Chapter 24

2092 Words
"OH." ABOT ko ng sulat kay Clarence pagkaupong-upo niya rito sa apartment ko. Nakauniporme pa siya at dumiretso siya rito pagkatapos ng mga gawain niya sa SC Office. "Again? Ano 'to? Daily attendance?" "What? Mahal ka ng tao." "Pwede ba kita tawagan? Para…may rason kang sagutin ako." Pagbasa niya sa sulat. "Hanep, ang corny talaga bro." "Sagutin mo na kasi," udyok ko. "Really bro?" Nakapikit pa akong tumango-tango. "Okay naman si Chrys. Matalino, Hmm maganda I think, hindi maarte, sporty woman pa. 'Yon nga lang maingay," sabi ko at umupo sa kaharap niyang upuan. "Are you sure, you're okay bro? Nothing's wrong?" aniya at may nangingilatis na tingin. There's nothing wrong. I just remembered something.   "Edrian…" I'm a bit surprised seeing her in a serious expression when she called me.  "Tingin mo? May pag-asa kaya ako sa kambal mo?" I stared at her for long. 'Di pa pala talaga siya nawawalan ng pag-asa.  "I think so." I'm not also sure about that.  "Talaga?" Her face lit so I just nodded. Ngayon pa lang I feel sorry for you Chrys. *Flashback in Flashback* "Nagsalita ng tapos huh. Wanna bet? Within this year, you would get yourself a girlfriend." I turned to him and smirked. "Challenging me huh? You speak like you don't know me." "And you speak like you hold your life in your own hands." "That's deep." "But seriously bro, wanna bet?" wiggling his eyebrows. Huminto na rin ako sa paglalakad. I faced him, " Game." And grinned devilishly. *Flashback in Flashback Ends* "Sabi mo 'yan ah?" "I got your back." Paninigurado ko sa kanya. 'Cause you also got my back para manalo sa dare namin ni Clarence. Don't worry Chrys. You won't be hurt as long as you won't know the truth. This is for the both of us, you got Clarence. I got my prize for our dare. Just for entertainment anyway. "I'm surely okay Clarence. Baka ikaw ang may mali. There's Chrys pursuing you and yet you..." "And?" "You're not a man if you lose her." Napatayo siya. "Seriously, bro? Ayos ka lang? Baka naman ikaw ang may tama sa kanya." "Don't turn tables Clarence. I'm not interested with her and we have a mutual feelings for that. She's into you." Matagal siyang hindi nakasagot. "I'll give a try." "Yah." Tumayo ako at nilapitan siya. "That's what you called karismang Latwick." And I patted his shoulder. Seems like he really forgot about our deal. Pumunit ako ng papel sa notebook ko at inilapag sa mesang kaharap niya iyon na may kasamang ballpen. He questioned me with his look. "As a start, reply to her messages," sabi ko. "You mean, magsusulat din ako ng mga banat?" I chuckled. "Not necessarily. Depends on you. C'mon Clarence, parang mas lalaki pa siya sa'yo." "Fine." He sighed in defeat at kinuha ang ballpen. Pagkatapos sumulat ng 'di ko alam, tinupi niya ito at binigay sa akin. "Ako pa magbibigay?" tanong ko. "Ikaw nag-udyok eh." "What do you think of me? Messenger?" "Hindi pa ba? Sa ilang sulat na naibigay mo sa akin." Hindi ko na lang siya sinagot dahil tama siya. Tumayo ako at umupo sa harap ng study table ko. "Bro, what's with you and Ms. Gabriella?" "Bakit?" Lumingon ako sa kanya na siyang nakatingin sa cellphone niya ngayon. "You are both the hot topic on our underground site," aniya at iniharap sa akin ang cellphone. Bumalik ako sa pagkakaupo sa harap niya at kinuha ang cellphone and he's right. I scrolled the site at may mga pictures na magkasama kami ni Gab. 'Former SC Pres. Gabriella Sylvior and Edrian Clark Latwick Dating?' Ang caption. What the. Napakunot ang noo ko. "I don't know may ganitong underground site ang university," sabi ko. "Noong isang araw ko nga lang din nalaman." Ini-scroll ko ang article at walang nakalagay kung sino ang nag-post o ang author. "Why do they have to talk about other's life?" He just shrugged. "So, what's the real score about you and Gabriella?" Ibinalik ko ang cellphone niya. I don't have all the time to read their senseless articles. "Nothing." "Nothing? You don't smile like that because of nothing unless you lose your sanity?" Is it too obvious? "She's just special," tipid kong sagot. "So ironic, just and special. Just and special. Not good pair of words," komento niya. "You know, just focus with Chrys." "Well, Gabriella is one of a kind." "Man, she's out of your list." "Oh, fine. Fine. Anyways, have you heard about the exchange student?" I just nod. "Do you plan to top the exam?" "Even if I don't plan it, it will still be." "My bro, you sound so full of yourself." "What do you expect?" Natawa kaming dalawa. At least, kami-kami lang din ang nagyayabangan. Walang ibang tao.  "So, paano kung ikaw ang mag top? Is it okay with you to study abroad?" dagdag niya. "Chrys is on the 3rd rank as the top students. She can make it to the 1st kung magpaparaya ako. Kayang-kayang niya naman si Mier Veloroso, 'yong top 2... while you're in the 2nd you can—" "Wait, wait…what are you planning? Magta-top kami ni Chrys at dalawa kami sa mga magiging exchange student?" "Yes, more time for you. Who knows, 'pag balik niyo you're head over heels of her." "Bro, you're unbelievable. Binubugaw mo ako?" napapailing niya pang sabi. "Clarence, I know you also have something for Chrys." Long silence. Wala siyang sagot. Does it mean, he really has something for Chrys?   Kinabukasan, 'di ko na kailangang hagilapin pa ang babaeng 'to dahil siya na mismo ang naghanap sa akin. I am making my way to my next subject nang harangan niya ako. "Edrian," pakanta niyang binigkas ang pangalan ko at may iwinawagayway sa harap mismo ng mukha ko. "To Clarence" Ang saya niya yata ngayon. Kinapkap ko sa bulsa ang papel na sinulatan ni Clarence. "Ano 'yan?" tanong niya.  "From Clarence." Nanlaki ang mata niya at agad inagaw sa akin ang papel.  "Is this for real? Parang kahapon lang umaasa akong may iaabot ka ring ganito. Totoo na talaga 'to, Edrian? Walang halong pantitrip 'to? Kasi kung mayroon, nakikita mo ba ang mga baklang 'yon?" Napalingon naman ako sa grupo ng mga bakla na tinutukoy niya. Kanya-kanya silang kagat ng labi at kindat, may kasama pang flying kiss nang lumingon ako. The heck. "Kaya kitang ipagahasa sa kanila. Ano na? May time ka pang bawiin ito at sabihing trip lang. Isang sipol ko lang sa mga 'yan, manlalapa na 'yan." "You always talk with a novel-like speech. That's for real," sagot ko. "Ayan buti ng malinaw habang kaya ko pang pigilan ang kilig ko. Alam mo naman, saksi ka sa downfall ko," litanya niya habang unti-unting binubuklat ang sulat. Hinayaan ko siyang magbasa and I can see how her grin become wide.  "Edrian?" Tiningnan ko siya.  "Pwede pasuntok? Isang beses lang please." My brows furrowed with her request. "Sige na, once lang. Light lang naman kamay ko." "Psh." I sighed at tumagilid sa kanya.  "Ayan," ngiting-ngiti pa siya na parang bata. Nagulat ako sa pagsigaw niya at sinuntok niya ako sa braso. Napahimas ako sa braso. "Akala ko ba light lang?" tanong ko.  "Ay napalakas ba? Epekto ng naipong kilig eh. Sorry at salamat. Ikaw ba naman sulatan ng crush mo… Your daily messages were like chain message. But the only difference is I can't pass it to other people 'cause I am already enchained by you. Shet. 'Di ko aakalaing mas corny pa pala siya sa akin." Gusto kong matawa sa kakornihan ng kambal ko pero pinigilan ko. Nag-umpisa na akong maglakad at sumabay naman siya. "Nga pala, narinig mo 'yong tungkol sa exchange student? I'm sure ikaw na 'yon," panimula niya sa bagong usapan.  "How so sure? Pwede namang ikaw." Napalayo siya bilang reaksyon.  "Ako?" At sinundan pa ng tawa.  "We both know kung sinong nangunguna at ni minsan hindi kita naunahan." "Sineryoso mo na ba ang exams dati?" "Hmm…medyo lang. Hindi naman kasi ako katulad mo na 'pag may oras, pagbabasa ang inaatupag. You know, I prefer outdoor activities. Kung hindi nga medicine ang kinukuha ko eh, nunkang magbabasa ako ng makakapal na libro." "I think if you'll take the upcoming exam seriously, you'll top it." "Alam ko na, ma ta-top ko lang 'yon kung magpaparaya ka." Silence. "Oh, natahimik ka? Na-realize mo rin 'no?" "Okay lang ba sa'yo ang maging exchange student?" tanong ko. "Hmm 'di ko naman talaga siya bet. Okay lang kung hindi, okay lang din kung oo." "Whaf if I tell you that Clarence is preparing for the exam to be the exchange student?" Napatigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako. "Ah…oh? Actually mas bet kong maging top. Kaya paraya ka na ha?" Iba talaga 'pag si Clarence, madaling magbago ang isip niya. Tipid akong napangiti. "I got your back, right?" "Woah talaga? Magpaparaya ka? Hindi mo ba gusto 'yon?" I just shrug.  "Just like you, I’m not also that eager. But unlike now, you're already eager." "Seryoso Edrian? Ibibigay mo sa'kin 'to? Ang chance na 'to?" Tumango-tango na lang ako at napapangiti kasi para siyang batang napagbigyan after tantrums. Nagpatuloy na rin kami sa paglalakad.  "Teka nga parang sure na sure tayo na kapag magpaparaya ka, ako na agad. Haler, pangatlo ako last year. Nandyan pa si Mier sa second." Hindi natatanggal ang ngiti niya sa buong pag-uusap namin. She looks bright and inspired. Gano’n ba talaga ang epekto ni Clarence sa kanya? "Nah, you can do it." "Edrian..." "Hmm?" "Pwedeng request ulit?" "Kung suntok ulit, namimihasa ka na so, no." "Grabe siya, hindi naman suntok. Yakap hihihi." Bago pa man ako makapag-react nakayakap na siya sa akin at hindi ako nakagalaw. Ang kamay ko'y nasa bulsa pa rin.  "Thank you so much Edrian! Sino nagsabing hindi ka mabait at wala kang sense of appreciation? Well, wala ka talaga no’n pero mayroon ka namang sense of conduciveness. Salamat —" "You can thank me without hugging." Baka balak niyang mag speech ulit at sa haba-haba ba naman niya magsalita yayakapin niya ako? Ang dami pa namang malisyoso sa paligid. "Sorry na, na carried away lang..." Hindi ko na narinig ang mga sinabi niya nang makita ko si Gab papunta rin sa direksyon namin and I don't think so kung nakikita niya kami. She's busy with her phone. Hindi pa rin siya magkandaugaga sa mga bitbit niya. She has a handbag on her shoulder, a slingbag for laptop on the other shoulder, she also has pile of books. "Edrian? Nakikinig ka ba?" "Oh, see you later." At mabilis akong naglakad papunta sa kanya. "Gab."   KAHIT anong kabaitan talaga ni Edrian may bastos talaga siyang ugali eh. Sa hinaba-haba ng pasasalamat ko, hindi siya nakinig? Tapos nilayasan pa ako? Nilingon ko siya at nakita kong tinutulungan niya sa Gabriella sa mga bitbit nito.  'Ayun, dumadamoves si loverboy' Sige na nga, pagbigyan na ang loverboy. Tinutulungan naman niya ako kay Clarence so sige, pagbigyan ang pag-walkathon niya. Tiningnan ko ulit sila. Sabay silang naglalakad and panay ang sulyap ni Edrian kay Gab. May pinag-uusapan yata sila, nakakatawa ba 'yang pinag-uusapan nila? Ba't panay ang ngiti? Teka ba't ang sakit nila sa mata? Tiningnan ko ang sarili. Tanging stringbag lang sa likod ang dala ko. 'Well, hindi talaga ako 'yong tipong nangangailangan ng tulong' Napailing nalang ako sa pagkukumparang ginagawa ko. Binuklat ko ulit ang sulat. "Okay na 'to para sa araw ko," nakangiti kong sambit sa sarili at nagpatuloy sa paglalakad.   "Ky, pahiramin mo ako lahat ng notes mo ha?" This is my second to the last subject for today. Nasa salamin si Ky at alam na, nagpapaganda pero nang marinig ang sinabi ko ay pinagsisipa niya ang mga upuang nakaharang maka face to face lang ako. Sinapo niya ang noo ko, hinawakan ang leeg pati braso pababa sa kamay. "Ano ba, Ky?" At bahagyang lumayo dahil sa pinanggagawa niya. Alam ko namang hindi ako nagno-notes, ayan si Kyra ang masipag pagdating diyan. Masisi niyo ba ako? Utak na ang notes ko. Hindi pa ako mayabang niyan. Hindi pa. Hindi ko napansing nakaalis na pala si Kyra sa harap ko kaya nga hinahalungkat niya na ang laman ng bag. "Gosh. This is so rare. Talagang papahiramin kita Chrys. Kahit 1 week mong 'di ibalik, kasi I’m sure marami kang kokopyahin." Napangiwi ako sa pinagsasabi niya.  "Hindi ko 'yan kokopyahin. Babasahin ko lang, advance review. Alam mo na ang tungkol sa exchange student diba?" "Interesado ka roon?" "Uhuh." Tumango-tango pa ako. "Sigurado ka? Anong rason?" "Kailangan may rason? Pero sige, dahil bestfriend kita." Lumapit ako sa kanya at binulong ang plano namin ni Edrian kaya ngayo'y nanlalaki ang mata niya.  "Gagawin ni Edrian 'yon?!" Agad kong tinakpan ang bibig niya dahil sa pagsigaw.  "Ano ba, may makarinig sa'yo." Napaupo siya. "Akala ko ba titigilan mo na si Clarence?" Kaya napaupo na rin ako sa kaharap niyang upuan at bumuntong hininga. Para kasing mas frustrated siya sa akin.  "Akala ko rin. 'Di ko alam Ky, lumalim eh." Hindi siya sumagot bagkus ay tiningnan niya lang ako nang malamlam ang mata. "Ky… I will let the fate decide this time. If I will top the exam and be the exchange student, be it. My heart will lead. But if I won't, my mind will lead, I’ll stop." At binigyan ko siya ng reassuring smile.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD