Chapter 2: The Bride's Fault

1970 Words
After two weeks "Good morning honey!" Masiglang bati sa akin ni Rowan. "Anong ginagawa mo rito? Diba sinabi ko na sayo na huwag na muna tayo magkita." "Parang hindi naman ata tama na hindi tayo magkita, Helena." "Jusko naman, Rowan, ikakasal naman na tayo bukas pagkatapos no'n parati na tayong magkasama. Pero sa ngayon umuwi ka na muna." Pagtataboy ko sa kanya. "Hindi ako aalis- dito na lang ako, gusto kitang makasama." "Hindi pwede, Rowan. May pamahiin na hindi pwedeng magkita ang groom at bride bago ang kasal. Sige na, umuwi kana baka hindi pa matuloy." "Naniniwala ka pala sa mga pamahiin? Hindi naman iyon totoo. Kung gusto talaga natin matuloy ang kasal gagawa tayo ng paraan. Hindi iyong maniniwala ka sa mga walang kwentang pamahiin." Lumapit siya at niyakap ako. "Rowan, stop it! Baka may makakita sa atin dito at kung ano na naman ang isumbong sa nanay mo." "Wala akong pakialam. Huwag mo silang pansinin. Asawa na kita." "Sira ka talaga. Sige na umuwi kana. Mag usap na lang tayo sa telepono." "Excuse me po ma'am and sir," singit ng isang staff na nagtatrabaho sa wedding shop. Hinigpitan ni Rowan ang pagkakahawak sa baywang ko. "Hindi naman po sa nanghihimasok ako, ha, pero hindi niyo po pwedeng makita ang bride na suot ang kanyang gown. Lalo na't bukas na ang kasal niyo baka hindi po matuloy." "I told you umuwi ka na." Bulong ko sa kanya. "No, hihintayin kita. No buts Helena. Ako ang maghahatid sa'yo sa apartment. Hihintayin kita sa labas at isa pa tigilan mo iyang pamahiin na ganiyan." May punto naman siya. Hindi dapat ako naniniwala sa ganitong nakakapanahon na pamahiin. Kung gusto namin maikasal sa isat-isa gagawa kami ng paraan para matuloy iyon.Mas lalong hindi masisira ng baliw niyang ina ang kasal namin. "Oh, bakit na naman?" tanong ko nang bumalik siya sa shop. "I can't wait to see you in the aisle, honey. If you would ask me which gown is much better to you. I'll honestly answer that you look more gorgeous wearing those gowns when you're smiling. Just smile." Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito. Automatiko akong napangiti sa sinabi niya, "Sige na hintayin mo nalang ako sa labas." Mabuti nalang sumunod siya sa sinabi ko at diretso ng pumasok sa kanyang sasakyan. Nainitan siguro siya dahil alas otso na ng umaga. Maarte pa naman ang lalaking iyon. Ayaw maarawan. "Pustahan tayo hindi matutuloy ang kasal nila bukas!" rinig kong usapan ng ibang customers sa loob. "Oo nga panigurado na may aksidente sa mismong araw na iyon." "Pero ano kaya ang nakita ni pogi sa kanya. Hindi hamak na mas sexy at mas maganda naman ako sa kanya." "Siguro ginayuma niya," sabi ng babae saka sila nagtawanan. "Sana siya na lang ang maaksidente o kaya mamatay na lang siya diba." Komento ng kasama niya. Okay lang sakin kung napapangitan sila sa itsura ko pero sobra na ata na hilingin nila na mamatay nalang ako. "Excuse me!" Sigaw ko, kakatapos ko lang magpalit ng damit. Nagulat ang mga palakang ligaw sa sigaw ko at mukhang nalunok na nila ang kanilang dila. "Una sa lahat wala kayong karapatan na husgahan ang pagkatao ko at panghimasukan ang buhay ko. Pwede ko kayong kasuhan ng paninirang puri, tama ba?" "Pangalawa ang panget niyo!" Nagsitawanan ang ibang customers sa loob ng shop. Ang sarap pag uumpugin ng mga taong ganito. Ang lakas ng loob manlait ng kapwa,eh, sila nga itong kalait-lait. "At ang pangatlo kung mamatay man ako ayos lang at least na ikasal ako sa taong mahal ko." Dahil sa irita ko nagpasiya na akong lumabas sa shop at nagtungo sa labas. Baka kung ano pa ang marinig ko sa mga palakang iyon at masira ang masaya kong araw. Nang mapagtanto kong wala siya at ang kanyang kotse sa labas ng shop agad kong i-dinial ang number niya. Naglakad ako patungo sa parking lot na 'di kalayuan sa shop. "Nasaan kaba?" pambungad kong tanong nang sagutin niya ang tawag. "s**t! Nakalimutan kong sabihin sa'yo.." "Rowan, how's your mom?" rinig kong tanong ni tito Luciano. "Maayos naman na siya, pa. Sabi ni Doc Adam kailangan niya lang mag pahinga." "An-anong nangyari sa kanya, Rowan?" tanong ko. "Speaking of her. Tumawag sakin si Simon kanina dahil naabutan niya si mama na walang malay sa kanyang kwarto. Hindi ko sana pupuntahan kaya lang nagpumilit si Simon na puntahan ko na raw siya sa hospital." Simon is the most trusted and loyal driver to the Hidalgo family. "Okay naiintindihan ko. Tatawagan na lang kita mamaya kapag nakauwi na ako," saad ko. Matapos nang aming pag-uusap nagsimula na akong maglakad pabalik sa shop. Doon na lang ako maghihintay ng taxi. Nahinto ako sa paglalakad nang may marinig akong ungol ng babae. Hinanap ko kung saan nagmula ang tunog na 'yon. At hindi nga ako nagkamali. Nagtago ako sa katabing sasakyan nito. Mabilis akong nag sign of the cross dahil sa nasaksihan ko. Sa tanang buhay ko ngayon palang ako nakasaksi ng ganitong eksena. Hindi pa naman sumagi sa isip ko na gawin ang bagay na ito kasama si Rowan. Wa-wait.. Si Rowan ba iyon? Pero imposible na maging siya 'yon. Kasama niya si tito Luciano sa hospital. Mabilis akong nagtago sa sasakyan nang biglang mag ring cellphone ko. Kung kanina nakatayo ako habang nanonood- ngayon umupo ako para hindi nila ako makita. "f**k!" Malakas na sigaw ng lalaki, rinig ang pagka lagapak ng pinto ng kotse. Nang masiguro kong nasa loob na sila ng sasakyan nagpasya na akong umalis at sinagot ang tawag. Pero bago ko pa ihakbang ang dalawa kong paa-agaw atensyon ang malakas na paggalaw ng kanilang sasakyan. "Hello, Celine, bakit ka napatawag?" tanong ko-kaibigan ko si Celine at parang kapatid na rin ang turing ko sa kanya. "Gusto ko lang naman kamustahin ang best friend ko lalo na't bukas na ang kasal mo. So, kumusta kana? May ginagawa ka ba ngayon?" "Ayos lang naman ako. Wala naman kakatapos ko lang magsukat ng wedding gown." "Akala ko ba nakapili kana. Bakit nagpasukat ka ulit?" "Utos ni tita Nelia." Bumuntong hininga ako nang sabihin ko iyon. "Bakit daw? Maganda naman ang gown mo, ah. Bakit kailangan pa palitan?" Flashback "Ano bang klaseng gown 'yan? Bakit gan'yan? Basura!" ani tita Nelia. "Tita, maayos naman na po ito sa akin." "No. Hindi ako makakapayag na suotin mo ang mumurahin na gown na iyan. Baka nakakalimutan mo kasal 'to ng anak ko Helena at hindi ako makakapayag na madungisan ang pangalan namin ng dahil diyan." Turo niya sa gown na hawak ko. "Okay pa sakin na ikaw ang pinili ng anak ko pero kung magiging kakatawa at pang i-insulto ang makukuha namin sa araw ng kasal niyo." Huminga siya ng malalim, "Helena sinasabi ko sayo ngayon palang hindi ako magdadalawang isip na sirain ang buhay mo." Dagdag niya. End of flashback "Oh my ghad! Talagang sinabi sayo 'yan ng mother in law mo? Grabe siya, ha." "Oo sinabi niya talaga iyon. Kaya wala rin akong magawa kundi ang sundin siya." "Hay nako! Sinabi ko na sayo dati pa huwag si Rowan Hidalgo dahil magkaiba kayo ng level girl. Alam ko naman na maganda ka at matalino pero sis ikaw ang nahihirapan at mahihirapan dahil hindi ka tanggap ng nanay niya." "Sanay na ako maghirap, Celine. Sanay na sanay na ako. Siya na ang buhay ko. Siya lang ang gusto kong makasama. Wala na akong pakialam kung hindi ako gusto ng nanay niya. Hindi na mahalaga sa akin iyon." "Tsk. Ewan ko sa'yo. Basta hindi ako nagkulang na payuhan ka- Bye na muna may lakad pa ako, eh. See yah! Mag beauty rest ka para mas maganda kapa bukas." Ang pangarap ko lang naman bumuo ng masayang alaala kasama siya. Simpleng kasal pero memorable. Gusto ko lahat simple. Kung ako ang masusunod konting bisita lang sana. Kabilang ang mga kaibigan at kamag-anak. Pero hinadlangan lahat iyon ng kanyang ina at panigurado akong kahit mag asawa na kami gagawin niyang miserable ang buhay ko. Kinabukasan, maaga akong nagising para mag-ayos ng sarili. Medyo kinakabahan din ako dahil sa nangyari kahapon sa wedding shop. Kinakabahan ako sa ideyang may mangyaring hindi maganda. "Are you ready, iha? Oh you seem nervous. Bakit kinakabahan kaba na hindi matuloy ang kasal niyo?" pananakot ni tita Nelia. "Siguro normal lang naman po na ganito ang maging reaksyon at maramdaman ko lalo na't ikakasal na po ako sa anak niyo." "Huwag kang umasa na matatanggap kita pagkatapos ng kasal. Hindi pa rin magbabago ang tingin ko sa'yo at hindi kita gusto para sa anak ko." "As if naman na gusto kita maging mother in law ko!" Sagot ko. "Oh-hhh, tita, If you don't mind pwedeng hiramin ko muna si Helena?" Singit ni Celine at umalis naman si tita Nelia na gigil na gigil. Halatang naiinis siya sa akin. "Ang galing mo girl halatang kanina pa nagtitimpi sayo 'yon. Simula nang matapos ka ayusan umiinit na agad ang ulo niya sa'yo. Aba sobrang ganda mo ngayon, oh. Look at your face. Bagay na bagay sa'yo ang gown." Tama nga siya maski ako nagulat sa naging itsura ko. Hindi naman kasi ako sanay na maayusan ng ganito lalo na ang mag lagay ng make up sa mukha. After thirty minutes sinundo na ako ni Simon at kasama ko si Celine sa sasakyan dahil siya lang naman ang kaisa-isang tao na mayron ako. "Kalma lang girl okay? Mauuna na ako sa loob ha?" pagpapaalam niya- nanatili pa rin ako sa loob ng sasakyan. "Finally, magiging Mrs. Hidalgo kana matatapatan mo na si Ma'am Nelia." Malapad na ngumiti si Simon. "Hindi ko naman iniisip na lamangan siya. Ni minsan hindi sumagi sa isipan ko na higitan siya. Ang gusto ko lang naman ay makasama ang taong mahal ko." Makalipas ang ilang minuto may nag assist sakin papuntang church. Nandito kaming tatlo sa labas at pilit ako pinapakalma. Kung kanina kinakabahan ako. Ngayon sobra-sobra na talaga ang nararamdaman ko. Natatakot ako sa posibleng mangyari pagkatapos nitong seremonya. **Insert A thousand Years By Christina Perri** "I, Rowan Anderson Hidalgo take you Helena Beatrice Lorenzo Manlupa be my wife. I promise to be true to you in good times, in sickness and in health. I will love and honor you all the days of my life." "Do you take Rowan Anderson Hidalgo as your lawful husband to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?" tanong sa akin ng pari "I do!" sagot ko. Hindi ko mapigilan na hindi maluha habang dahan-dahan isinusuot ni Rowan ang singsing sa daliri ko. "I take this ring as a sign of my love and faithfulness in the name of the Father, the Son, and the Holy Spirit..." I said. "You may kiss the bride!" bulalas ni father at agad naman akong hinalikan ni Rowan. Isang halik na punong-puno ng pagmamahal at halata ang kislap sa kanyang mga mata ng maglayo ang aming mga labi. "MABUHAY ANG BAGONG KASAL!" Sigaw ng lahat at masayang nag palakpakan. Matapos ang seremonya nagmadali na kaming umalis sa simbahan. Wala akong ideya kung saan kami pupunta ni Rowan-ang lalaking mahal ko na asawa ko na ngayon. "Mahal na Mahal kita Helena Beatrice Manlupa Hidalgo." Hinalikan niya ang kamay ko. "Mahal na Mahal din kita Rowan Anderson Hidalgo," natatawa kong sagot at hinalikan siya sa pisngi. "Bakit sa pisngi lang dapat dito oh!" Turo niya sa kanyang labi. "Nagmamaneho ka baka madisgrasiya pa tayo." "Wala naman mga sasakyan, eh. Sige na isa lang," aniya, saka ko siya hinalikan. Hanggang sa may malakas na bumusina ang pumukaw sa amin. Mabilis na ginilid ni Rowan ang sasakyan sa kaliwang kalsada ngunit huli na ang lahat. May sumulpot na sasakyan sa direksyon namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD