Chapter 14

1999 Words
PALIPAT-LIPAT ang tingin ni Ms. Clarete sa aming dalawa ni Clarence.  "Bro?" bati ni Clarence habang pababa ng stage at lumapit sa akin.  "Oy teka, nakaboto ka na?" tanong niya at pinaikot ang mata sa loob ng gym na wala na masyadong estudyante dahil tapos na rin ang botohan. "Yes." He eyed me as soon as I answer.  "What?" I retorted because of the way he looks at me.  "I am confident na ako ang binoto mo," he stated making me smirk. Kumunot ang noo niya sa inasta ko. "Don't tell me..." Still smiling, "I'm afraid," I replied. "Bro," aniya na may halong pagbabanta. "Uhm... ahem! Excuse me? Tinawag niyo 'ko para deadmahin? O tinawag niyo 'ko para maging audience ng brotherhood moment niyo?" Sabay kaming napalingon kay Ms. Clarete na talaga ngang nakalimutan namin. "Oh, sorry Ms Clarete," ani Clarence. Automatic naman siyang napangiti. Iba talaga tama nito kay Clarence. Ewan lang kung patulan siya ng lalaking 'to.  "Ms. Clarete," sabay na namang banggit naming dalawa kaya nagkatinginan kami.  "Kambal nga talaga kayo, nagdu-duet kahit hindi scripted," nakangiti niyang turan habang papalapit sa amin. Si Clarence na lang ang hinarap ko.  "Bro, do you really want to win this election?" seryoso kong tanong. 'Cause if yes, then I'll keep what I've heard. Kumunot ang noo niya sa pagtataka.  "Uhm, not much..." sagot niya na may halong pagtataka habang palipat-lipat ang tingin niya sa'kin at kay Ms Clarete.  "Ba't mo natanong bro?" dagdag niya. I was about to answer when Ms. Clarete interfere.  "Excuse me? Ano ba talaga ang role ko rito? Maging audience niyo? Kasi kung gano’n, hindi ako pwede eh. Kasi gustuhin ko man, may gagawin pa ako." "Just wait," sabay na naman naming sambit habang nakatingin sa kanya kaya medyo napaatras siya sa gulat, napahawak pa siya sa dibdib niya. Kahit ako nga'y nagulat din sa pagkakasabay naming dalawa. Napatango na lamang siya. "Okay, chill," aniya sabay yuko. "Pasalamat kayo, crush ko ang isa sa inyo," she murmured but we clearly heard.  Hinarap ko ulit si Clarence  "Bro, do you know Archo Fredmann?" Napaisip naman siya but I think Ms. Clarete is just a typical nosy woman who loves to interfere.  "Ahh oo! Si Archo?! Gagong 'yan! Bakit?!" pagsisigaw niya na parang nakalimutan nang babae siya dahil sa mga kilos niya. Wait, babae ba talaga 'to? Parang lalaki maka asta eh. Pero lalaki pa rin naman ang gusto niya, at 'yon ang minalas kong kambal. I eyed her, sabat kasi ng sabat. "I'm not talking to you," I said. "Ump..." She then acts like she zips her mouth. "Sorry na... pvtangina lang kasi ng lalaking 'yon," aniya. Lakas makamura ah, I eyed her dahilan para yumuko siya.  "Sungit," bulong niyang binalewala ko na lamang.  "Si Archo... ah, ‘yong Comelec Chairman bro, bakit?" "He's planning something like even Ms. Clarete wins, he'll manipulate the result just to make...” I faced Ms. Clarete this time. “…you lose." "Huh?" They're both shocked. I remained silent waiting for them to absorb what I said 'cause I really hate repeating what I just said. One word is enough even though I'm not wise. "Pa'no mo nalaman?" Ms. Clarete asked in a serious voice. Kanina lang ang ingay niya ngayon naman biglang nagseryoso. Really a woman who changes mood in just a second. "I overheard at the Comelec Office." "Gago talaga 'yang Archo na 'yan, pati ba naman 'to sasabotahin. Naku! 'Pag makita ko lang talaga pagmumukha ng lalaking 'yon, basag sa'kin 'yon! Nasaan ba siya? Saan mo siya huling nakita?" she furiously asked. "Calm down Ms. Clarete—" "Chrys na nga lang! Lintek na Ms. Clarete Ms. Clarete na 'yan! Nasaan siya?!" Bahagya akong nagulat sa mga sinabi niya, grabeng babae 'to walang sinasanto. "You calm down, woman. I'm not yet done," I said in a firm voice to let her know that I’m not just one of the students na pinapakitaan niya ng ugaling ganyan.  "Teka nga Mr. Latwick, Edrian specifically, paano ako kakalma? May sasabotahe sa eleksyong 'to! And worse, comelec chairman pa!" I run my fingers through my hair because of annoyance.  "Does behaving like that make sense? Aren't you gonna thank me first for informing you? Actually, you're lucky. Bakit kailangan ko pang sabihin sa'yo 'to kung pwede naman hindi, and surely Clarence will win—" "Uh no, bro... hindi pwede ang ganyan, hindi rin ako makakapayag. I want everything fair and square," he interfered. See? Ayaw rin ni Clarence nang gano’n. "Ah. Sorry Mr. Latwick and thank you for informing me," aniya na medyo kalmado na. Napakunot ang noo ko sa sagot niya. "You sound sarcastic," sabi ko. Tiningnan niya lang ako pero parang iba naman ang iniisip niya.  "Lintek na Archo 'yan!" At tumakbo paalis ng gym.  "Wait, Ms Clarete!" Clarence shouted and was about to follow but I stopped him. "Don't tell me susundan mo 'yon? De kikiligin na yon," sabi ko pa. "Gago ka talaga bro. Seryoso kang tao pero minsan may saltik ka rin eh, kita mo 'yon oh para na ngang papatay na ng tao ‘yon, tas kikiligin pa?" natatawang sabi niya. "Who knows?" maikli kong sagot. Malay ba nating paraan niya rin iyon ng pagpapansin. "Pero teka nga, paano mo nalaman ‘yon?" Him, changing the topic. "I heard that Fredmann and his friends talking in the comelec office." "Since when did you learn to eavesdrop?" "Just a while ago." As I said that there's something urged me to eavesdrop.  "Pero bro, mali 'to eh." Napaharap ako sa kanya. "Don't tell me you're planning something?" I asked. He just shrugged.  "Bro, don't stress out yourself, kung may problema man, kay Ms. Clarete na 'yon." Parang may sasabihin pa yata siya pero ‘di niya na tinuloy.  "Let's go and eat, I’m really starving," bagkus ay sabi niya at bigla akong inakbayan. "Too fast to change your mind, huh." "Well, you have a point." "That's Latwick," I said, and we did our fist bump.  "But anyway, you eat alone. I still have work." "Work work work. Tss. Bro, anong oras pa lang oh, alas dos. At alas dos na nga hindi pa ako nakakakain." "May additional payment ‘pag maaga akong papasok." "Bro." Tiningnan niya ako ng seryoso. "Oo na, tara na," sabi ko nalang at nauna sa paglalakad.     MALALAKI ang hakbang ko patungo sa Comelec Office. "Humanda talaga 'yang Archo na 'yan sa akin. Kahit lalaki siya kaya ko siyang patulan," nanggagalaiti kong sabi sa sarili. Malayo pa lang ako ay nararamdaman ko na ang pangit na aura. See? Kahit sistema ko ayaw sa kanya. Nakita kong papalabas na sila ng office kaya dali-dali akong lumapit.  "Excuse me?" May kalakasan kong sabi kaya napalingon sila. Agad namang napataas ng kilay si Archo pagkakita sa akin at sumipol. Bastos talaga! Ngumisi pa siya.  "Yes, Clarete? Makikiraan ka?" Kunwaring tumabi siya. Nasa pintuan kasi siya mismo at ako naman nasa tabi ng pinto. Malayo-layo ng konti dahil toxicated 'pag lumapit ako sa kanya.  "You are excused," aniya at siya namang tawanan ng mga kasama niya. Hindi naman ako papayag na gano’n-gano’n lang. Tiningnan ko isa-isa ang mga kasama niya. Sayang, gwapo pa naman ang iba, nagtatanga-tangahan lang at sunod-sunuran sa gagong 'to.  "Tawang-tawa ah? Totoo bang tawa 'yan?" May pang-uuyam kong tanong kaya napatigil ang iba.  "Anong kailangan mo Clarete? Mahal yung oras ko," sabat naman ni Archo at tumingin pa sa relo niya.  "Wala naman... galit kasi ako, gusto ko lang may mapagbuntunan—" “Oh, ano namang paki—" Pinutol niya ako kaya pinutol ko na rin ang satsat niya. "Ohh!" daing niya nang dumapo sa pisngi niya ang kamao ko. Napa-aww rin ang mga kasama niyang wala namang kwenta dahil hindi man lang ako inawat. Ano? Babae ako pero 'di uso sa akin ang sampal. Wala eh, talagang nanggagalaiti ako sa kanya. Wala akong pakialam kung gaganti siya, edi lalabanan ko siya. Minura niya ako at akmang susugod sa akin, pinaghandaan ko naman ang galaw niya nang biglang may sumigaw. "Mr. Archo Fredmann!" Napatingin ako sa likod niya at siya namang ikinalingon niya. Si Prof. Debbe. "What is this all about Mr. Fredmann?" May awtoridad na tanong ni Prof. at nakapameywang pa. "Huh," he smirked before speaking again. "See this?" aniya sabay turo sa pasa niya sa pisngi habang nakatingin sa akin.  "Siya ang may gawa." At dinuro-duro pa ako. Nalipat naman ang tingin ni Prof. sa akin na para bang naghihintay ng explanation ko.  "Prof. I was provoked. You might not believe me, but this so called Comelec Chairman has a personal issue with me. He's planning something to sabotage the election result," I explained while I still got my eyes on him, trying to kill him with it. Bumaling na naman si Prof. sa kanya. "Is this true?" "Ha! She has no proof! And why would I do that?" "Nah, let's just not deny your insecurities on me Fredmann. We both know that." "You still don't have a proof," he confidently said. "I have no proof... but I have a witness," then I flashed my victory smile. Biglang kumunot ang noo niya at binigyan ng nagdududang tingin isa-isa ang mga kaibigan niya. Tumaas naman ng kamay ang mga ito, saying they're innocent. My witness is the last person they would think of. Edrian has his own world, he does not want to meddle with others business nor wants to be involved. Matapos ang masinsinang usapan sa loob ng Comelec Office. It ended up that Ms. Sylvior will take charge of the election results. Hindi na pinatawag ang witness ko which is Edrian. Prof. trusts me so much that she believed my words which are actually true. Kung kinampihan niya ang isang 'to, well she'll have the greatest regret of her life. She knew Archo Fredmann's background. Marami na rin itong nakabangga dahil sa pagiging mayabang but she can't just impeach him for being the comelec chairman dahil malakas din ang kapit nito. Well, anyway bahala siya sa buhay niya. Maging presidente man siya ng Pilipinas wala akong pakialam basta wag niya ring pakialaman ang buhay ko. Ang mahalaga sa ngayon, hindi niya na madadaya ang resulta. Nang uwian na'y diretso uwi na ako sa bahay. Napagod ako. ‘Di ko alam kung anong dahilan, parang gusto ko lang ibagsak ang katawan ko. Hindi na rin ako nagpasundo kay kuya, alas tres pa lang ng hapon, maaga pa. Kaya malamang may trabaho pa si Kuya. Pagkarating ko sa bahay ay sumalubong sa akin ang isang banner na "Welcome Home Dad" Oh shoot! Nakalimutan ko. Wala ng katao-tao rito sa labas kaya pumasok na rin ako sa loob. Ano namang gagawin ko sa labas? Titigan ang banner hanggang sa lumipad? Dzuh. "Mom!" sigaw ko pagkapasok. "Ano ba'yan Brielle. Ba't ngayon ka lang? Kanina pa kita tinatawagan." Tiningnan ko naman ang cellphone ko, at oo nga 13 missed calls. Bakit 'di ko napansin o naramdaman man lang? Manhid na ba ako? Ang OA naman. "Sorry mom, may nangyari lang kasi. Sino sumundo kay Daddy?" "Kuya mo," sagot niya habang ina-arrange ang mga pagkain sa mesa. "Akala ko may trabaho pa siya?" "Nag-undertime. Dali, tulungan mo na ako rito." "Magbibihis lang ako," sagot ko at hahakbang na sana sa hagdan. "Later na Chrys. Pauwi na sila," pagpigil niya habang nakatingin sa cellphone niya. Nag-text siguro. Hindi nalang muna ako tumuloy sa kwarto. Tatlo lang kaming natira rito sa bahay. Ako, si Mommy at nag-iisa naming katulong. Maya-maya lang ay may narinig kaming busina. "Andyan na sila!" excited na sabi ni Mom. Pumwesto na kami sa pinto at sumilip sa maliit na siwang nito. Pagkaparada ni Kuya ng sasakyan ay bumaba na si Dad kaya nama'y lumabas na kami. "Welcome home dad!" sabay naming sigaw ni Mommy. Ngiting-ngiti naman si Daddy kaya inunahan ko na si Mommy yumakap. "Dad! I miss you." "Woah oh oh...I miss you too, Brielle," aniya at hinalikan ako sa noo. Lumapit naman si Mommy at yumakap din at akmang hahalikan niya si Dad pero bago pa man matuloy ay itinaas ko na ang kamay ko. "Uh uh bago niyo ituloy ‘yan, kain muna tayo at pagod din si Daddy, Mom." Napa-make face nalang si Mommy pero talagang nagnakaw sila ng sandali at ayun, hindi talaga nakapagpigil. Edi sila na ang sabik sa isa't-isa! Matapos ng kaunting salu-salo ay tinungo ko na ang kwarto. Gash, di ko talaga alam pero parang pagod na pagod ako, wala naman akong ginawa. Naghugas lang ako at sumampa na sa kama. Nag-f*******: muna ako sandali pero wala namang nagpainteres sa'kin kaya hindi rin ako nagtagal. Napaisip naman ako tungkol sa magiging resulta bukas. Paano kung manalo ako? Wala pa naman akong tiyak na plano. Gawa-gawa ko lang 'yong plataporma ko eh. 'Yaan na, hindi naman ako mag-iisa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD