Chapter 03: The Groom's Explosion

1653 Words
Pakiramdam ko napakabigat ng buong katawan ko–parang namamanhid kasabay nun ang pagsakit ng ulo ko. Hindi ko maigalaw ng maayos ang mga kamay at binti ko. Anong nangyari? “Hel-ena!” Dahan dahan kong idinilat ang aking mata. Naliligo siya sa sariling dugo na galing sa kanyang braso na ginawa niyang panangga. “Helena!” Nahihirapan na siyang magsalita. Gusto ko siyang tulungan pero hindi ko magawa. Hindi ko maigalaw ang kamay ko. Nanlalambot ako. “Helena, bakit ka umiiyak?” Tanong niya. Nanatili siyang nakangiti. Nakakaawa ang itsura niya. May mga sugat na dahil sa nabasag na salamin ng sasakyan. “Helena, bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo?” “Hindi ko maigalaw ang kamay at binti ko. Rowan, anong gagawin ko? Baka hindi na ako makalakad.” Mangiyak ngiyak na sabi ko. “Kumalma ka, Helena, makakalakad ka. Tulungan mo akong alisin 'tong bakal.” Pikit mata kong tiningnan ang sinasabi niya ngunit mas nawalan ako ng pag-asa na makakaalis pa kami ng buhay. Ito na ang sinasabi nila. Hindi ko dapat hinayaan si Rowan na makita akong suot ang gown. “Paano kita tutulungan kung hindi ko maigalaw ang mga kamay ko? Nagpapatawa kaba, Rowan? Hindi na tayo makakaalis ng buhay dito.” “Helena, subukan mo, baka ngalay lang iyan o baka namamanhid lang.” “Kasalanan mo 'to, eh, kasalanan mo, Rowan, kung bakit tayo andito.” “Helena, manahimik ka nalang.” “Paano ako mananahimik kung hindi na ako magkakaroon ng normal na buhay?” Imbes na sagutin niya ang tanong ko, mag-isa niyang inalis ang bakal na nakaharang sa paanan namin. Napasigaw ako nang gawin niya iyon. May bahid na pagkagulat sa kanyang mukha. “Hele-na.” “Kasalanan mo ito, Rowan, kasalanan mo!” Wala na akong nagawa kundi ang umiyak. “Saan ka pupunta?” Tanong ko nang mapansin siyang lumabas sa sasakyan. Umikot siya patungo sa akin. Pwersahan niyang binuksan iyon at binuhat ako. “Ro-wan..” “Hihingi ako ng tulong, Helana, hintayin mo ako rito.” “Rowan, huwag mo akong iwan.” Bumalik siya sa sasakyan. May apoy sa likod ng sasakyan na kinagulat ko. “ROWAN!”Pinilit kong tumayo palapit sa kanya ngunit huli na ang lahat. Tuluyan nang sumabog ang gamit namin na sasakyan. Napaluhod ako dahil sa panlulumo. “Rowan!” “Rowan!” “Rowan!” Paulit-ulit kong sinisigaw ang pangalan niya. “Rowan!” Hindi pa ako handa. Hindi pa ako handa na mawala siya. Hindi pa ako handa na maiwan na naman mag-isa. Kailangan ko pa siya. Ano nalang ang sasabihin ko sa mga magulang niya lalo na kay Nelia- tiyak na papatayin niya ako kapag nalaman niyang wala na ang anak niya. “Hindi! Hindi! Hindi maari!” Pinilit kong tumayo at dahan dahan na naglakad palayo. Hihingi ako ng tulong. “Helena, saan ka pupunta?” Napahinto ako dahil sa gulat. Hinarap ko siya. Paikaika na naglalakad habang hawak hawak ang kanyang braso. "I-iwanan mo na ba ako?" Niyakap ko siya. “Sorry! Sorry! Akala ko wala kana.” “Hindi ako mawawala, Helena. Mabilis kong nakuha ang cellphone kaya hindi ako napasama sa sumabog na sasakyan pero mas napuruhan ata ang braso ko.” Tiningnan ko ang braso niya. Tiyak na mahapdi at masakit iyon. Sampung minuto rin kami naghintay bago dumating ang ambulansiya. Sinamahan ni Nelia si Rowan patungong hospital samantalang nagprisinita si tito Luciano na alalayan ako patungo sa malapit na hospital. Sa awa ng diyos medyo nagagalaw ko na ang mga kamay at binti ko. Sabi ng doctor kailangan kong magpahinga upang tuluyan na gumaling ang bali. Binigyan ako ng saklay at nilagyan ng bandage ang braso ko. “Walang hiya ka talaga!” “Ti-ta.” “Huwag mo akong matawag tawag na tita, Helena. Malas ka talaga!” “Nasasaktan na po ako.” “Tama lang na masaktan ka. Kulang pa iyan sa sakit na natamo ng anak ko dahil sa kalandian mo.” Masakit pa ang katawan ko. Hindi ako makalaban sa kanya. Hindi ko magawang ipagtanggol ang sarili ko. “Sinabihan na kita sa oras na may mangyaring masama sa anak ko,” Huminga siya ng malalim, “Ikaw ang mananagot.” Hindi pa rin siya tumitigil sa paghila sa buhok ko. Masakit sa anit. “Nelia!” “Nelia!” “Ano ba, Nelia!?” “Tumigil kana!” Masama ang tingin ni Nelia sa kanyang asawa nang hilahin niya ito palayo sa akin. “Ano bang ginagawa mo? Papatayin mo ba siya? Talagang magagawa mong patayin ang asawa ng anak mo!” “Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Luciano? Muntikan ng mamatay ang anak mo dahil sa babaeng iyan.” “Aksidente ang nangyari, Nelia. Kung titingnan mo ang sitwasyon nilang dalawa mas napuruhan si Helena. Ilang buwan pa siya gagamit ng saklay bago siya makalakad muli.” Napayuko ako sa sinabi ni tito. Tama siya. Lubos na napuruhan ang mga binti ko dahil sa bakal. Ilang linggo ko rin titiisin ang magsuot ng bandage sa kaliwa kong braso. “Tama lang sa kanya iyan. Tama lang. Sana namatay nalang ang babaeng iyan!” Tatalikod na sana si Nelia nang hilahin siya ni tito. Sinampal siya nito. “Aray! Bakit mo ako sinampal, Luciano?” “Kulang pa iyan, Nelia. Kulang na kulang pa iyan sa lahat ng masasakit na pinagsasabi mo kay Helena. Kulang na kulang pa ang isang sampal para matauhan ka sa kahibangan mo.” “Talagang kakampihan mo pa ang babaeng 'yan? Sa ating dalawa ako ang mas nakakilala sa anak natin. Mas alam ko kung ano ang mas makakabuti sa kanya. Alam ko kung sinong babae ang babagay sa kanya.” “Shut up, Nelia. Manahimik kana. Lubayan mo na ang anak mo. Lubayan mo na ang asawa niya.” “Hindi, Luciano. Hindi ako titigil hangga't hindi umaalis sa buhay natin ang babaeng iyan.” Lahad ni Nelia at tinalikuran na ang kanyang kausap. Sumunod naman sa kanya si tito Luciano. Pinagbuksan siya ng pinto. Akala ko ayos na. Akala ko umalis na sila. Pero ilang minuto palang ang lumipas nang bumalik si Nelia. “Gagawin ko ang lahat mawala ka lang sa buhay ng anak ko, Helena. Tandaan mo ang sinabi ko ngayong araw. Hindi ako titigil hangga't hindi ka nawawala sa paningin ko.” Tinalikuran na niya ako. Napangisi ako sa sinabi niya. Anong karapatan niya para sabihin sa akin iyon? “Pinagbabantaan mo ba ako, Nelia? Pwes hindi ako natatakot sa'yo. Hinding hindi ako mawawala sa panangin mo kaya masanay kana ngayon palang.” Matapang kong sabi sa kanya na kinataas ng kilay niya. “Magiging impyerno ang buhay mo. Sa oras na tumuntong ka sa mansyon huwag kang umasa na matatanggap kita. Kahit kailan hindi ko magagawang tanggapin ang anak ng babaeng sumira sa buhay ko. Hindi ngayon. Hindi bukas. Hindi na, Helena.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Sino ang tinutukoy niya? Anong kinalaman ko sa nakaraan niya? “Kung ano man ang nakaraan mo, huwag mo akong idamay. Kung may galit ka sa isang tao huwag mong ibunton sa akin.” “Malas ka, Helena. Malas ka sa buhay ko. Malas kayong dalawa sa buhay ko. Bakit hindi ka nalang nawala? Bakit hindi ka nalang sumama sa kanya? Bakit nandito kapa? Sana namatay ka nalang.” Sunod sunod na turan niya. Hindi ko siya maintindihan. Gusto kong intindihin ang sinasabi niya pero hindi ko magawa. Gusto kong maintindihan kung saan nanggagaling ang galit niya sa akin pero hindi ko mabasa ang nasa isip niya. Sino ba siya sa palagay niya? Sino ba siya para diktahan ako? Sino ba siya para utusan ako na umalis sa buhay ng anak niya? “Makipag hiwalay kana sa anak ko habang maaga pa, Helena. Pagkalabas mo ng hospital magpakalayo layo kana muna. Ako na ang bahala sa lahat ng gagastusin mo. Umalis ka lang sa buhay namin.” “Ha!” Pilit akong tumawa, “Kakaiba ka talaga, Nelia. Kakaiba ka.” Sa sobrang daming pumapasok sa isip ko hindi ko na masabi lahat sa kanya. Naiinis lang ako sa inaasta niya. Ano siya batas? “Oo, kakaiba talaga ako. Ibig sabihin lang no'n magkaiba kayo ng anak ko. Hindi kayo pwede. Hindi kayo bagay ng anak ko. Hindi ka nararapat para sa anak ko. “Talagang pinasok mo pa iyan sa usapan, Nelia, ha? Ang galing mo talaga. Napakagaling mong ina!” Pagdidiin ko. “Magkano ba ang kailangan mo? Name your price, Helena. Umalis ka lang sa buhay namin.” “Aba, talagang gusto mo pa akong bilhin, Nelia.” Pang-aasar ko. Umayos ako sa pagkakaupo. Kinuha ko ang tubig na nasa gilid ng mesa na katabi ko. “Bibilhin kita kung kinakailanga, Helena.” “Hindi mo ako kailangan bilhin, Nelia. Hindi mo ako kayang bilhin. Hindi mo afford ang halaga ko.” Nilapag ko na sa mesa ang baso. Inayos ko ang buhok ko. “Name your price. Kayang kaya kitang bilhin. Baka nakakalimutan mo mayaman ako.” “Baka nakakalimutan mo rin, Nelia. Hindi lahat ng tao mabibili mo. Hindi sa lahat ng sitwasyon pera ang gagawin mong solusyon.” “Sa ganitong sitwasyon alam kong pera lang ang habol mo sa anak ko. Kaya huwag ka ng mahiyang sabihin kung magkano ang gusto mo. Tatlong milyon ba? Limang milyon? Name your price. I can give it to you now.” “You can't afford my worth, Nelia. Tanggapin mo nalang na magiging daughter in law mo na ako. Tanggapin mo nalang na magkakasama na tayo sa isang bubong.” “Well, let's see, Helena. Tingnan natin kung makakayanan mo pang manatili sa tabi ng anak ko. Tingnan natin ang tapang mo.” Matapos niyang sabihin iyon tuluyan na siyang umalis. Isang oras na ang lumipas pero wala ng Nelia ang pumasok sa silid kaya mas nakahinga ako ng maayos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD