Chapter 4

2094 Words
“HELLO there,” sabi ng baritonong tinig na gumulat kay Mikaella. Kalalabas lang niya ng comfort room kung saan nagpalipas siya ng ilang minuto para payapain ang sarili. Ang tinig ay mula sa may pader kaya hindi niya napansin paglabas kung may tao ba roon o wala. Dahil sa gulat ay nabitawan niya ang hawak na purse. “Oops. Sorry,” anito bago yumuko para pulutin ang kanyang purse.             “Bibigyan mo ako ng heart attack!” singhal niya habang sapo ang dibdib. “Sino ka b—” Hindi na niya naituloy ang tanong dahil mula sa pagpulot ng purse ay tumuwid na ng tayo ang lalaki.             “Sino ako?” nakangising sagot nito. “Ah, yeah. Hindi nga pala natin naibigay ang mga pangalan natin sa isa’t isa. O mas tamang sabihin na hindi ibinigay sa isa’t isa.”             “Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo,” angil niya bago inagaw sa palad nito ang purse. Akmang tatalikod na siya at iiwan na ang lalaki pero hinawakan nito ang braso niya. At sa isang kisap-mata ay naisandal siya sa pader. Hindi lang iyon, itinuon nito ang mahahaba at malalakas na bisig sa ibabaw ng magkabilang balikat niya, imprisoning her. “Siyempre, alam mo kung ano ang sinasabi ko. Hindi nagsisinungaling ang mga mata mo, sweetheart. Hindi ka magaling magtago ng reaksiyon. Nakikilala mo ako. Malinaw mong naaalala kung ano ang nangyari sa atin.”             Parang naliliyo si Mikaella, nalulunod sa presensiya ng lalaki. Pumupuno sa ilong niya ang lalaking-lalaking amoy nito, banayad iyon pero mapang-akit. At walang dudang nakakagayuma na para bang hindi ka magsasawang langhapin ang amoy na iyon. “Ano bang—pakawalan mo ako. Why are you harassing me? Hindi ko sabi alam kung ano ang pinagsasabi mo,” kumakabog ang dibdib na wika niya. Itinikom niya ang mga palad at itinuon iyon sa dibdib ng lalaki para mapigilan ang unti-unti at sinasadyang paglapit ng katawan nito sa katawan niya. Oh, God, hiyaw niya sa isipan nang maramdaman sa palad ang t***k ng puso nito, tila nagva-vibrate iyon. Lalo siyang kinabahan, natuliro. This man’s virility was making her knees wobbles. “Pakawalan mo ako! Sino ka man, idedemanda kita.” Bakit ba walang tao na nalalagi sa lugar na iyon para mahingan niya ng tulong?             Umiling ito, nakangiti. Sensuwal na klase ng ngiti na nakaguhit sa sensuwal ding hugis ng labi. “Ano’ng pangalan mo?”             “Bakit ko ibibigay ang—” Muli ay hindi niya naituloy ang protesta dahil inilalapit ng lalaki ang mukha nito sa mukha niya. Pakiramdam niya ay tatalon na mula sa kinalalagyan ang kanyang puso. “S-sisigaw talaga ako!”             “Your name. Tell me your name,” utos nito, ni walang bakas ng takot sa banta niya.             At bumuka ang labi ni Mikaella para tumili. Subalit ang tili ay hindi nagkaroon ng boses, hindi nakawala. May humarang sa bibig niya, at sa panggigilalas niya ay ang labi ng lalaki. Mainit. Malambot. Matamis. Iyon ang labing nanakop sa labi niya. Banayad iyong gumalaw, hinihimok siya na tumugon at tanggapin ang halik nito. Eksperto ang mga labing iyon pero hindi niya ipagkakaila na… na masarap ang halik. Iyon ang kaparehong labi na nagpala at sumamba sa bawat parte ng katawan niya noong gabing iyon. Noong gabing iyon sa isang bar nang magpasya siya na ito ang maging sperm donor ng anak na gusto niya. Lahat ng sulok, lahat ng parte ng kanyang katawan ay pinagpala ng labing ito.             Muntikan nang magtagumpay ang lalaki, muntikan na niyang tanggapin ang halik nito at sagutin iyon kung hindi lang siya natauhan. Kung hindi lang siya nakabalik sa reyalidad. Kinagat niya ang labi nito.             “Aw!” hiyaw ng lalaki bago sinapo ang nasaktang labi.             Sa wakas ay nakawala si Mikaella. Umigkas ang palad niya at pinadapo sa pisngi ng lalaki. “You deserve that, pervert! Humanda ka dahil hindi ko palalampasin ang sandaling ito,” banta niya bago tumalikod.             “Akala mo ba matatakasan mo ako? Hindi,” sabi ng lalaki na nagpatigil sa paghakbang niya. “Kaibigan ka ng bride? Kaibigan naman ako ng groom, ni David. Madali na kitang matutunton kahit saang sulok ka pa magtago. Huwag ka nang mag-aksaya ng pagod na umiwas sa akin dahil hindi kita lulubayan. You hear me? Hindi kita lulubayan.”             Nagsitayuan ang mga balahibo ni Mikaella sa braso. Malinaw ang mensahe. Hindi siya patatahimikin ng lalaki. Napapikit siya nang maramdaman ang presensiya nito sa kanyang likuran. Mahirap na hindi maramdaman iyon. It was vibrating all around him. Eh, ang kabog kaya ng dibdib niya, nararamdaman nito? Sana naman ay hindi. Umaasa siya na magiging matatag siya sa kanyang paninindigan. “Hmm. May naisip akong ideya. Bahagi ng seremonya ang pagbato ng bouquet, right? Gusto kong saluhin mo iyon, ang bulaklak.” Marahas na bumaling siya sa lalaki. “Ano?” “Saluhin mo ang bulaklak, ang bouquet,” pag-ulit nito, hindi inaalis ang aroganteng ngiti na nakaguhit sa mga labi. Ang labi nito na namumula na dahil sa kagat niya. “Saluhin mo ang bulakalak. Then bring me the flowers and then we’ll talk. Iyon ay kung gusto mo lang na manatiling sekreto ang nangyari sa pagitan natin.”             Gustong humiyaw ni Mikaella sa pagkadisgusto. “Pinagbabantaan mo ba ako?”              Tumawa ang lalaki. Tawang nakakainis dahil…dahil maganda ang dating niyon sa tainga niya. “Pinagbabantaan kita? Hmm, yes. Puwede mong sabihin na ganoon na nga. Harrassment, blackmail, bahala ka na kung ano pa ang gusto mong itawag. Pero hindi lang ako basta nagbibitiw ng banta, sweetheart. I walk the talk. I. Always. Walk. The. Talk,” pagbibigay diin nito sa mga binitiwang salita. Pagkatapos ay nawala ang pilyong kislap ng mga mata ng lalaki, biglang naging seryoso. Napakaseryoso na halos magsitayuan uli ang mga balahibo ni Mikaella sa braso. Hindi pa siya nakakaengkuwentro ng ganitong klase ng lalaki. “Pero kung ipaggigiitan mo na wala ka talagang alam sa sinasabi ko, eh, di huwag mo na lang pansinin. Pero alam ko naman na pareho nating alam kung ano ang tinutukoy ko.” Napaigtad siya nang pumatong sa mga balikat niya ang mga palad nito. “Good luck sa pagkuha ng bouquet… Mikaella.”             Nanlaki ang mga mata ni Mikaella sa pagkakabanggit ng pangalan niya. Ang sunod na namalayan niya ay naglalakad na palayo ang lalaki, leaving her the view of her broad back. Gorgeous aura, and powerful stance. Binanggit ng lalaki ang pangalan niya, kung ganoon ay nagsimula na itong alamin ang tungkol sa kanya. I’m in trouble. Big time…   NANGANGATOG ang mga tuhod na bumalik sa banyo si Mikaella. Sumandal siya sa lababo at mariing pumikit. Sumasakit ang ulo niya sa problemang kinakaharap. "Whoa!" gulat na bulalas niya nang maramdaman agad ang epekto ng gamot sa katawan. Batid niya na lasing na siya pero kakaiba ang init na nararamdaman niya ngayon, para siyang sinisilaban ng matinding pagnanasa na hindi maintindihan. Sinulyapan niya ang lalaki. Naroon pa rin ito… At nakatingin din ba ito sa kanya? Pilyang napangiti si Mikaella, nakakaramdam ng sobrang tiwala at tapang. Epekto rin marahil ng gamot at alak. Tumayo siya pagkatapos ay umiimbay ang balakang na tinungo ang bar counter. Habang patungo roon ay sa lalaki siya nakatingin. Nakasuot siya ng miniskirt at tank top. Ang nakataas na buhok niya ay naglalantad kung gaano kakinis at kaganda ang mga balikat niya at leeg. Walang hindi nakakapansin sa nag-uumapaw niyang kaseksihan. Pumuwesto siya sa tabi ng lalaki. Batid niya na nasa kanya ang atensiyon nito. Umorder siya ng hard drinks, tequila. At tinungga iyon deretso sa kanyang lalamunan. Agad gumapang ang init niyon sa kanyang lalamunan, patungo sa kanyang tiyan. Hindi niya naiwasang ngumiwi pero agad ding nakabaawi. Muli siyang um-order at nang maidulot ay agad din iyong dinala sa bibig.             “Hey, easy. Hindi ka mag-e-enjoy sa ginagawa mong 'yan. Para kang mauubusan ng alak, ah.”             Oh! Filipino pala siya… reaksiyon niya sa lengguwaheng ginamit ng lalaki. Akala pa naman niya ay Brazilian. Hinarap niya ang lalaki. “Gusto mo ba ako?” deretso niyang tanong, sadyang pinapungay ang mga mata at malanding ngumiti. s**t! Guwapo talaga siya!             “Whoa! That’s very straight of you,” tumawa ito, sa kung anong dahilan ay mas naging kaakit-akit ang dating. Tinitigan siya. “At para sagutin ang tanong mo… Yes, gusto kita.” Ngumiti siya. “May kasama ka?”             “Wala.”              “Good, keep me company. Iniwan na ako ng kasama ko, eh.”             Mula itong tumawa, baritono at kaakit-akit. “Anong klaseng ‘company’ ang gusto mo sa akin?”              “Bakit? Anong klaseng ‘company’ ba ang kaya mong ibigay?” balik-tanong niya, sinisigurong naroon ang bukas na imbitasyon.             Saglit na kumunot ang noo ng lalaki. Para bang nadismaya ito, may hindi nagustuhan. At naalarma si Mikaella. Paano kung hindi nito gustong ‘maglaro’ sa gabing iyon? No. Hindi niya hahayaan. Ito ang gusto niyang maging sperm donor niya. Gusto niyang taglayin ng kanyang anak ang genes ng lalaking ito. “So? Can you keep me company, o magsisimula na akong maghanap ng iba?" kunwari ay naiinip niyang tugon. Sinamahan pa niya ng pagkibit ng mga balikat. Na para bang gusto niyang iparating na hindi ito kawalan sa kanya. Na puwedeng-puwede siyang maghanap ng ibang makakasama. Pero hindi niya ito gustong pakawalan. Sa totoo lang ay nagpipigil lang siya ng sarili, paano ay hindi na siya mapakali. Gustong-gusto niyang hagkan ang lalaki. Mainit na mainit ang daloy ng kanyang isip dahil gusto niya itong halikan, hawakan, pisilin. Mainit siya at may kung anong pakiramdam sa kalooban niya na para bang ang halik at haplos lang ng lalaking ito ang makakatugon.   “How far can you go?” matiim ang mga mata na tanong ng lalaki. Iniabot nito ang palad sa aktong nakikipagkamay. “Ako si—”             Umiling siya Mikaella, pagkatapos ay mabilis na idinikit ang isang daliri sa labi nito. She smiled wickedly. “No names. I just wanted some fun while I am here...” Ang nakaharang na daliri niya sa labi nito ay nagsimulang humaplos sa mga labing iyon. “…especially tonight,” sabi pa niya sa mas pinasensuwal na tinig. Tiningnan niya ito sa mata bago dahan-dahang inilapit ang mukha rito. So close they were already exchanging breaths. Mas lalong nagkagulo ang kalooban niya, lalong nagliyab ang apoy na naroon. “How far can I go? As far as you can.” Isinampay na niya ang mga braso sa mga balikat ng lalaki at mas lalong pinaglapit ang kanilang mga katawan. Mikaella couldn’t help but close her eyes. Nagustuhan niya ang pakiramdam ng pagkakalapit na iyon ng mga katawan nila. At gusto niya ng higit pa roon. In fact, hindi mapalagay ang mga kamay niya. Gusto niyong humaplos at dumama sa katawan ng lalaki. Gusto niyang ikiskis ang sarili rito. She wanted him crashing her softness. She wanted him to touched her, to worshiped her.             “May kakambal ka ba?” tanong nito sa magaspang na tinig. Muntikan pang mapasinghap si Mikaella nang pumulupot sa baywang niya ang malalakas na braso nito at mas hapitin pa siya. She saw desire in his eyes; she saw carnal need. Kung ganoon ay hindi siya mabibigo. Nasa tamang direksiyon siya. Dahil hindi matatapos ang gabing ito na walang nangyayari sa kanila. Iyon ang sisiguruhin niya. “Ano?” mayamaya ay naguguluhan niyang tanong ang maalala ang huling sinabi ng lalaki.             “I’m asking you kung may kakambal ka.”             “Nah." Umiling siya. “Bakit mo naitanong?” “Because you’re different from—” Hindi na pinatapos ni Mikaella sa pagsasalita ang lalaki, tumingkayad siya at hinagkan ito. The moment their lips met, the fire within her became much uncontrollable.       ..                      Bumuntong-hininga si Mikaella sa alaalang iyon. Hindi na niya alam kung papaano pang nakarating sila sa isang hotel suite. Ang alam lang niya ay masyado siyang mainit at nagnanasa na para bang wala nang bukas pa. She was so wild. Hindi siya makapaghintay na mag-isa ang kanilang mga katawan. Hindi nga siya makapaniwala sa kapusukang ipinamalas niya. Ah, kung alam lang niya ang magiging consequence ng ginawa niya nang gabing iyon sana ay hindi na lang niya iyon pinasok. But then, kailan ba napunta sa unahan ang pagsisisi? Hindi ba at lagi namang nasa huli iyon? “Ano na ngayon ang gagawin mo, Mikaella?” tanong niya sa sarili na hindi rin naman mabigyan ng kasagutan.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD