MAAGA akong nagising dahil malamang may pasok. Pagkatapos kong gawin ang mga gawain ko kada umaga ay umalis na rin ako. Pagkarating ko sa university ay kakaunti pa lamang ang mga estudyante, karamihan mga student assistants.
Patungo na ako sa medical department building namin nang mapansin kong pabalik ang direksyon halos ng mga estudyante. Nagtataka na ako pero wala naman akong mapagtanungan. Bahala sila. Nagpatuloy ako sa paglalakad nang makasalubong ko si Ms Sylvior.
"Oh, Mr. Latwick, saan ka pupunta?" tanong niya pagkahinto sa harapan ko. Parang umaga pa lang haggard na siya. Parang wala pa akong nakitang pagkakataon na hindi siya haggard.
Masyadong hardworking?
"I should be the one asking that," seryosong tugon ko.
"Pinapapunta lahat sa gym. Remember? Election day ngayon. ‘Di mo ba susuportahan si Clarence?"
I was a bit amused of her distinguishing me from Clarence.
Tumango ako. "How can you distinguish me from Clarence?" I asked instead. She beamed a smile, also showing her eyesmile. Now, she doesn't look haggard anymore. She's like a radiant flower that blooms when she smiles. Now I know, ngiti lang pala ang kulang sa kanya para hindi magmukhang haggard.
"Mr. Latwick?" I blinked many times.
"Yes, you were saying?"
"Kulang ba tulog mo?" Then she smiled again.
"I already told you, Clarence is not an early bird."
"’Yan lang ba ang basehan mo?" She shrugged her shoulders making her look cute. Oh, what am I talking about now? Ngumiti pa siya bago magsalita ulit.
“I told you, it’s election day, probably Clarence won’t be walking here like he doesn’t know what’s happening around.”
I’m about to open my mouth to reply but I preferred to shut it up, kasi tama nga naman siya.
"Let's go?" aya niya kaya tumalikod na rin ako at magkasabay na naglakad patungo sa gym. Pareho kaming tahimik, ganito naman palagi. Ang tahimik kasi ni Ms Sylvior at hindi rin ako yung taong nag-uumpisa ng usapan. Para sa’kin ay mas mabuti kung tahimik nalang kaysa walang makabuluhan naman ang pinagsasabi.
"Sino pala presidente mo?" Medyo nagulat ako sa biglang pagtanong niya kaya hindi agad ako nakasagot.
"Ah oo nga naman, malamang si Clarence," natatawang sabi niya.
"Pero alam mo, okay rin naman si Chrys Clarete. May potential naman, ‘yon nga lang parang hindi seryoso."
"You think so?" tanging nasabi ko.
"Yes. I can see she can handle the students, dagdag points na ang pagiging team captain niya sa basketball."
Mukhang nagiging madaldal na si Ms Sylvior. Tumango tango nalang din ako at napagdesisyunang manahimik lang pero may naisip akong itanong sa kanya.
"How about you? Why aren't you involve with the sports?"
"Hmm. How about you?"balik niyang tanong.
"I don't. It's not my field, not my interest," I replied.
"Likewise," she said wearing her smile again. She's witty, no doubt.
Nakarating na kami sa gym at nakapila ang bawat estudyante.
The election is automated, there are machines that would directly count the votes. I saw Ms. Clarete on the stage waving her hands as if a real politician while Clarence on the other side is just sitting while looking at Ms Clarete.
‘Pag malaman lang ng babaeng 'to na tinitingnan siya ni Clarence, tiyak maglulupasay naman 'yan.
She grabs the mic which is on the center stage and cleared her throat making her to gain the attention of everyone.
"Ah ehem. Hmm. Sa mga bored diyan, at sa mga katatapos lang bumoto sa akin. Charot. Pati na rin sa bumoto kay Mr Latwick..." At lumingon kay Clarence. Si Clarence nama'y ngumiti lang.
May pormalidad din pala ang babaeng 'to, akala ko babyboo na naman ang babanggitin niya.
"Yieee! 'Yon oh! Ang gwapo, no?" Agad namang naghiyawan ang mga kababaihan.
"Dami talagang kalokohan ni Chrys," sabi ni Ms Sylvior at mukhang naaaliw sa ginagawa ni Ms Clarete.
"Para ‘di kayo ma-bored, aalayan ko kayo ng kantang magpa-iiba ang ikot ng mundo niyo. Sa ikot nito'y baka pumila kayo ulit at ako na ang bobotohin niyo..." Tumawa pa ito.
"De joke lang, botohin niyo kung sino ang sinisigaw ng puso niyo. Ako nga eh, hindi ko alam kung sarili ko ang bobotohin ko dahil iba naman ang sinisigaw nito… yie!" Sabay lingon niya kay Clarence na nakangiti pa rin.
Ulit ay nakaani na naman siya ng hiyawan sa mga estudyante. Bumalik siya sa paghawak sa mikropono.
"Ehem... Ito na talaga...
Bakit kaya nangangamba
Sa tuwing ika'y nakikita
Sana nama'y magpakilala."
Binalot ang buong gym ng boses niya.
"Aba, may tinatago palang boses si Chrys," saad ni Ms Sylvior.
"I agree," matipid kong sagot. 'Cause yeah, she has a cold soothing voice. But aside from my amazement, parang pamilyar ang kinakanta niya.
Saan ko nga ba narinig ang kantang 'yan? Narinig ko ba?
"Ilang ulit nang nagkabangga
Aklat kong dala'y pinulot mo pa
'Di ka pa rin nagpakilala"
Shoot. I fished my phone from my pocket and open my messenger. I searched for Ms. Clarete's name and I open our conversation— ah no, her and Clarence' conversation.
"Bawat araw sinusundan
'Di ka naman tumitingin
Ano'ng aking dapat gawin
Bakit kaya umiiwas
Binti ko ba'y mayroong gasgas
Nais ko lang magpakilala."
There. May mga lyrics lang na wala. Is it lyric prank?
"Ang galing kumanta ni Chrys." Napapalakpak na sabi ni Ms Sylvior. Nandito pa pala siya.
"Di ka pa ba boboto?" Tapos tumingin siya sa mga machines na wala ng nakalinyang estudyante.
"Wala ng nakapila," aniya.
"Mauna ka nalang, sunod ako," sagot ko. Tumango lang siya at tinungo ang mga machines.
Binasa ko ang chat ni Ms Clarete na siyang tugmang-tugma talaga sa kinakanta niya ngayon. Tiningnan ko si Clarence at hindi na siya nakangiti, seryoso ang ekspresyon niya.
Alam niya kayang na lyric prank siya?
Patuloy lang ako sa pakikinig hanggang sa matapos ang pagkanta ni Ms. Clarete habang ang mukha ni Clarence ay ‘di na maipinta.
Tinungo ko na ang automated machines para bumoto. Syempre, suportado ko ang kambal ko.
Pagkatapos bumoto ay umalis na rin ako ng gym dahil puro kalokohan na ni Ms. Clarete ang bumibida. So, dahil election day pala ngayon, walang klase? Ano ng gagawin ko ngayon? Wala na akong babasahing libro dahil naubos ko na. Wala na rin akong gagawin dahil tapos ko na. Naglalakad pa rin ako sa kawalan sa loob ng campus, halos lahat ng naglalakad ay may destinasyon ako lang yata ang wala.
"Mr. Latwick." Lumingon ako sa kung saan nanggaling ang boses. Nakita ko si Prof. Debbe na nasa pintuan ng speech lab at may hawak na pile ng mga papel. Lumapit ako at inilahad niya ang makapal na papeles.
"Mr. Latwick, wala na talaga akong matawag na ibang estudyante. Pasensya na, pwede mo ba itong dalhin sa Comelec Office?"
"Okay lang Prof. sige po," sabi ko at kinuha ang mga papel na medyo may kabigatan dahil sa kapal. Mga dokumento siguro ito.
"Salamat talaga," aniya kaya'y bumalik na ako sa paglalakad.
Habang naglalakad ay maraming babaeng kaliwa't kanang bumabati, ngunit tango lang ang naisagot ko.
Pagkarating ko sa Comelec Office ay kakatok na sana ako nang may marinig ako. I’m not into eavesdropping 'cause I don't give a damn but something's urged me not to knock yet.
"Archo, alam mo bang nagpapasikat si Clarete do’n sa gym?" Nakarinig ako ng tawa.
"Sus kahit anong pasikat pa gagawin niya, hindi rin naman siya mananalo."
"Paano ka makakasigurado 'tol? Malakas din ang babaeng 'yon. Mukhang mananalo nga siya eh."
"Wala ka bang tiwala? Para ano pa't Comelec Chairman 'to. Kahit boboto pa sa kanya lahat ng estudyante kayang-kaya ko pa ring ipanalo ang kalaban niya."
Mukhang may plano sila.
"Sigurado ka? Automatic na ‘yong mga machines ang bibilang ng boto."
"Wala ka ba talagang tiwala sa akin? Hindi naman agad-agad malalaman ang result, dadaan pa 'yan sa kamay ko."
"Bahala ka 'tol, pag 'yan magkaaberya."
"Hindi 'yan, unless may mananraydor sa inyo."
Wala na akong narinig kaya umakto akong kakatok baka lumabas ang kung sino mang nasa loob. At tama nga ako bumukas ang pinto at isang lalaki na kasingtangkad ko ang aktong lalabas kaya nabitin sa ere ang pagkatok ko. Ibinaba ko ang kamay at inilahad ang mga papel.
"Pinapadala rito ni Prof. Debbe sa office," sabi ko.
"Kanina ka pa?" tanong ng lalaki.
"Bago lang, ikaw ba ang comelec chairman?" tanong ko para makumpirma.
"Oo. Archo Fredmann pare."
Pare? Kelan pa? Tss. Tumango-tango lang ako at kinuha niya naman ang mga papel. Pagkaalis ko'y isa lang ang nasa isip ko.
Should I inform Ms. Clarete about this? If I won't, then surely Clarence will win this election. But I think, Clarence would not be satisfied with that set-up. It would be my conscience if Clarence won in an unfair manner.
Naglakad ako pabalik sa gym. Pagkarating doon ay kakaunti nalang ang mga estudyante. I saw Ms. Clarete leaving the gym through the door beside the stage while Clarence gathering his things. I think mas kailangan kong ipaalam kay Ms Clarete 'to. Napatakbo ako para maabutan siya. Tsk. Hindi dapat ako nakikialam dito eh, kung hindi lang sabit si Clarence rito hinding-hindi ako makikialam.
"Ms. Clarete!" I shouted. Yes, I shouted for... the first time? Pero hindi lang ako ang sumigaw, kaya nilingon ko kung sino man ang nakasabay ko. I saw Clarence on the stair making his way down.
Nagkatinginan naman kami ni Clarence at napalingon din si Ms Clarete.
"Uhm?" Confusion is written all over Ms. Clarete's face.