Chapter 3

3825 Words
Padre Burgos, Quezon “THANK you,” sabi ni Mikaella sa isang resort staff na naghatid sa kanya sa pinagdarausan ng reception ng kasal. Bitbit sa kanang palad ang katamtamang laki ng paper bag na pinaglalagyan ng regalo, sa kaliwang palad ay naroon naman ang kanyang purse. Sinadya niyang magpahuli para hindi saksihan ang seremonya ng pagpapalitan ng sumpaan dahil well… kailangan pa ba niyang sabihin ang dahilan? Magiging isang negatibong enerhiya lang siya kung sakali na panay ang lihim na pagkokomento. Magkakasala lang siya. Napilitan lang talaga siyang dumalo dahil bukod sa nakaoo na ay mapilit din ang kanyang ina. Hindi ito papayag na hindi siya dumalo. Isa pa, noong isang araw ay tinawagan pa siya ni Daisy para kumpirmahin ang pagdalo niya.             Beach wedding ang kasal ni Daisy. Lumaki si Mikaella sa Quezon kaya alam niya na mamahalin ang resort na ito. Nakikisama ang panahon; makulimlim at hindi maalinsangan. At ang set up sa dalampasigan ay napakagara. Ang man-made altar ay nasa dalampasigan, nasa unahan ng wooden gazebo na napapalibutan ng manipis na lace curtains at iba’t ibang klase ng bulaklak na puti at lilac ang kulay. Sa daanan ay nakasabog ang mga bulaklak na may gaoon ding kulay. White and Lilac, iyon ang motif ng kasal. Sa magkabilang gilid ay nagulo na ang mga hanay ng mga upuan, palatandaan na tapos nang gamitin. Hindi lang ang kulay na isinasabog ng papalubog na araw at ang kalmang dagat ang kaakit-akit sa background, pati na rin ang mga isla sa kabilang dako pa roon. Hindi kalayuan ay ang reception area sa isang open pavilion. Lumapit si Mikaella. Ang pathway ay nasasabugan ng mga petals ng bulaklak. White roses, lilacs, at orchids din ang mga iyon na mukhang imported pa sa ganda ng klase. Nang nasa entrada na ng pavilion, agad natawag ang atensiyon niya ng mga lumalaylay na iba’t ibang klase ng ferns at orchids sa kisame kasama ang ilang chandellier at ilaw. Ang mga silya at mesa ay nababalutan ng kulay puti at purple na tela. Hindi siya sigurado kung fairytale themed ba ang kasal pero may kakaibang magic ang lugar. O siguro iyon ang magic na ibinibigay ng tinatawag nilang pag-ibig. Mukhang mayaman talaga ang napangasawa ni Daisy. Balita niya ay si Ynella, kaibigan nila, ang siyang wedding coordinator sa kasal. Hindi na siya nagulat. Why, Ynella was a hopeless romantic. Noon pa man ay mahilig na ito sa mga kuwentong pag-ibig at sa mga happy endings. Sa mabilis na paggala ng kanyang paningin ay nakita niyang abala sa pakikipagkuwentuhan ang isa’t isa. Agad din niyang namataan ang bagong kasal, na abala sa pakikipag-usap sa mga bisita. Daisy looked so lovely. “Mikaella!” masayang bati sa kanya ng bride nang tumingin sa deriksiyon niya. Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Mikaella. Lumapit sa kanya ang bride, hila-hila ang asawa nito. “Akala ko hindi ka na sisipot.” “Sorry, ha. May prior commitment din kasi ako na hindi puwedeng hindi ko siputin,” pagdadahilan niya. Nakipagbeso-beso siya. “My God! You’re a goddess!” “Thanks. Oh, Mikaella, meet my prince charming, David Wilson…” nagniningning ang mga mata na pagpapakilala nito sa asawa. “Sweetheart, this beauty here is named Mikaella. She’s one of my high school friends, close friends.” Nagpalitan sila ng pagbati ni David. In fairness, kung ano ang nakikita niyang ningning sa mga mata ni Daisy ay ganoon din ang nakikita niyang ningning sa mga mata ni David. Pagkatapos ng ilang minuto ay may tumawag ng atensiyon ng lalaki. Maayos itong nagpaalam sa kanila ni Daisy. “Congratulations!” muling pagbati niya sa kaibigan. Bagaman ang gusto talaga niyang sabihin ay "Good luck. Good luck sa pagpapa-‘sakal’, sa pagkuha ng pasakit." “Here. ” Inabot niya rito ang bitbit niyang regalo. “Thank you.” Tinanggap iyon ng bride at ipinasa sa babaeng nasa likuran nito, pagkatapos ay hinawakan nito ang braso niya. “Come in, come in. Narito na rin sina Ariana, at Ynella. Sayang at nasa ibang bansa si Danica, hindi makakauwi. Conflict daw sa schedule. Naalala mo pa sila, ‘di ba?” “Siyempre naman naaalala ko pa sila.” Base sa naaalala niya, si Ariana na siyang pinakayamanan at galante, at si Ynella na isang fashionista, trendsetter, at medyo flirt. Si Danica naman ay okay rin, maganda at matalino, mas malapit ito kay Ynella. Daisy was the ugly-duckling. At siya ang aloof at laging gusto na mapag-isa. Muli niya itong sinulyapan. “You really looks radiant,” papuri niya. Sa pagkakataong iyon ay galing iyon sa puso niya. May kung anong kinang sa mga mata ni Daisy na nagre-reflect sa buong aura nito. Para bang ang saya-saya ng babae. Isang klase ng saya na hindi siya sigurado kung nadama na ba niya. Parang hindi pa. Wala siyang natatandaan na pagkakataon na naging napakasaya niya. “Mabihag ko ba naman ang pinakaguwapong lalaki sa balat ng lupa, sino ang hindi liligaya?” natatawang tugon nito habang naglalakad sila. “How about you? Wala pa ba?” Oh-oh… hanggang dito ba naman? “Walang magkagusto sa akin, eh.” Tiningnan siya ni Daisy na para bang galing siya sa ibang planeta. “Nagbibiro ka. Kahit noong high school pa tayo pansinin ka na rin ng mga boys. Kahit na nga ba may pagka-aloof ka. Pero huwag kang mag-alala…” Hininaan nito ang boses. “Sa ‘yo ko patatamain ang bouquet. So you’ll get married next. 'Di ba sabi nila, kung sino ang makakasalo ng wedding bouquet ay siya ang sunod na ikakasal?” Naumid yata ang dila niya dahil hindi niya makuhang sumagot. Narating nila ang mesa. “Guys…” pagtawag-pansin ni Daisy sa mga nasa mesa. “Look who’s here…” “Mikaella!” tila iisang tinig na wika ng mga kaklase niya na sina Ariana at Ynella. “Hi,” aniya bago nakipagbeso-beso sa dalawa. Nagtuloy-tuloy na ang kumustahan hanggang sa iwan na sila ni Daisy para asikasuhin naman ang ibang bisita.  “HEY!” TAWAG-PANSIN kay James ng kaibigang si Clyde. “Hindi ka nakikinig.”             “True. Masyado kang tutok na tutok diyan sa cell phone mo. Ano bang meron diyan?” susog naman ng isa pa niyang kaibigan na si Kino. “Is that a picture?” anito na tila nahagip ng mga mata ang nasa screen ng cell phone niya bago niya iyon naisara.             “Nah." Umiling si James bago mabilis na ibinulsa ang cell phone. “Sorry. Are you saying…?”             “Na sino kaya sa ating tatlo ang mag-aasawa?” ani ni Clyde.             Nagkibit-balikat siya. “Wala akong girlfriend. Ganoon din si Kino. Ibig sabihin ikaw na ang susunod,” aniya, sinusubukang aliwin ang sarili dahil sa totoo lang ay bagot na bagot na siya. Kung hindi nga lang kaibigan niya ang groom ay baka kanina pa siya nakauwi. Si David Wilson, ang groom ay nakilala nila at naging kaibigan noong mag-aral sila ng masteral sa Harvard. Sila ang rason kung bakit naengganyo si David na pumunta ng Pilipinas. O, iyon ang akala nila. Ang totoo pala ay may nakilala itong Filipina sa pamamagitan ng online dating. At ang Pilipinang iyon ay pinakasalan nito ngayon. Pero heto siya, naiinip. Mas gugustuhin pa niyang magbabad sa pool o kaya ay asikasuhin ang mas importanteng bagay. Kaya heto inaabala na lang niya ang sarili sa pagtingin sa mga litratong iniingatan niya sa cell phone.             “Iyon din ang sinabi ko,” ani ni Kino. “Unless, hindi siya seryoso kay Lyka.”             “Oh, come on, guys. Seryoso naman ako kay Lyka pero wala pa sa plano ko ang magpatali. Hey. Hindi pa ako tapos sa buhay-binata ko.”             “Sasabihin ko iyan kay Lyka,” nakangising wika ni James bago inabot ang kopita at sumimsim ng champagne.             Nanlaki ang mga mata ni Clyde. “Oh, hind mo iyon gagawin.”             “Try me,” hamon naman niya. Siya si James de Andrada. Tatlumpu at dalawang taong gulang. Ang pamilya niya ay nagmamay-ari ng isa sa pinakakilalang brand ng computers sa Pilipinas. At siya ang nag-iisang tagapagmana sa napakalaking korporasyon na iyon. Hindi lang sa Pilipinas sila nagdi-distribute ng mga computers, maging ang mga karatig-bansa ay kliyente na rin nila. Kailan lang, pati pagbuo ng mga computer programs at software ay pinasok na rin nila.  Kilala siya ng mga kakilala at mga empleyado sa pagiging arogante at bossy. What can he do when it comes naturally? Maliit pa lang siya ay nakukuha na niya ang lahat ng magustuhan. Hindi rin siya pasensyosong tao dahil kapag may gusto siyang makamit, kinukuha niya iyon, sa kahit na anong paraan. Pero hindi naman siya ganoon kasama. Alam lang niya kung ano ang mga gusto niya. And now, he was kind of frustrated because he wants something, or rather someone, and he doesn’t know where to find her.             “Patay ka, Clyde,” susog ni Kino.             Malakas na humalakhak si James. “May dapat nga pala akong tawagan. Excuse me,” aniya pagkaraan ng ilang sandali. Tumayo siya mula sa mesa nilang tatlong magkakaibigan. Habang papalabas ng bulwagan ay hindi sinasadyang napako ang kanyang mga mata sa isang deriksiyon sa unahan ng daang tinutumbok niya. Bumagal ang paghakbang ni James. Parang bula na biglang naglaho sa kawalan ang pagkainip niya. Nabuhay bigla ang lahat ng dugo niya. Ang kanyang mga mata ay bahagyang naningkit sa pagkilala. Nakikita niya ang isang babae na may maitim na mahabang buhok. She had little but pointed nose. Mapula at kaakit-akit ang labi, full lips. Taglay nito ang mga matang nahahawig sa mga Indians, malalaki at mabibilog, ginawang perpekto iyon ng mahahaba at maiitim na pilik. Maganda rin ang kurba ng maiitim nitong kilay. Bagaman nakangiti ang babae, hindi naman iyon umaabot sa mga mata. Na para bang tulad niya ay naiinip na rin ito. Parang mabibingi si James sa lakas ng kung anong dumadagundong sa likod ng tainga niya. Hindi siya natigilan at hindi natawag ang kanyang atensiyon dahil lang sa maganda ang babae. O, dahil may malakas itong presensiya. Napukaw ang kanyang atensiyon dahil sa sulyap pa lang niya rito ay malinaw na bumalik sa kanyang isipan ang isang partikular na pangyayari kulang dalawang buwan na ang nakakaraan. Sigurado ako, siya ang babaeng iyon. Ang babaeng nakapiling ko sa loob ng isang gabi, sa isang mainit at mapusok na magdamag.             The intimate scene came crashing to his mind. At hindi niya napigilan ang reaksiyon ng sariling katawan. He suddenly felt hot and hard. Lumabas ang munting ungol sa kanyang lalamunan.             Hmm. Hindi coincidence ang pangyayaring ito. Nakatadhana ito…   PANAY ang palihim na sulyap ni Mikaella sa kanyang relo. Gusto na niyang umuwi. Kung hindi nga lang ba kararating lang niya ay baka kanina pa siya nakapuslit. Naiinip na siya at hindi rin maka-relate sa pinag-uusapan ng mga kaibigan. Wala siya sa focus. Ngumingiti lang siya at tahimik—ugaling nakasanayan na ng mga ito noong high school pa sila. Sigurado siya na may mga side comments din ang mga ito sa ugali niyang iyon.             Hanggang sa makadama ng kilabot ni Mikaella. Pakiramdam niya ay may nakatitig sa kanya. Iyong titig na tila tumatagos sa kanyang kaluluwa. Bakit nakakaramdam siya ng ganoon? Kung sakaling may nakatitig nga sa kanya, eh, ano naman? Hindi ba at sanay naman siyang binabato ng ikalawang sulyap? Sanay siya sa hindi mabilang na atensiyon na nakukuha dahil sa taglay niyang ganda, gandang patuloy na hinuhubog ng panahon.             Inabot ni Mikaella ang kopita ng tubig na hiningi niya kanina sa waiter. Buffet style ang reception pero may mga waiter na nagdadala ng mga tubig at wines. Uminom siya. Hindi pa rin nawawala ang kilabot na nararamdaman. Nang maibaba muli ang kopita ay ipinasya niyang iginala ang paningin sa kagustuhang malaman kung sino ang nagbibigay sa kanya ng ganoong pakiramdam. Pero hindi na pala niya kailangang igala pa ang paningin. Dahil sa pag-angat pa lang ng kanyang ulo ay agad na iyong umugnay sa paningin ng matangkad na lalaking mabagal na naglalakad sa aisle ng reception area habang nakatitig sa kanya. Nabalot ng lamig si Mikaella. Gusto niyang matunaw noon din mismo. Gusto niyang bumuka ang lupa at lamunin siya niyon. Humiling na may kapangyarihan siya, na kayang maging invisible. Siguradong gagamitin niya iyon ngayon nang walang pag-aalinlangan, kahit na ba mabuking pa ang powers niya. Pero wala siya niyon. At hindi siya natutunaw. Hindi bumubuka ang lupa. Wala siyang magawa para makawala sa mapanuring tingin ng lalaking papalapit.             Don’t react that way, Mikaella! Mag-react ka na para bang hindi mo pa siya nakikita sa buong buhay mo! paalala niya sa sarili. Pero alam niyang huli na. Alam niyang dumaan ang rekognisyon sa kanyang mga mata.q Bukod sa natigilan, ramdam din niya ang panlalamig kaya paniguradong amumutla rin siya.             Para bang taon ang katumbas ng bawat segundo. Milenyo ang magiging katumbas bago makalampas sa kanila ang lalaki. It seemed that this man cast a spell on her, dahil kahit anong gawin niya ay hindi niya mapagtagumpayan na mabawi ang kanyang paningin at putulin ang koneksiyon ng kanilang mga mata. Pagkaraan ng makaputol-hiningang paghihintay ay nakalampas din sa mesa nila ang lalaki. Pero hindi iyon doon nagtapos dahil bago makalampas ay nagbigay ito ng mensahe. We meet again. At sa pagkakataong ito ay hindi ka na makakawala pa. I’ll keep an eye on you from now on, iyon ang nabasa niyang mensahe. Hindi niya alam kung paanong nabasa niya iyon. Pero nagdudulot iyon sa kanya ng nakakabinging kaba. Ng takot.             God! Akala ko hindi na magsasalubong pa ang mga landas namin…   SUMAGAP ng hangin si Mikaella. Noon lang niya na-realize na nakabitin pala ang kanyang hininga. Ang kanyang puwitan ay nasa gilid na ng silya. Wala na ang lalaki pero hindi pa kumakalma ang mga balahibo niya sa batok. O wala na nga ba ito? Hindi kaya nakatingin pa rin ito sa kanya?             “Mikaella, are you okay?” tanong ni Ynella. Maging si Ariana na tulad niyang nanahimik din ay napatingin sa kanya.             “Y-yeah. Huwag n’yo akong alalahanin.” Pagkatapos ay inabot niya ang kopita ng wine at balewalang sinaid ang laman niyon. Sa gilid ng mga mata, nakita niyang nagpalitan ng sulyap ang mga kasama niya sa mesa. Sinikap niyang ibalik ang composure. Pero hindi na mapipigilan ang pagpe-play sa utak niya ng alaala nang gabing iyon… “I have an idea. Crazy idea,” sabi kay Mikaella ng kaibigan at katrabaho niya na si Jena. Nasa Singapore sila dahil sa conference na dinaluhan. Iyon na ang huling gabi nila sa Singapore at napagkasunduan na mag-happy-happy. Pumunta sila sa isang bar. Uminom at sumayaw. Sa totoo lang ay lubhang nagsasaya si Mikaella sa gabing iyon. “Anong ideya naman iyon? Sabihin mo,” aniya bago dinala ang bote ng beer sa bibig. Ang kanyang katawan ay bahagyang yumuyugyog, sumasabay sa magaslaw na tugtugin kahit na nakaupo lang sila sa kanilang mesa. Aware siya na lasing na siya. “Well, gusto mong maging ina, ‘di ba? Paano kung… makipag-one-night stand ka na lang? Pumili ka sa isa sa mga lalaki rito, pagkatapos ay sipingan mo.” Natawa si Mikaella. “Huwag kang tumawa. Actually, magandang ideya nga ito, eh. ‘Yong pera na dapat ay gagamitin mo sa pagbili ng sperms, gamitin mo na lang sa pagpapalaki sa magiging anak mo.” Tinitigan niya ito. “Seryoso ka ba diyan?” aniya pero hindi na nagulat. Jena was a liberated person. Makabago ang mga panannaw nito sa buhay. “Duh!” Inilinga ni Mikaella ang paningin sa kabuuan ng club. In all fairness, puroq guwapo lahat ng lalaking nakikita niya. O baka naman lasing lang siya kaya dinadaya na ng sariling mga mata? Hanggang sa mapako ang paningin niya sa isang partikular na lalaki. Matangakd ito at, oh, boy, napakaguwapo. Nakatitig din sa kanya. “Paano naman ako makakasiguro na malinis sila at malusog?” “Mika, nalimutan mo na ba ‘yong sinabi kanina ng isa nating collegue? She said this club is the playground of the rich and the famous. Tingnan mo nga ang mga guwapong iyan, mukha ba silang may sakit? God! Walang itulak-kabigin sa kaguwapuhan. Gusto ko rin ng ganyang genes para sa magiging anak ko. Wala pa nga lang sa plano ko na magkaanak. Hay...” Humalakhak siya. “You’re a devil. Ibinubuyo mo ako sa kasalanan,” aniya bago muling sinulyapan ang kinaroroonan ng lalaki sa may bar. Hindi na ito nakatingin sa kanya. Hawak na ang cell phone habang sa isang kamay ay naroon ang isang shot glass. Muli niyang dinala sa bibig ang bote ng alak. Nakakaindak ang tugtugin kaya naman panay rin ang paggalaw ng kanyang katawan. “I am a devil,” nakangising sang-ayon naman ni Jena. “Besides, uuwi na tayo ng Plipinas bukas. Hindi na magsasalubong ang landas ninyo ng lalaking sisipingan mo.” “Ewan ko. Parang hindi ko kayang gawin.” Pero natutukso siya. Kaya lang ay pkahit lasing na ay wala siyang sapat na lakas ng loob para mangharot ng lalaki at makipag-s*x. Ano ba ang alam niya sa ganoon, eh, birhen pa siya? “Pero sabihin mo, gusto mong gawin?” Hindi umimik si Mikaella. Pilyang ngiti lang ang ibinigay niya sa kaibigan. “Oh, come on, tell me! Ano, gusto mong gawin?” “Well… Ikinokonsidera ko ang ideya,” pag-amin niya. “Pero kilala mo ako. That’s not my thing.” Muli siyang sumulyap sa lalaki. Nakatalikod na ito sa kanya, marahil ay umo-order uli ng alak sa bar. Sa pagtingin sa malapad na likod nito at sa lalaking-lalaki na tindig, gumana ang imahinasyon ni Mikaella. In-imagine niya na hinahagkan siya nito, hindi lang sa labi kundi sa bawat sulok ng kanyang katawan. Naglaro sa isip niya na sinasamba siya nilg lalaki, inaangkin. She imagined him dominating her. Lumunok si Mikaella. Ang lahat ng mga sexy at bed scenes na napanood niya sa pelikula at nabasa sa mga libro ay nagkakaroon ng buhay sa kanyang imahinasyon. Sa pagkakataong iyon, siya ang babae at ang lalaki ay walang iba kundi ang lalaking gumising sa pilya niyang imahinasyon. Para bang nagwewelga ang mga s****l hormones niya sa sandaling iyon at humihingi ng kalayaan. Sa unang pagkakataon ay nakakadama ng pagnanasa si Mikaella. Matinding pagnanasa. Kinalabit siya ni Jena. “Perfect siyang candidate, sweetie. Guwapo, matikas, exeptional ang genes. I bet he can drive you wild,” anito na marahil ay nakita kung sino ang tinitigan niya. “Gusto mo ng pampalakas ng loob?”               “Pampalakas ng loob?” pag-ulit niya.             Ipinakita sa kanya ni Jens ang isang maliit na tabletas. “Hindi naman ito delikado,” nakangising wika nito. “Napakaliit na dosage lang naman ang iinumin mo. Palalakasin lang nito ang loob mo at itatapon ang lahat ng hiya mo sa katawan. Parang alak lang na may matinding sipa.” Tumawa ito sa huling sinabi. “Ano, gusto mo? Sinasabi ko sa ’ yo, Mika, this thing is my friend. Gusto mo?”             Natagpuan niya ang sarili na tumatango. “Sige. Para sa baby ko.”             “That’s my girl!” tuwang sabi nito. “Paano, kanya-kanya na tayo tonight? Magkita na lang tayo bukas sa hotel? I’m so gonna enjoy this night, too!”              “Now ladies and gentlemen, let’s have Mr. and Mrs. David Wilson on the floor for their very first dance as husband and wife.” Ang tinig na iyon ng emcee at ang masigabong palakpakan ang nagpabalik sa naglalakbay na isipan ni Mikaella. Ang masigabong palakpakan ay agad nasundan ng batingting ng mga kutsara sa mga baso. Hindi siya uma-attend ng mga kasalan pero napanood na niya ang ganong tagpo sa mga pelikula. Ang ganoong gawi ay para humiling sa bagong kasal ng halik. Nagpaunlak naman ang mag-asawa. “To sing the couple’s favorite song, here are our very own Sevastian 'Torch' Montelibano and his band, Infinity. Para po sa mga hindi nakakaalam, Sevastian was a student of Saint Vincent Academy for a year at naging classmate po siya ng ating bride.” Agad rumehistro sa pandinig ni Mikaella ang pangalang binanggit ng emcee. Sevastian Montelibano? Why, it sure does ring a bel. Hanggang sa maalala niya kung bakit pamilyar sa kanya ang pangalang binanggit. Kaswal na binato niya ng sulyap si Ynella. At ayon, huling-huli niya nang mabitin sa ere ang tangan nitong kutsara. Si Ynella at si Sevastian ay may nakaraan nga pala. Bagaman hindi niya alam ang kumpletong detalye kung papaanong nagtapos ang kuwento ng mga ito. Oh, paano pa ba niya pagtutuunan ng pansin ang buhay ng iba kung ang isipan niya ay okupado na ng mga problema niya sa kanilang bahay? Pumailanlang ang awiting Can’t Help Falling In Love. “Oh, God. Kahit iyan na lang ang mabingwit ko,” sabi ni Lucy, isa din sa mga kamag-aral nila noon at pinsan ni Daisy. “Puwedeng-puwede na sa akin si Sev.” “Sevastian,” agad na pagtatama ni Ynella. Naroon ang pag-angkin. Paano ay noon pa man ay ito lang ang tumatawag ng Sev kay Sevastian. Sev-love pa nga yata ang endearment nito sa lalaki. Hindi siya sigurado. Sinulyapan ni Mikaella ang katabing si Ariana. Si Ariana ang mayaman sa kanilang grupo. Dati pa ay napagkakamalan na itong snob dahil sa pagiging mayaman. Pero hindi ganoon si Ariana, bukod sa galante, napakabait nito at maalalahanin. Naaalala ni Mikaella, noon kapag nag-iisa siya ay nilalapitan siya nito. Wala itong sasabihin, tatapikin at pipisilin lang ang balikat niya sa paraang nagsasabi na naroon lang ito kung sakaling kailangan niya ng kausap. Ngayon kahit ukopado rin ang isipan ay napansin niya na bagaman ngumingiti at nakikipag-usap si Ariana ay malungkot ang mga mata nito. Hindi iyon ang mga mata ng Ariana na kilala niya. Para bang, may nagpabago sa mga mata ng babae. Sa ilalim ng mesa ay inabot niya ang palad nito at marahang pinisil, katulad ng ginagawa nito sa kanya noon. Sumulyap si Ariana sa kanya at ngumiti. Tumikhim si Ariana. “Mabuti at naisipan ni Daisy na kuhanin ang banda nila?” pasimpleng tanong nito kay Ynella. Obvious na pati ito ay nakakahalata sa tensiyong nadarama ng kanilang kaibigan. “Or ikaw ang nag-suggest sa mag-asawa?” “No. And trust me, wala din akong idea kung paano niya nakontak ang mga iyan. That’s not part of the program, actually. Last minute ko na lang nalaman ang tungkol sa pagbabago na iyan,” tugon ni Ynella. Kung kailan naho-hook na si Mikaella sa usapan at nawaglit na sa isipan ang tungkol sa lalaki, saka naman para itong nananadya na dumaan sa mesa nila, muling kinukuha ang kanyang atensiyon. Nakangisi pa ang hudyo. Oh, hell!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD