wild sa gamot na iyon. Nang umagang iyon na gumising siya sa kanyang hotel suite at makitang wala na ang babae ay hindi matatawarang kahungkagan ang pumuno sa kanyang puso. Para bang may dinala itong parte ng pagkatao niya. Bumalik pa nga siya sa bar sa pag-asam na makita uli ito dahil may mga tanong na gusto niyang mabigyan ng kasagutan. At kung bakit nakilala agad niya ito kanina? Dahil ang mukha nito ay tila nakaukit na sa kanyang isipan.             “Get out of here,” sabi ni Mikaella, umiiyak.             “No,” aniya. At sa isang iglap ay ikinulong niya ito sa kanyang bisig. Nagpumiglas si Mikaella. Pero hindi siya pumayag na makawala ito. Hanggang sa unti-unting manghina ang pagpupumiglas. Inutusan niya ang dalaga na dapat ay makuha nito ang bouquet sa dahilan na gusto lang niya itong tantiyahin. Yes, he wanted to test the waters. Matapang kasi ang babae at matigas kaya gusto niyang malaman kung mapapasunod ba niya ito. Kung naba-bother ba niya ito. Kung may epekto siya rito. Hindi naman niya alam na ganoon pala ang kuwento ng dalaga. “You bastard. Pinipilit kong kalimutan ang bangungot na iyon ng buhay ko. Tapos heto ka, akala mo kung sinong napakaarogante na uungkatin iyon! How dare you.” Damn it! mura ni James sa sarili. “I… I’m sorry. Hindi ko alam…” nagsisising wika niya habang panay ang marahang haplos sa likod nito. “Shhh. I’m sorry.” Patuloy ang paghikbi ni Mikaella kaya naman para rin siyang tinatadyakan ng kabayo sa dibdib. Nang huminahon na ang dalaga at mawala ang paghikbi nito ay kumawala na ito sa bisig niya. “Sana naman ay maging sensitive ka na kahit papaano,” anito bago tumalikod at humakbang paalis.  “Mikaella,” pagtawag niya sa dalaga. Lumingon naman ito. “My name’s James. James de Andrada.” Ni walang ano mang reaksiyon mula sa dalaga. Binawi lang nito ang paningin at itinuloy na ang paglalakad. Nahaplos ni James ang kanyang panga. Hindi pa nawawala sa paningin niya ang dalaga nang matigilan siya. Kumunot ang kanyang noo. He realized something, or, at least base sa naaalala niya ay hindi consistent ang sinabi ni Mikaella sa nangyari nang gabing iyon. Mikaella was so flirty then. Ipagpalagay na nga na dulot iyon ng DRD, pero parang gusto naman ng dalaga ang ginawa nito. Hindi ito umakto na para bang nasa ilalim lang ito ng impluwensiya ng droga. Ang isa pang hindi consistent ay ang pagtanggi nito noong maghanap siya ng proteksiyon. Sabi ni Mikaella ay nagpapaturok diumano ito ng contraceptives, pero natuklasan niya na birhen pa ito. It was really confusing… Hindi kaya dahilan lang ni Mikaella ang date rape drug? tanong niya sa sarili. But her tears were sincere! Muli niyang sinulyapan ang papalayong pigura ng dalaga. Ah, one thing was for sure. Hindi dito maghihiwalay ang landas nila…   “KAILANGAN mo na ba talagang umuwi ngayon?” tanong kay Mikaella ni Daisy nang hilahin niya ito sa isang tabi para magpaalam. Kasalukuyan na noong nagsasayawan ang mga bisita.             “Oo, eh. Maaga pa rin kasi ang balik ko sa Maynila bukas,” aniya. Mabilis na rin siyang nakapagpaalam sa mga kaibigan.             “Eh, di dito ka na lang manggaling,” pangungumbinsi pa nito. “Dito ka na mag-overnight tapos bukas deretso ka na sa Maynila. At—” Sinundan niya ng tingin ang tumawag sa atensiyon ni Daisy. Si Sevastian. Mukhang may hinahanap. “Hey, Sevastian, si Ynella ba ang hinahanap mo?” Lumapit sa kanila si Sevastian. “Ah, ye—er, no. No. Bakit ko naman siya hahanapin?” defensive na sabi nito. Agad din naming kumambiyo at nagbago ng tono. “I mean, hindi siya ang hinahanap ko kundi ang mga bandmates ko.” Nagpalitan sila ng sulyap ni Daisy. “Oh, okay.” “Uuwi ka na, Mikaella?” tanong ni Sevastian sa kanya. Palinga-linga ito. Mukhang hindi mapalagay. He was clearly in denial. Hindi lang niya alam kung bakit hindi nito maamin na si Ynella ang hinahanap. “Yes. Kailangan ko ding umuwi ngayon.” Tumango ito. “You take care, ha. ‘Pano, I’ll go check my bandmates. Baka nagpapakalasing na ang mga iyon.” Hinagkan ni Sevastian ang pisngi niya bago ito umalis. “Torch,” ani ni Daisy. “Bagay nga pala sa kanya ang stage name niya. Apparently, his 'torch' of love for our friend Ynella is still burning within him,” komento ni Daisy habang hinahabol nila ng tingin ang papalayong binata. “Pareho tayo ng iniiisip,” pagsang-ayon niya. “Daisy, kailangan ko na rin talagang umalis,” muling pamamaalam niya. “Hmm. Mukhang hindi ka na talaga matitigilan. O, siya, sige—teka, at magpapabalot ako ng pagkain para sa nanay mo.”             “Hindi na. Siguradong tulog na si Inay. Isa pa ay may handaan din sa mga pinsan ko dahil sa birthday ng isa kong pamangkin. Thank you, ha. And congratulations uli.” “Thank you. Ay, muntikan ko nang malimutan…” Naging mapanukso ang ngiti ni Daisy. “Si James de Andrada—kaibigan siya ng asawa ko. Mukhang interesado siya sa ‘yo. Marami siyang tinanong tungkol sa ‘yo. Nagkakilala na ba kayo?” Oh, no! Oh, n—o! “Ah… O-oo. Yeah, n-nagkakilala na kami. O, paano, I’ve got to go.” Hindi na nakapagprotesta pa ang bride dahil may sumundo na rito. Nagbeso-beso silang dalawa. Nang makaalis ang bride ay tumawag naman siya ng isang staff ng resort. “I’m wondering kung kasama sa package ang vehicle service para sa mga guest na hindi mag-o-overnight? No. Kahit ako na ang bahala sa bayad. Magpapahatid sana ako sa terminal.”             “Ipagbibigay alam ko po sa management, Ma’am, so we can make proper arrangement,” tugon nito.             “Thank—” Hindi na naituloy ni Mikaella ang sinasabi, paano ay napansin niya si James, nakatayo at nakasandal sa isang poste na malapit sa kanila. Nakatingin sa kanya ang hudyo. Ano ba ito, stalker? s**t! Hindi ba talaga ako titigilan ng lalaking ito? Akala ko pa naman pagkatapos kong magdrama sa harap niya ay titigilan na niya ako.              “Ako na ang bahala kay Miss Crisologo. Sa akin na siya sasabay,” sabi ni James na sa kanya nakatingin.             Naiinis na umiling si Mikaella. “Hindi,” mariin niyang tanggi bago binalingan ang staff. “Sige na. Pakiayos ng—”             “Sa akin na siya sasabay,” sabi uli ni James sa staff habang lumalapit. May hindi maipagkakailang awtoridad sa boses. “Rest assured na ligtas sa akin si Miss Crisologo. Kung may mangyaring masama sa kanya ngayong gabi, ako ang ituro mo sa mga pulis. Ang pangalan ko ay James de Andrada, kaibigan ako ng groom. Puwede mong kumpirmahin sa guest list.”             “Okay, boss. Sige po, Ma’am.”             “Ha? Teka…” Pero hindi na lumingon ang staff. Binalingan ni Mikaella si James, pinanlakihan ng mga mata. “Ano sa palagay mo ang ginagawa mo?”             “I’m offering you a ride,” kaswal na tugon nito.             Umiling siya. “Hindi ka nag-aalok, nangha-harass ka!” nanggigigil na pambabara niya sa lalaki. “Hindi na. Salamat na lang. I can manage.” Tinalikuran niya ito at naglakad palayo. “Oh, come on,” palatak ni James habang umaagapay sa lakad niya. Nang hawakan nito ang braso niya ay malakas na ipiniksi niya iyon. Paano ay kahit naiinis siya rito ay hindi naman niya maitatatwa na may kakaibang init na nanunulay sa balat niya mula rito sa tuwing nagdidikit ang mga balat nila. What the hell was that? “Hindi ka makakasakay sa alin mang sasakyan palabas sa resort na ito, maliban sa sasakyan ko. Iyon ang sisiguruhin ko.” “What?” napapantastikuhang bulalas niya. Pinamaywangan niya ito. “Sino ka ba sa palagay mo?” mataray niyang tanong. “Bakit ba hindi mo na lang ako hayaan?” A wicked smile appeared on his lips. God! Bakit parang lumalakas ang appeal ng lalaking ito sa ganoong klase ng ngiti? “I will not leave you alone.” Kinilabutan siya sa determinasyong kaakibat niyon. Ang akala pa naman niya ay titigilan na siya ng lalaki pagkatapos niyang palabasin na biktima siya. “So, tayo na?” Pinatigas ni Mikaella ang kanyang mukha. Ang lalaking ito ay halimbawa ng chauvinist. Isa ito sa mga nag-iisip na mas superior ang mga lalaki sa mga babae. Na dapat ay ang lalaki ang nagdidikta ng batas at walang ibang gagawin ang babae kundi sumunod. Puwes, mabibigo ito sa kanya. “Sa palagay mo ba ay makakaya mo akong pasunurin?” Umingos siya. “Mas pipiliin ko pa na maglakad na lang pauwi. No. Tatawag na lang ako sa isang kaibigan para magpasundo.” Pero sino nga ba ang puwede niyang istorbohin sa oras na iyon para magpasundo? Sa layo ng lugar na iyon sa mga kakilala niya, mukhang malabo na makapagpasundo siya. Ang mga kaklase naman niya ay tila balak mag-overnight. Delikado naman yata kung makikisabay siya sa hindi niya kilala. Ang hudyo at ngumisi lang sa panggagalaiti niya. Parang hindi ito apektado sa katigasan niya. “Sinabi ko na, hindi ba? I will not leave you alone. Gusto mo bang magpakilala ako sa nanay mo? Sa palagay ko ay nakakatuwang gawin iyon…” Tila nanlaki ang ulo ni Mikaella sa narinig. “Kaya kong lumitaw sa inyo at ipakilala ang sarili ko.” “At sa paanong paraan mo ipakikilala ang sarili mo? Ang lalaking nakapiling ko sa isang gabi?!” naha-high blood na tugon niya. “Malalaman mo na lang kapag naroon na ako. Baka masorpresa ka…Hmm.” Inilagay pa ng lalaki ang isang daliri sa labi nito, animo nag-iisip. “Ano kaya ang magiging reaksiyon sa inyo kapag lumitaw ako roon?” “Hindi mo iyan gagawin!” Oh, pero alam niyang gagawin iyon ni James. Gagawin iyon ng lalako dahil kaya nito. Ngiti ng tagumpay ang gumuhit sa labi ng binata. Tila ba nadagdagan ang mga armas na magagamit nito laban sa kanya. “So shall we? Sasabay ka na sa akin?” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD