Chapter 2

2582 Words
"What?!" Sigaw ni Crater nang magising sa malalakas na katok mula sa labas ng pintuan nito. Asar na asar ang binata sa kung sinumang ang nang-iistorbo ng tulog niya. 's**t! Papatayin ko talaga ang sinumang nang-iistorbo ng tulog ko.' Asar na wika ni Crater na naupo sa kama at ginulo ang buhok. Tumayo na ito sa pagkakahiga. Tinignan nito ang sarili mukhang nakalimutan niyang hubad pala siya mula kagabi dahil sa babaeng katabi nito. Ito ang girlfriend niya ngayong araw, papalitan niya na naman ito mamaya. 'Ah' this is life! YOLO lang! I really enjoy this life of mine.' Nag-inat pa ang binata. "Crater Cresence Night! Open the door now!" Napangiwi si Crater dahil mukhang hindi niya mapapatay ang nasa labas at kumakatok sa pintuan ng silid niya. He rolled his eyes. He pulled his hair, why does she always like this? Bakit hindi niya pabayaan ang lalaki sa ginagawa niya? Kaya nga sila nabuhay upang i-enjoy ang buhay hindi ba? Hindi ang gawin itong kabagot-bagot at walang kuwenta. "Kapag hindi mo ito binuksan Crater.! Gigibain ko ito!" Alpha Crater heard small giggles after what her sister Selene said. 'How great! Nagsama pa talaga may reunion ba kami ng ganito kaaga at ganito din nila kaaga akong bwisitin!' Papasok na sana ang lalaki sa banyo nang may yumakap sa likuran niya. "Honey, balik nalang tayo sa kama." Lambing ng kung sinuman ito kay Crater dahil hindi niya matandaan ang pangalan. Wala naman talaga itong natatandaang pangalan sa mga babaeng dumaan sa kama niya. Imbis na ma-turn-on ang lalaki ay hiniklas nito ang mga kamay ng babae na na yumapos sa likod niya. 'Babae nga naman, naikama lang sila akala nila pakakasalan o may forever na. Forever? Commitment? It's a big NO for me. One thing I enjoy the is that I am sure with or without a mate I will live like this.' He arrogantly told himself. "Get-out! Hindi nakita kailangan dito." Kalmadong sabi ni Crater sa babae at naglakad papasok ng banyo hindi pa man siya nakakapasok ay nagsalita itong muli na ikinainis ng Alpha. "Ganoon nalang ba iyon? Pagkatapos ng nangyari kagabi?" She said. Nilingon ito ni Crater, tanging kumot nalang ang nakatakip sa hubad nitong katawan. Nangunot ang noo ni Crater sa kanya at marahas na hiniklas ang braso nito. maaring magkapasa na ito o kaya ay magdugo dahil sa unti-unting paglabas ng kuko ng binata. Cresence doesn't want what he is doing. Kung siya ay gustong mag-enjoy sa buhay ito naman ang gusto ay makita na ang mate nila. humikbi ang babaeng nasa harapan ni Crater. She is acting again! "Now! Huwag mo ng pilitin pang kaladkarin kita palabas ng kuwarto ko! Lumabas ka na ngayon na!" Sigaw ng lalaki gamit ang kanyang Alpha tone. Nanlaki ang mga mata nito at hindi magkandaugaga sa paglabas ng silid niya. Hindi man lang napasin ng Alpha na dala na nito ang kumot niya at wala itong damit. Hindi na binigyang atensyon ni Crater iyon. bago pa makapasok ang mga kapatid niya ay mabilis siyang pumasok ng banyo para maligo. "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo tigilan mo na iyang pagiging babaero mo kung sinu-sino nalang ang dinadala mo dito sa Pack House mo!" Nag-uumpisa na naman ang bibig nila mamaya magco-chorus na silang dalawa. Now, he knows kung bakit dalawa ang tenga ng isang nilalang para marinig nila ang dalawa bibig na putak nang putak hindi ata wolf ang mga kapatid ni Crater kundi manok. "At ilang beses ko bang ipapaalala sa'yo na may pasok ka ngayon araw! In-enroll na kita sa ayaw at sa gusto mo!" Natigilan si Crater sa winika ni Selene. 'Teka, anong sinasabi ng panganay namin?' Nanlaki ang mga mata ni Crater. 'Darn! Nakalimutan ko sumang-ayon na pala ako at hindi na pala ako makakatanggi lalo pa at si Selene ang may gusto noon kahit ayaw ko.' Napalunok na sabi ni Crater sa sarili. "I'll kill you kapag hindi kapumasok sa eskwelahan! Tandaan mo puputulan kita! Magtino ka na dahil kapag nag kita kayo ng mate mo ganyan ka pa din. I'll tell you makikita mo kung ano ang pinapaalala ni Rose sa'yo araw-araw." He do love his sisters. Ang hindi niya lang gusto ay masyado nilang pinapakialaman ang buhay niya. Kaya na niyang gumawa ng desisyon para sa sarili niya. Alam ni Crater na nag-aalala lang sila sa kanya pero mas gusto niya ang ganitong buhay. Walang pinoproblemang mate na poprotektahan at walang sagabal sa mga iniisip nito. Nag-umpisa nang maligo ang Alpha habang tinitignan ang sarili sa salamin sa banyo. Whole length mirror sinadyaito upang makita ang kabuan niya. 'Mate? No, I prefer to be alone and be myself ayokong maging katulad ni Kuya Dwight at Titus. They look like love-sick puppies just seeing my sisters. Kinikilabutan ako sa kanila at ayaw kong mangyari 'yon.' He said to himself. Kontento na si Crater sa pagiging Alpha at mabuting leader ng Pack. He loves screwing around. "I am disappointed with you Crater. Simula nang pumunta tayo dito sa lupa wala ka ng ginawa kundi ang makipagtalik sa mga babae lalo na at hindi natin mate kapag hindi mo tinigilan 'yan at kapag nakita natin ang mate natin at hindi mo siya tinanggap. I'll swear you will never see me ever!" His wolf shouted at him. Napailing nalang si Crater. 'Eh' 'di huwag siyang lumabas kaya ko naman ang sarili ko kahit walang tulong niya. Nagagamit ko naman ang kapangyarihan ko kahit hindi ako mapalit ng anyo so, why bother?' Pabalang na sagot ni Crater. Hindi naman tumutulong ang wolf niya lalo na kapag natutulog siya kasama ang iba-ibang babae sa kama. sa madaling salita hindi na siya lumalabas ngayon hangga't hindi kailangan ni Crater at hangga't hindi naman importante. Nasa gilid lang ito ng utak niua at nagmumukmok halos magmakaawa na hanapin ang mate nila dahil nalulungkot daw ito palagi siyang bumubulong na nararamdaman daw niya ang kalungkutan ng mate nila. Hindi nalang ito pinapansin ni Crater dahil alam niya sa sarili na hindi niya gustong magkaroon ng mate. "Crater pakiusap, hanapin na natin ang mate natin. She's sad and hurt, she's in pain. Please..." Crater's wolf begged. Wala itong bukambibig kay Crater kundi ang mag-ingay namg mag-ingay sa utak niya o kaya ay kulitin nang kulitin ang binata na hanapin ang nito. Mate niya lang 'yon ni Cresence dahil ayaw naman ni Crater na magkaroon ng mate dahil nais niyang malaya siyang gawin ang gusto niya. "Mate mo lang iyon Cresence, not mine. You know I don:t a mate so back off and shut up!" Sigaw ni Crater sa kanya sa utak nito. The wolf growled at his human side. ‘Why do we have to share the same body and the same thought?’ Crater said scoffing. Cresence isannoying him everytime. Ilang beses niya bang sasabihin sa kanya at ilang beses niyang isisigaw sa wolf niya na ayaw niya ng mate.‘Kung gusto niya siya maghanap ng mate niya, huwag niya akong dinadamay huwag niya akong pinapakialaman tsaka may pasok pa sa eskwelahan mas madaming babae doon.’ Crater told himself again. Mas maraming pagpipilian mas madaming karne sa lansangan. "Sana nga, Cresence! Sana nga, nasa iba nalang ako ipinares pero wala akong magagawa dahil ako ang halimaw ako ang nakatago at ako ang naghahanap ng paraan para makita ang mate ko. Yes, Mate ko lang! Thank you for being honest! If I didn't teach your powers even without shifting! I regret it! I really really regret it! Kung makakaalis lang ako sa katawan na ito, ako ang maghahanap sa mate ko at sana huwag mo itong pagsisihan kung ayaw mong matulad kay Titus Callum dati. Oh' well newsflash, I am one hundread percent sure two times ang babalik ng pagsisi sa’yo. Rose was right, itaga mo pa sa bato pagsisihan mo ang lahat ng ito. Don't ever call my name and asked for help because surely I'll give you a big NO for an answer." Cresence said blocking him out. Crater didn't heard anything from him looks like he totally cut their link. Kung ito ang gusto ng wolf niya so, be it pero alam niyang hindi niya pagsisihan ang ginagawa ngayon dahil masaya siya dito. Kung mahahanap ni Crater ang mate, alam niya namang hindi rin siya sasaya gaya ng mga kapatid dahil ito lang ang hanap ng binata ang pasayahin ang sarili at i-satisfy ito. Noon ay hinahanap niya ang magkaroon ng mate pero binago iyon nang makita kung kapag siya ang nasa posisyon ng mga kapatid niya madali lang siyang magsasawa at madali lang siyang umayaw. Hindi naman kasi Santo sila sa mga babae para luhudan sila at sundin palagi ang gusto nila. They have their own principles and beliefs he rather is alone than being with his mate that will threaten him like a slave na sundin lang ang gusto nito. Pinatay ni Crater na ang shower at lumabas sa banyo ng nakaroba muntik pa siyang madulas nang makitang narito pa ang mga kapatid niya at nakatingin sa kanya ng masama. Buhat-buhat ni Rose ang limang buwan niyang pamangkin na si Rosella Cara na nakakunot din ang noo. Limang buwan palang ’yan pero parang two years old na. Gayang-gaya nito pati ang reaksyon ng kanyang Ina. Nakapamewang si Rose at nakakunot ang noo. Samantalang si Selene naman ay nakatayo lang pero pulang-pula na ang mukha sa inis sa tabi naman nito ay si Vanity na nakatingin sa kanyang Ina at Tiyahin. "Ito ba ang tinuturo mo sa mga pamangkin mo, Crater? Alam mo ba anong sabi ni Deagan noong isang araw!? Alam mo ba?!" Selene’s voice boomed at the four corners of his room. Alam ni Crater na rinig din iyon sa labas ng Pack House o baka abot pa sa dalawang Pack House. Umuusok ang ilong nito sa galit dahil sa salita na binanggit ni Deagan. ‘Aba, malay ko bang nakikinig sila ni Darren sa labas ng kuwarto ko ng mapadaan sila.’ Sarkastikong turan ni Crater sa sarili. "He asked me if what is the word f*ck mean! He's seven years old for Heaven’# sake!" Selene scolded him. Ginaya ni Vanity ang sinabi ng Ina na dinuro-duro ang Tiyuhin dahil sa inis nito. "Deagan is seven years old for chocolate sake, Uncle!" Hindi alam ni Crater kung matatawa siya dahil lahat ng babae sa Pamilya ay narito sa kuwarto niya at sinisermonan siya. ang kanilang Ina nalang ang kulang na hindi niya gugustuhing mangyari. "Sinabi ko naman sa’yo tigilan mo na ang pagdala ng babae dito! Crater! You have your mate wait for her!" Naiintindihan ni Crater si Rose, ayaw nitong mangyari ang nangyari noon pero problema ’yon ng lalaki kung sakali at wala silang kinalaman doon. He didn't oblige them to interfere with his personal life because they have settled on their own now with their husbands. "Yes, you don't obliged us but it's our own free will to interfer with your life dahil ikaw mismo ang sumisira ng kinabukasan mo pero kung ’yan ang gusto mo sige wala na akong magagawa hindi na kita pakikialaman simula ngayon." Nagulat si Crater sa sinabi ni Rose. Mahinahon niyang iniwika ito habang nakatitig sa mga mata ng kapatid. Nakabukas ang sibling’s link nila kaya nabasa ng mga kapatid niya ang iniisip niya. Magsasalita pa sana ang lalaki pero wala na ito ang tanging naiwan nalang ay ang ingay ng lumangitngit ng pintuang binagsak nito. Dali-daling umalis si Rose habang buhat-buhat ang anak nito. He was speechless. Ngayon lang nagtampo ng ganito ang kapatid niya, iba noong una. "You're selfish jerk Crater, hindi ko aakalaing magiging ganyan ka. Hindi ko aakalaing hindi ka na marunong rumespeto sa kababaihan gaya ng sabi ni Rose kung ’yan ang gusto mo at kung magpapasaya sa'yo ang desisyon mo na kahit kailan ay hindi namin susuportahan wala kaming magagawa. Huwag na huwag ka lang hihingi ng tulong sa amin lalo na aa bagay na iyan." Walang emosyong wika ni Selene. Hinawakan nito ang kamay ni Vanity at nag martsa din sila papalabas huminto pa siya sa mismong pintuan ni Crater at nilingon ito. "Sana masaya ka sa pinili mo huwag mo sanang pagsisihan ngayon palang sinasabi ko. If and I will meet your mate I will do anything on my power to protect her from you lalo na sa p*******t mo damdamin niya kahit wala pa man siya." Natigilan si Crater sa mga sinabi ng mga kapatid pero hindi niya kaya ang pinapaggawa nila. Hindi niya kayanh iwan ang bagay na iti kung ito ang gusto nila, bahala sila. ‘Bakit hindi nalang kaya nila ako suportahan kaysa naman kung anu-ano ang sinasabi nila, supportive ng mga kapatid ko masyado.’ Aniya. Napailing nalang si Crater sa kanila at nagbihis kung hindi lang required ng Council na mag-aral ulit ang mga Alpha na wala pang mate hindi niya gagawin ito mas malakas pa naman sila kaysa sa kanila. They are considered the Royal family in Werewolf world dahil mga anak sila ng Moon Goddess pero pinapalabas ata ng mga ’yon na batas nila ang dapat na sundin, hindi yata nila nakikitang sa isang kisap mata lang pwede silang patayin ng mga aeons. But, as usual, Rose and Selene don't want to interfere in Werewolf Authority kahit na sila dapat ang sumusunod sa kanila. Inayos ni Crater ang sarili at kinuha ang susi ng Lamborghini niya. This car is his baby. Ayaw na ayaw niya itong pinasasakyan sa iba o pagasgasan man lang. Kahit mga babae niya hindi niya pinapasakay dito dahil iba ang dala-dala niya kapag nambabae siya. Moderno na ang panahon ngayon kaya may dala-dala na silang cellphone kung saka-sakali mang hindi siya makapasok sa mga isip nila. Privacy kumbaga kinuha niya na ang schedule sa eskwelahang papasukan. Mabuti nalang pala at nagawan ng mga kapatid niya ng paraan para makapasok siya sa kolehiyo. Hindi naman kasi ito dumaan sa elementarya at sekondarya pero alam niya namang matalino siya kahit wala ang mga ’yon madali lang siyang nakakasabay at madali niya lang natutunan ang mga bagay-bagay. Kinuha ni Crater ang leather jacker at sinarhan na ang kuwarto papuntang garahe. Napailing na lamang ang binata habang sumasakay ng kotse at agad na pinahaharurot papuntang eskwelahang pinag-enroll-an nila sa kanya. Base sa larawan malaki ang Unibersidad at marami ding mga mag-aaral. Madali lang naman ding puntahan dahil on the way lang ito. Isa ito sa mga eskwelahang nakatayo sa mga liblib na lugar ngunit napakataas ng standards at alam niya kung bakit dahil ang iba dito ay katulad nila o ’di kaya’y ibang mga nilalang. Inihinto ng Alpha ang sasakyan at ipinark ito. Lumabas ang lalaki sa kotse. Nakatingin sa kanya ang lahat ganyan talaga kapag malakas ang appeal, pumasok siya sa malaking gate. Ladies are staring at him drooling while boys are glaring at him. Hindi sila pinansin ng Alpha habang dumadaan ay diretso ito sa mga locker. He smells something intoxicating he saw the crowd laughing at the girl na kakatayo lang kinuha nito ang mga gamit niya na nahulog sa sahig at dali-daling nalakad. ‘Siya 'yon! Sa kanya galing ang scent.’ He is curious and about to run after her but some slut stop him. "Hey, baby let's have some fun." She said at naglambitin agad sa leeg niya. Hindi pa nga nag-uumpisa ang klase meron na agad. He agreed with himself! This is really great!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD