WEEK had passed and result of SC election is now out…and hell yeah, I lose with a fvckin' 2 votes. Kung sino man 'yang dalawang 'yan. Naku! Bakit kasi ‘di nalang sila nagkasundo at naghati. ‘Yong isa sa akin, ‘yong isa sa kay Clarence. Edi pantay!
Tie sana kami. Edi magkakatrabaho kaming dalawa, sisipagin akong pumunta ng SC office at mai-inspire akong gawin ang mga obligasyon ko.
Dagdagan pa ni si Mandy ang Vice Pres niya, yes nanalo siya. Malandi pa naman ang baklang 'yon baka landiin niya pa ang babyboo ko.
Pero sabi niya kasi si Edrian sa kanya? Kahit na, baka kasi matulad siya sa akin no’n at maipagkamali niya. Nagkamali ng nilandi.
Pero walang gano’n eh. Hindi pwede. Walang pag-asa.
‘Yong maging kami siguro may pag-asa pa, pero ‘yong dalawa kaming presidente ‘yon ang walang pag-asa. Oh diba? Do’n nalang ako sa una.
Katulad ngayon, gumagawa na naman ako ng hakbang para mapansin niya.
Nandito ako sa printing shop kahit alas syete na ng gabi kasama of course ang kaibigan kong napaka-supportive sa gawa pero puro panlalait sa salita..tentenenen! Kyra.
Minsan kasi walwal siya ng walwal na masyado ng nakakahiya ang ginagawa ko kaya FO na raw kami. As in Friendship Over. Pero sa salita lang naman ‘yon eh, nandito nga siya oh, kasama ko.
"Chrys, baka pwede namang bukas ng umaga daanan mo rito bago ka pumasok sa school. Gabi na oh," bagot na bagot niyang sabi dahil kanina pa siya nagmumukmok dito sa isang tabi.
"Hindi pwede Ky, alam mong male-late ako niyan. Madali nalang man 'to. Diba ate?" Baling ko kay ate na siyang nag-aasikaso na siya namang tumango lang.
Nagpagawa kasi ako ng tarpaulin saying, "Congratulations SC Pres. Evan Clarence Latwick" at syempre hindi mawawala ‘yong banat kong "Di bale ng natalo, basta ipanalo mo lang ako sa puso mo" tapos sa ilalim no’n maliit lang na "from Chrys Clarete", with matching picture pa niya na pinagpuyatan kong hanapin sa f*******: niya. Kakaunti lang kasi ang picture niya.
Nahirapan akong maghanap ng picture niyang siya lang. Palaging may kasama, puro mga lalaki kaya walang dapat ikaselos. May family picture rin, may kasama si Edrian at ‘yong cute nilang kapatid na si Evreen. Mayroon ngang siya lang sa picture, ang layo naman. Naku.
So, going back to the tarpaulin, gusto ko ngang lagyan ng babyboo eh, pero halos magwala na si Kyra kanina para lang mapigilan ako. Nakakahiya to the highest level na raw kasi.
Anong nakakahiya do’n? Masama bang mag-express?! Sagot!
"Bahala ka." Tiningnan niya ang oras sa relo niya. "7:34 na oh, 7:40 uuwi na ako. Bahala ka na talaga," aniya na nakabusangot pa talaga.
"Pwede naman kasing ipagpabukas 'yan." Ramdam na ramdam ko na talaga ang pagkairita at pagkabagot sa boses niya.
"Hindi nga pwede. Pareho kaming late comers ni babyboo oh diba meant to be—"
"Kailangang isingit talaga Chrys? Siguro nga... you both have the guts to run SC President kahit palagi kayong late. How can you set as a good example to the students?"
"Ky..." Tinabihan ko siya sa pagkakaupo at inakbayan siya. "There's such a thing called change. Kita mo, kung ako 'yong nanalo, madaling araw pa lang nandito na ako."
Pinaikot niya na lamang ang mata niya tsaka tiningnan ulit ang relo. "7:40 na, uuwi na talaga ako," aniya at tumayo.
Agad ko naman siyang pinigilan nang sinukbit niya na ang bag niya.
"Teka—" Naputol ang pagpigil ko sa kanya nang tumunog ang message ringtone ko.
Kinapa ko naman sa bulsa ang cellphone at binuksan. Si kuya ang nag-text sabing magte-text lang ako kung susunduin niya na ako. Agad naman akong nagreply ng okay.
Nakapagpaalam na kasi ako kina kuya at mama kanina nung dismissal pa lang na gagabihin ako, baka kasi 'pag di ako nakapagsabi, nai-blotter na ako sa police station at napabilang sa mga taong missing.
You know how exaggerated my mother is.
Binalik ko ulit sa bulsa ang cellphone at binitiwan si Ky. Umupo ako ng prente sa upuan.
"Nga pala, si Kuya susundo sa akin." Mabilis pa sa alas kwatrong umupo siya sa kinauupuan niya kanina na siyang katabi ko.
"7:40? Sus, ang aga pa. Sige take your time Chrys kahit magdamagan pa," aniya na tila bumalik lahat ng sigla niya pagkasabi ko no’n.
Kita niyo na. Parehas lang kami ng bituka nito eh, basta si crush ang pag-uusapan. Alam niyo namang Love Conquers All.
"Walanjo ka Ky, malantod ka rin eh," sabi ko.
"Isisi mo sa kuya mong pogi, hindi naman ako magkakaganito eh," sagot niya na parang ang inosente niyang nagkagusto sa kuya ko.
"May mali ka rin," tipid kong sagot.
"Ano?" Nag-isang linya ang kilay niya sa pagtataka.
Inakbayan ko ulit siya. "Nagkaibigan ka ng maganda, malamang may gwapong kapatid 'to," sabi ko at nilagay ang dalawang palad sa ilalim ng baba at nagpa-cute sa kanya.
Napaatras ako sa lakas ng pagtampal niya sa noo ko. "Aray ha! Ky!" daing ko habang hinihimas ang noo kong tinampal niya.
"Ang sagwa mo Chrys. Yuck!" aniyang diring-diri.
"Ma'am, ito na po." Napatayo ako sa kinauupuan ko pagkasabi ni Ate. Binuklat ko ang nakarolyong tarpaulin at napangiti nalang pagkakita no’n. Hindi pa rin natanggal ang ngiti ko habang nirorolyo ulit pabalik ang tarpaulin at nagbayad.
"Tara na, Ky," sabi ko at hahakbang na sana palabas.
"Teka lang naman." Napalingon ako sa kanya dahil kanina lang kung makapagmadali wagas, ngayon prente pang nakaupo habang hawak ang salamin, nag-polbo at nag-lipstick.
"Hoy, anong ginagawa mo?"
"Nagpapaganda. Syempre makikita si crush," aniya na patuloy sa paglagay ng lipstick.
"Gabi na. ‘Di rin 'yan makikita ni Kuya, 'tsaka ayaw ni Kuya ng babaeng may kolorete sa mukha," sabi ko at sumandal sa pintuan habang tini-text si kuya.
Napahinto siya sa ginagawa niya at tiningnan ako. Tumayo pa siya at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Totoo?" tanong niya na nanlalaki ang mata.
"Yes," sagot ko with matching pikit pa ng mata.
"Ugh." Bumitiw siya sa pagkakahawak sa balikat ko at dali-daling naghalungkat ng wet wipes sa bag niya.
"Andyan na si Kuya," sabi ko nang makitang paparating na ang sasakyan.
Kalmado ko 'yang sinabi pero... "Teka lang naman Chrys! Hinihintay naman kita ah?! Para na nga akong motolite, pangmatagalan!" Nabigla ako sa pagsigaw niya, kahit ‘yong mga tindera dito sa printing shop napatingin sa kanya na hindi magkandaugaga sa pagbura ng mga nilagay niya sa mukha bago lang at binalewala ang mga taong nakatingin sa kanya.
Huminto na ang sasakyan ni Kuya sa labas kaya sumenyas akong sandali lang. Hindi ko rin naman nakikita ang ekspresyon niya dahil tinted ang sasakyan. Wala pa namang pasensya 'yon sa katawan.
"Ky, okay na?"
"Wait lang," sagot niya na parang hindi man lang nagmamadali.
Maya-maya lang bumusina na si Kuya. Tumayo ako ng maayos. "Ky, bumusina na si Kuya."
"Ha? Oh my! Tara na!" tarantang sabi niya at pinasok lahat sa bag ang mga gamit niya.
Nauna na rin ako sa paglalakad na umiiling-iling. Malala na ang tama nitong si Ky, ayaw na ayaw niyang disorganized ang bag niya pero kita niyo naman kanina, kahit nga siguro pulbo niya ‘di niya naisara.
Pumasok na ako sa passenger seat. At dahil sinamahan ako ng babaeng 'to, ipapalakas ko siya kay Kuya.
"Kuya..." Pagtawag ko dahil diretso na ang tingin nito pagkapasok ko sa sasakyan. Agad naman siyang lumingon, wala pa man akong sinasabi ay napansin niya na si Kyra na siyang ngiting-ngiti. Nasa labas pa rin siya ng sasakyan at nakadukwang sa bintana.
"Si Kyra..." Iniisa-isa ko lang bawat salita para mabigyan ko naman ng pagkakataon 'tong kaibigan kong na-stress yata sa pagbura ng make-up niya.
Wala akong narinig kay Kuya pero nakita ko ang pagpalit ng reaksyon ni Kyra mula sa ngiting-ngiti hanggang sa nagdugtong ang kilay niya sa pagtataka.
"Huh?" aniya. Napalingon naman ako kay kuya na siyang nakanguso.
Nakanguso? Teka. Malabo na ba mata ko? Binalik ko na naman ulit ang paningin kay Ky at sabay kaming napatingin kung ano man ang nginunguso ni Kuya. Literal na nanlaki ang mata ni Ky nang mapagtanto kung ano iyon at dali-daling tumayo kaya ang ending nabunggo siya sa ulo.
"Aray," daing niya habang hinahawakan ang likod ng ulo.
"Laking katangahan naman, Ky," komento ko.
Kita kasi ang cleavage ni Kyra dahil nakadukwang siya and Kuya being a man and a gentle. Kaya ayun, pero alam kong hiyang-hiya 'yan si Kyra. Hindi maikakailang malaki ang hinaharap ni Ky, mas malaki pa sa'kin. Pero hoy, mas namomoblema siya kapag naglalaro kami ng basketball.
Hassle.
Lumingon ako kay Kuya and he's looking straight to the road. "Get i n," aniya na diretso pa rin ang tingin.
Nakita ko sa rearview mirror si Ky. Parang nawala ang kakwelahan ng isang 'to. I looked back to kuya when he started the engine. Tahimik lang siya, as usual ano pa bang bago?
But the unusual thing is, namumula ang tainga niya.
KINABUKASAN syempre maaga akong pumasok and that is miracle. But I can say, miracles happen when you have reasons.
Ano daw? Magulo ba? Leche! Basta gusto ko si babyboo, ‘yon ang di magulo at malinaw pa sa mineral water na nag-undergo ng 24 stages of water filtration, purification at distillation.
"Ayan, taas ng kaunti bakla!" sigaw ko kay Mandy.
Kinakabit niya ‘yong tarpaulin sa HRM building at syempre maraming nang-aasar at nagbubulungan kesyo daw masyado na raw nakakahiya ang ginagawa ko, nawawala na raw and diwa ng p********e ko, masyado na raw akong desperada...
at masyado na akong maganda para kainggitan nila. Problema nila diba?
"Chrys! Anjan na siya!" Biglang kumabog ng malakas ang dibdib.
From that statement alone saying he's already here rocks my world. Bigla naman nataranta ang mga kaibigan ko sa pag-aayos. Pagkatapos ay nagsitaguan na rin sila ayon sa plano. Pumunta ako sa gilid habang mahigpit na hinahawakan ang mikropono. Nang makita ko siya ay nakita ko ang pagtataka at pagkagulat sa mukha niya nang makita ang malaking tarpaulin. Huminga ako nang malalim at mas hinigpitan pa ang hawak sa mikropono.
Ano ang iyong pangalan?
Nais kong malaman
At kung may nobya ka na ba?
Sana nama’y wala
Pagsimula ko sa kanta at dahan-dahang lumabas sa kinatataguan ko. Pagkakakita ko sa kanya ay mas trumiple ang pagkabog ng puso ko. Unti-unti akong lumalapit sa kanya habang patuloy pa rin sa pagkanta. Pero di gano’n kalapit, nahihiya pa rin ako. Mas nahihiya ako sa kanya kaysa sa mga estudyante rito. Bah! Kahit tamblingan at sayawan ko pa sila sa gitna ay wala akong pakialam.
O, ang isang katulad mo
Ay ‘di na dapat pang pakawalan
Alam mo ba ‘pag naging tayo
Hinding-hindi na kita bibitawan
Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko akalaing pwede palang ipagsama ang pagtataka, pagkagulat, pagkahiya, at kaunting pagkatuwa sa isang mukha. 'Yan ang itsura niya ngayon eh.
Marami na ring mga estudyante ang nakatingin. Maaga pa naman kaya ‘di pa nag-uumpisa ang mga 1st period.
Matapos ang kanta ay nagsalita ako, syempre handa 'to.
"Mr. Latwick, May knock knock ako," panimula ko.
Hindi pa rin nagbago ang ekspresyon niya. Hindi pa rin ba siya nakapili kung anong ire-react niya? Nakarinig pa ako ng ilang cheers sa paligid.
"Kaya mo 'yan, Chrys! Ready akong tumawa kahit waley yan!" Napalingon ako kung sino 'yon pero wala namang kahina-hinalang sumigaw. Ang bilis ah, at ang galing magpanggap.
"Knock knock," sabi ko.
"Who's there?" he mouthed. Malayo pa kasi ako sa kanya at siya nama'y di rin umaalis sa pwesto niya.
Alanganin pa nga 'yong pagsagot niya na para bang sinasabing, 'Tama ba'ng ginagawa ko?'
"Your crush." Syet. Ako ang babanat, pero ba't ako ang kinikilig? Dapat siya eh!
Nagdugtong ang kilay niya sa pagtataka. Ayan! At least may napili na siyang reaction sa mga binanggit ko kanina.
"Your crush who?" he mouthed again.
"Uhm… ‘di ko narinig..." sabi ko at nilapitan siya.
Oo na, nilapitan ko na talaga. Pero naku naman, ‘yong tuhod ko parang nagra-running man sa kaba. Nanginginig eh. Akala ko nahakot ko na lahat ng lakas ng loob sa buong buhay ko, ‘di pa pala. Dito pa ako titiklop.
Pagkalapit sa kanya'y itinapat ko ang mic sa kanya.
"Uh… your crush who?" aniya.
Nando’n pa rin ang tonong hindi sigurado. Ngumiti ako nang malapad bago sumagot. "Ikaw," sabi ko sabay kindat. Umani naman ako ng hiyawan sa mga estudyanteng nakikiusyoso rito.
"Ayun!"
Puro tukso ang naririnig ko pero may isang tawa ang nangingibabaw. ‘Yong tawang nakakabwisit? ‘Yon bang sasabihan mo nalang ng "Okay na'ko, kaya kong magsaya sa sarili kong joke. ‘Wag ka na tumawa."
Napalingon ako at isang babae na medyo maliit ‘yong tumatawa. Wow! Tawang-tawa ah? Ah hindi, pala medyo maliit. Talagang maliit siya. ‘Di mo aakalaing siya ‘yong tumatawa, dahil buo ‘yong boses para ngang panlalaki eh. Nang ma-realize niyang siya nalang ang tumatawa ay tumigil na siya't sumeryoso.
Sino ba 'to?
"Sabi ko naman sa'yo Chrys, handa akong tumawa," aniya at nagpipigil pa rin ng tawa.
Ah. So siya rin ‘yong sumigaw kanina? Sasagutin ko na sana siya nang sawayin siya ng kasama niya.
"Hoy, Jang! Kakahiya ka!"
"Sus, tara na nga. Ikaw na nga nagmagandang loob, ikaw pa masama," sabi ng Jang at hinila paalis ang sumaway sa kanya.
Wow, so ako pa masama? Walangyang babae ‘yon.
"Sagutin ka sana ni Edrian!" pahabol niyang sigaw.
Edrian? Huh?
Hindi lang ako ang nagulat, kahit pati ‘yong iba ring nanonood. Binalik ko ang tingin sa lalaking nasa harapan ko.
Si Edrian 'to?