Chapter 12

1827 Words
PAGKATAPOS kong mabasa ang aklat na binili ko kahapon ay napagpasyahan ko na ring umuwi dahil wala namang klase. Inayos ko ang bag ko at lumabas ng cafeteria. Dumiretso na ako sa parking lot dahil wala na rin naman akong kailangang gawin. Pagkakita ko ng sasakyan ay sumakay na ako at nagsimulang magmaneho. Maya-maya'y nag ring ang cellphone kong nasa bulsa ko. Kinuha ko naman iyon at sinagot ang tawag. Hello Kuya! Masiglang bati ni Evreen. Boses pa lang niya, alam ko na. Namiss ko itong batang 'to ah. "Oh, baby girl?" Yes! The one and only. Your cute and pretty baby.  Medyo natawa ako sa naging turan niya. "Where are you now?" Cause I'm thinking of you? Nailayo ko sa tenga ang cellphone dahil sa matinis niyang boses. "Evreen," pagbabanta ko sa kanya. Sorry na kuya. You're so sungit talaga. Magiging ugly ka if palagi ka nalang masungit. "You're not answering my question." Hmm... I’m at the park Kuya with yaya. "And what are you doing there?" Waiting for you. Miss na kita eh, ayaw ko na kay Kuya Clarence. Siya lang palagi kong nakikita. Muli, ay natawa na naman ako sa kanya. Kung kaharap ko lang ang kapatid kong 'to ay masarap sigurong pisilin ang mukha. "But you still can see me." No kuya. Alam ko kung sino si Kuya Clarence at ikaw. Well anyway kuya. Can you come here? If you won't, I will cry. "Cry? You're already a big girl and you still cry?" Whatever kuya. I'll wait here. Sasagot pa sana ako na hindi ako makakapunta dahil may trabaho pa ako pero agad niya ring ibinaba. Napabuntong hininga ako at inalam kung anong oras na. It's still 3 in the afternoon. Pwede pa. I murmured to myself. I hit the road leading to the park. Pagkarating ko roon ay maraming mga bata, malamang. I searched for Evreen but I only found Manang Selna, her yaya sitting on a bench. I approached her, "Ya," I called. She looked back and was a bit shock seeing me. "Ay iho, nandiyan ka pala. Kanina ka pa? Ah eh bakit ka pala nandito?" "Tinawagan ako ni Evreen, magtatampo kung hindi ko raw siya daanan dito. Nasaan ba siya?" tanong ko habang nakatayo pa rin.  "Ay oo. Miss ka na nga ng batang iyon eh. Nandoon, nakipaglaro sa mga bata, teka tatawagin ko," aniya at tinungo niya ang slide kung saan naglalaro ang mga bata. Umupo ako sa bench at naghintay. Hindi naman nagtagal ay narinig ko ang matinis niyang tinig. "Kuya!" sigaw niya habang tumatakbong papunta sa direksiyon ko habang kasunod si Yaya. Tumayo ako at agad siyang tumalon at yumapos sa akin. "You really missed me, huh," sabi ko at umupo, kandong siya. "Yes, kuya. Ikaw naman kasi eh. I hate you na," pagtatampo niya at pingkrus pa ang kamay sa dibdib. "Naku, nag emote ang batang maliit," sabi ko at niyakap siya pagkatapos ay pinisil ang kanyang pisngi. "Sige na para makabawi si Kuya—" "Lalabas tayo?" Namimilog ang mata niyang nagtanong na tila excited. Napangiti ako at ginulo ko ang buhok niya na agad niya naman ikinasimangot. She really hates it when I do that. I knew it, Evreen will grow being a typical brat woman. "Nasa labas naman na tayo ah?" nakangiting asar ko sa kanya. "Ugh. I really hate you na talaga. I will be with Kuya Clarence nalang." "You won't," confident kong sabi. "I can," she retorted sounding like a brat. "Okay, para talaga makabawi si Kuya. Gagala tayo sa weekend." Agad naman siyang lumingon sa akin. Nakatalikod kasi siya dahil nga nagtatampo.  "Woah. Really? Is that for real na?" aniya na nagningning ang mata. Tumango naman ako. Bumaba siya sa pagkakandong at tumalon-talon.  "I’m excited na. I can't wait for weekend. Wieee! Yaya! You heard it?" Nakangiting napapatango na lamang si Manang Selya dahil sa reaksyon ni Evreen. "Oh, wait Kuya, look." Ipinakita niya sa akin ang litrato na nasa tablet niya. Litrato iyon ng isang babae na schoolmate ko base sa suot niyang uniform na pinagtutumpukan ng mga bata dahil sa kanyang pinamimigay. Tiningnan ko nang maigi ang babae dahil parang pamilyar siya. "She's Ate Chrys, Kuya. She's so kind." That answers my little confusion. Tiningnan ko ulit ang litrato para linawin kung ano ang pinamimigay niya. Pagkain. Ito yung mga pagkaing pinamili niya sa akin kanina. Mabuti nalang pala hindi ako kumain? Nabigyan niya pa ang mga batang iyon. "She's also pretty like me. Look oh, we have selfie." Ipinakita niya ang litrato nilang ngiting-ngiti sila. "How did you know her?" "I secretly took a picture of her giving food for them," aniya sabay turo sa mga batang naglalaro. "She heard the sound effect of my camera, kaya lumapit na ako. Did you know her kuya?" "Uhh…" "Oy, Evreen!" Sabay kaming napaangat ng tingin kung saan nanggaling ang boses. Nakita ko ang papalapit na si Ms. Clarete. "Ate!" Dali-dali siyang bumaba sa bench kaya agad ko namang inalalayan. "Careful." "Panyo mo, naiwan mo do’n. Wala na talagang magmamay-ari nito, nakaburda ang pangalan mo eh," sabi ni Ms Clarete habang sinisiyasat ang panyo ni Evreen. "Thank you, ate." "Welcome," nakangiting sagot niya at gaya ng ginagawa ko ay ginulo niya ang buhok ni Evreen "Aww. Ate, don't do that. You're just like my Kuya Edrian. You keep messing my hair. Oh! By the way, here's Kuya Edrian." Hinawakan niya ang kamay ni Ms. Clarete at hinila papalapit sa bench kung saan ako nakaupo. Kita ko ang gulat sa mukha niya nang makita niya ako.  "Ate Chrys, he's Kuya Edrian, my Kuya. Kuya, she's Ate Chrys. She's pretty diba and also kind?" "Kapatid mo?" tanong niya. Tumango lang ako. "Kuya, you're not answering my question. She's pretty diba?" Isang mahabang katahimikan ang naghari dahil hinihintay nila ang sagot ko. "A-Ang cute niya," nakangiting sabi niya. "Of course, mana kina Kuya, Ate. Handsome." Ms. Clarete laughed awkwardly.  By her actions now, you won't think that she's actually the bubbly secret admirer of Clarence who gives love letters and so expressive of her feelings. She's like a demure woman right now. "Do you know each other, kuya?" inosenteng tanong ni Evreen.  "Yes, we're schoolmates," sagot ko kaya naman pinansin niya ang uniporme namin.  "Ay, oo nga." At humagikhik pero biglang bumawi. "Kuya!" At pinagkrus na naman ang kamay sa dibdib. "What?" "You are still not answering my question!" nakanguso pa nitong turan. "What question?" "Ate Chrys is pretty right?" A long dead silence reign again. I turned my gaze at her. "Uhm...ano…" Nagpalinga-linga siya sa paligid na parang ‘di naman alam kung saan babaling. Nginitian niya si Evreen at tiningnan na rin ang relo niya. Well... "Yes." Napahiyaw si Evreen pagkarinig ng sagot ko. "See, ate…" "Ah hehe. Joker kayo ng kuya mo." "She's also kind din kuya, namigay siya ng food sa mga bata." "Ah oo, ‘yong pagkain na binili ko kanina, binigay ko nalang. Sayang eh," aniya na talagang nanghihinayang. Impressive. May kawang gawa. Tanging tango lang ang naisagot ko sa kanya. "Ah…sige una ako, Evreen. See you around next time." "Oh wait, uuwi ka na? I think Kuya Edrian can make hatid you. Kuya?" At lumingon sa akin. Medyo nagulat ako sa sinabi ni Evreen. Ano ako driver? May trabaho pa ako, ilang minuto na nga lang.  "Ah no need Evreen. I can go home naman." Habang kinakaway pa ang kamay sa mukha ni Evreen.  "Sure, ate? Kuya —" lumingon na naman ulit siya sa akin.  "I still have work, Evreen," saad ko. "See? Your kuya's gonna work pa. Sige na, bye bye." She glances at me.  "Una na ako Mr. Latwick." Again, I just nod. She started to walk as she bids goodbye to Evreen. "Uwi na rin tayo, baby? May trabaho pa ang Kuya Edrian mo," singit ni Manang. "Okay po." "Nandiyan si manong?" tanong ko tukoy sa driver.  "Wala pa, sabi tatawagan ko lang pag uuwi na kami." Nilabas niya na rin ang cellphone at akmang tatawag. "Ah wag na ho, ihahatid ko nalang kayo." "Ay sige." Naglakad kami kung saan ko ipinark ang sasakyan ko na ‘di naman kalayuan. Palubog na ang araw kaya medyo madilim na. Pagkarating sa bahay ay kinarga ko na lamang si Evreen papasok dahil nakatulog sa byahe. "Sige Edrian, ituloy mo nalang siya sa kwarto niya. Gigisingin ko lang mamaya at paghahapunin." Kaya nama'y iniakayat ko siya sa kwarto niya. Paglabas ko ng kwarto ay lumabas din si Clarence sa kwarto niya na nakabihis pambahay na rin. "Oh, Bro. Ba't ka nandito?" "Hinatid ko si Evreen at Yaya." "Saan kayo galing?" "Park." Tumango-tango lamang siya at bumaba na kaya sumunod na rin ako.  "Una na'ko." Paalam ko nang makababa na.  "You won't join for dinner?" Aya ni Clarence na nakaupo na sa harap ng mesa.  "’Di na. Late na nga ako sa coffee shop." May sasabihin pa yata siya pero biglang tumunog ang cellphone ko kaya nama'y sinagot ko ang tawag mula kay Jeffrey na kasama ko sa trabaho. Ed, walang duty ang night shift. May party sa bahay nina madam eh. "Sige, salamat," sagot ko at pinatay na ang tawag. Ibinulsa ko ulit ang cellphone at naglakad patungo sa mesa habang nakasunod ang tingin sa akin ni Clarence.  "I changed my mind," sabi ko at umupo sa kaharap niyang upuan at kumuha ng pagkain. Tinamad na rin kasi akong magluto ng kakainin ko para sa hapunan mamaya.  "Hanep bro ang bilis magbago ng isip ah. Bakit daw?" aniya at nag-umpisa na ring kumuha ng pagkain niya.  "Sarado ang coffee shop." Tumango-tango lang din siya. Kaming dalawa lang ang nagsalo sa hapag-kainan. Kung wala ako, talagang siya lang mag-isa. Minsan kasama niya si Evreen. Ganito ka walang buhay ang bahay namin. Hindi rin naman kasi nananatili ang mga magulang namin dito. Kung makakauwi man ay parang isang beses sa isang linggo lang kaya nasanay na rin. Pagkatapos kumain ay nagpaalam na rin ako. Pagkarating ko sa apartment ay naglinis lang ako ng sarili at diretso na sa kama. Medyo maaga pa at wala na rin naman akong kailangang gawing mga assignments o ano pa man. Binuksan ko ang laptop at binisita ang f*******: account ko. Scroll scroll ng kaunti. Hindi naman kainte-interesado ang nagaganap dito. Binasa ko ang mga nasa chatlist ko. Iilan lang iyon pero isang pangalan ang nagpakunot ng noo ko. Chrys Clarete Teka, in-accept ko ba siya? Parang wala akong natatandaan. Pinindot ko ang pangalan niya at nagulat akong may makitang may conversation kami. Wala akong natatandaang nag-chat kami. Litong-lito ako kung bakit. Binasa ko ang nilalaman ng chat at mas lalong nangunot ang noo ko sa nabasa. Bakit kaya nangangamba Sa tuwing ika'y nakikita'   'Why?' 'Sana nama'y magpakilala Ilang ulit nang nagkabangga Aklat kong dala'y pinulot mo pa 'Di ka pa rin nagpakilala'   What? I don't remember helping her. It was our first-time interaction when she borrowed my laptop. 'Ahm...' 'Bawat araw sinusundan 'Di ka naman tumitingin Ano'ng aking dapat gawin'   'What? You're following me' Di kaya, para-paraan niya lang iyon kanina? Humiram ng laptop para mapansin? But I am observing, she's really making a report. 'Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim Kahit ano'ng aking gawin, 'di mo pinapansin'   'Who wouldn't notice the very great Chrystienne Clarete?' Is this me? 'Kailan, kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin'   'Are you a poet?' Tama. Makata na yata si Ms Clarete. Pero kung titingnan mo hindi mo aakalaing ganito siya. Pero akala ko ba si Clarence ang gusto niya? The more confusing is that, I really can't remember chatting with her. Wala naman ibang gumagamit ng lap —   "What are you doing with my laptop?" "Just scrolling your movies"   Now, I know who's the invader.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD