Chapter 6

2349 Words
‘Saan na ang susundo sa akin? Kanina pa ako nakatayo dito sa harap ng entrance ng London Airport ang sakit-sakit na ng mga paa ko.’ Kausap ni Everdeen sa sarili niya. Tinawagan nito si Adam kanina at sinabihan na lumapag na ang eroplanong sinakyan niya at sinabing dalawang-oras na siyang nag-aantay sa sundo niya na nag-e-enjoy atang maglakwatsa. Panay din ang tinginbjiya sa relo upang tignan ang oras. ‘Goodness! Magla-lunch na pero wala pa din ang sundo ko may plano ata siyang gutumin ako. Alam kong hindi niya ako priority sana man lang nagpadala siya ng ibang susundo sa akin hindi ko pa naman kabisado ang kalye ng London dahil ngayon lang naman ako nakapunta dito. Kung wala naman akong iniiwasan sa Pilipinas hindi ako pupunta rito pero okay na rin ito atleast wala akong makikitang Crater sa harapan ko na sinasaktan ako.’ Wala itong ibang makausap kundi ang sarili nito. Walang Crater, walang sakit. Sana pala noon pa niya ito ginawa noong una palang na pagtanggi nito sa bond na itinadhana sa kanila ng Moon Goddess para kahit papano hindi niya pa maalala ang mga pangyayaring kasama nitobang mga babae niya habang naghahalikan at nakikipagtalik. Kung sana ay kinonsidera nalang nito ang sinabing i-reject siya kahit masakit tatanggapin niya kahit na mangugulila siya tatanggapin niya. She knows what her fate is no need to elaborate it just to hurt her more. She is tired of him hurting her uneccessarily. Walang ibang ginawa ang tadhana dahil ito ang nagpares sa lalaki at sa kanya bilang magkabiyak. Hindi pinili ni Everdeen ang buhay na meron siya ngayon kaya nga siya umalis dahil susubukan niyang ayusin ang sarili niya. Susubukan ni Everdeen na palakasin ang sarili niya habang nag-aaral at trabaho. Ang problema nga lang wala pa ang sundo niya. ‘Konting-tiis nalang tiyan huwag ka munang mag-alburuto diyan nakakahiya sa mga taong dumadaan isipin palang nila wala kang pera pang kain.’ Aniya sa sarili. Sa totoo lang lahat ng perang meron siya ay dineposito ni Adam sa isang bangko sa Pilipinas na konektado rito sa London at kahit saang panig ng bansa. Ang problema ni Everdeen wala siyang alam na kainan rito. Nakakahiya na itong tiyan niya bumuntong-hininga siya kailangan niya na talagang kumain. Maglalakad na sana si Everdeen nang may kamay na humablot sa braso niya.  She saw a lady in her mid-twenties, she had red-jet black hair hanging on her waist, she had an oval shape face, pale skin, and red lips. In short, a barbie rebel! She's hot and sexy. Nakakatibo ito. Everdeen jaw-dropped an image of a Greek Goddess is in front of her. She pinched her cheeks so, she should know if this is real. Nanlaki ang mga mata ng dalaga. This is really real. Anong ginagawa ng isang Dyosa sa harapan niya? "Mukha kang tanga, alam kong Dyosa ako pero huwag mo namang ipahalata tulo na ang laway mo." She said playfully. Pinahiran ni Everdeen ang labi.  Only to find out na wala naman palang laway na tumulo. She pouted.  Pinaglalaruan siya ng Dyosa. She laughed and pinched Deen's two cheeks. Namula ang dalaga sa ginawa nito. "You're so cute! Adam was right! You really are gorgeous!" Bulalas nito. ‘Jusme! Akala ko maypagkamaldita siya isip-bata din pala. Ang sakit ng pisngi ko.’ Naiiyak na sabi ni Deen sa loob-loob niya. "So, ikaw po ba anng kaibigan ni Kuya Adam?" Deen asked her. Labag man sa kalooban ni Everdeen kailangan niyang magpanggap bilang nakababatang kapatid ni Adam at palabasing bampira rin siya. Tinaasan siya ng kilay ng babae.  Napangiwi si Everdeen dahil tila ayaw ng babae sa kanya. Kailangan niya bang maghanap ng ibang matitirhan? Napayuko si Everdeen dahil wala siyang makuhang sagot sa kanya. ‘I hate you Adam! Sabi ng samahan mo muna ako dito tignan mo ayaw pa yata ng kaibigan mo sa akin.’ She said to herself. "Don't worry, alam ko naman ang sitwasyon mo hindi kita tatanggapin dito kung hindi ko alam ang nangyari sayo talagang nakyukyutan lang ako sayo. Ang sarap pisilin ng matambok mong mga pisngi." Nag-uumpisa na naman ang babae na imurder ang pisngi iiya. ‘Salamat naman akala ko hindi niya ako gusto.’ Magsasalita na ulit sana si Everdeen nang biglang tumunog ang tiyan niya. Nanlaki ang mga mata Niya, lamunin na sana siya ng lupa dahil sa kahihiyan. Napangisi ang babaeng sumundo sa kamya at siya naman ay muling napayuko dahil nakakahiya talaga ang ginagawa ng tiyan niya. "Hey, I am sorry dahil tuloy sa akin nalipasan ka ng gutom pasensya na may nangyari lang kasi habang nasa daan ako. Sorry talaga huwag kang yumuko nababawasan ang kakyutan mo," sabi nito kay Everdeen at itinaas ang baba nito. She's looking at her intently like she is her sister that she wanted to protect. Nangilid ang luha ni Deen dahil sa emosyong nakikita niya sa mga mata nito. She knows how to interpret's anyone's emotion and when she saw her eyes, Deen read them. Hindi napigilan ng babae ang sarili na napaiyak. Ito at si Adam ang nagparamdam sa kanya na may pamilya siya. "Hala, uy! Huwag kang umiyak! Gutom ka na ba talaga at naiiyak ka na sa gutom?" Nag-aalala nitong sabi sa kay Everdeen. Umiling siya at bigla nalang niyakap ang kaharap kahit pa narito pa sila sa harapan ng Airport at talagang dito nya pa pinili magdrama. Hinagod-hagod nito ang likod ni Deen habang umiiyak siya sa balikat niya. "Thank you! Thank you! Thank you! You and Adam made me feel that I am not alone." Humihikbing sabi ni Everdeen sa babae. She didn't said anything. Pnakingga niya lang ang mga sinasabi ni Everdeen. Parang binalik ng tadhana ang dalawa niyang kapatid na namatay sa katauhan nilang dalawa. She is thankful. Kahit na anong nangyari sa nakaraan may mga bagay palang maganda pa din sa kasalukuyan dahil may mga tao pa ring papahalagahan siya. Ika nga nila, mas mabuti pang magtiwala sa estranghero kaysa sa kilalang tao nasa loob pala ang kulo. "Ito naman it's okay. Lahat naman tayo dumadaan sa ganyan huwag kang mag-alala poprotektahan ka namin ni Adam sa abot ng aming makakaya. Ako nga pala si Paris Patience Leech. Gamit ko din ang apilyedo ng ugok dahil katulad mo may tinatakasan din ako." Pakilala nito sa sarili. Alam naman ni Deen bawat tao ay may tinatagong sekreto at hindi na siya magtatanong kung ano ang sinasabi nito. Alam niya namang sasabihin niya din iyon kapag may pagkakataon. Dee  smiled widely at her and nodded. "I am Everdeen Blaire Woods and now Leech because of Adam's advice." Pakilala din ni Everdeen sa kanya sabay abot ng kamay upang makipag-handshake pero hindi iyon ang nangyari dahil hinila nito ang kamay ni Deen at niyakap siya ulit nang mahigpit na mahigpit. Papatayin nito ba ang dalaga suffocation? She's a walking hugging monster! "Paris! You're killing me!" Nabulunan si Everdeen sa sarili niyang laway dahil sa sinabi nito sa kanya. Grabe ang babaeng ito, akala niya matagal pa sila bago magkasundo pero heto ang babae at si Everdeen ilang minuto lang nagkakilala at komportable na sa isa't-isa. Humiwalay ito sa kanya at humingi ng pasensya nang tumunog na naman ang tiyan niya. Ngumuso si Everdeen. "Halika na nga, pakainin na natin yang halimaw mo sa tiyan reklamo ng reklamo." Anito at humalakhak pa. Mas lalong ngumuso ang dalaga. Bakit ang dali niya lang maging komportable sa kanya tsaka ang bilis nilang maging close. Napapakita  tuloy ang childish side ni Everdeen. Hinila nalang ni Everdeen ang maleta habang hila-hila ni Patience ang kamay ng dalaga. Nakarating sila sa isang itim na Camaro. Pagkakita na pagkakita ni Everdeen rito ay kulang na lamang ay paghahalikan niya ang kotse. This is her dream car! "So, you like Camaro huh?" Everdeen nodded eagerly. Itinuloy niya ang pagtingin sa kotse nang mapagpasyahan ni Paris na kailangan na nilang kumain. Hindi pa siya tapos sa pagtingin sa kotse pero dahil sasakay din sila dito ay pumayag na siya. She is definitely in London! She will start her new life here with Paris Patience Leech. Anuman ang mangyari alam niyang hindi siya pababayaan ng dalawang bampirang pinagkakatiwalaan niya. Oo nga at mga bampira ang pumatay sa kanyang mga magulang pero hindi naman ibig sabihin noon lahat na sila masasama. There are good and bad things in this world all they need to do is to find out who it is. Mukhang napansin ni Paris ang pananahimik ni Everdeen kaya pinabayaan niya na lamang siya nito. Mag-a-adjust siya sa lugar na ito malayo sa mga masasalimuot na bagay na nangyari sa kanya sa Pilpinas at sa mga taong nanakit sa kanya. Hindi niya hinihiling na makarma si Crater o masaktan ito. Ang tanging gusto niya lang ay pagsisihan nito kung ano ang pinakawalan niya. She will prove to him that she certainly not what he thinks she is. "Everdeen, may I know what's the bastard's name?" Out of the blue na tanong ni Patience. Yes, she knows her situation but sa parteng ’yon hindi niya kayang sabihin. The wound is still fresh in her heart and soul. Kapag handa na siya pwede niya nang sabihin sa kanya pero hindi muna ngayon. There are words that she shouldn't tell not because she is afraid but she isn't ready yet. Sasabihin niya din sa kanya kapag pwede na kapag okay na pero ngayon? Hindi pa. "Can we not talked this Paris? I am not ready. Maybe, if I am okay. I'll tell you." Everdeen knows she does understand her. Maisip lang ni Everdeen ang pangalan nito ay bumabalik ang sakit na dulot nito sa kanya tila ba ngayon lamang siya nabigo sa isang bagay na dapat sana ay kaya niyang gawin ngunit hindi naman pala. Mga bagay na hindi kayang ipagpilitin o gawing imposible man lang lalo na at ayaw ng isang panig. "Kung ito ang gusto mo Everdeen hindi kita pipilitin pero lagi mong tatandaan narito lang ako lagi sa tabi mo." Lingon nito sandali sa kanya habang ang isang kamay ay nasa manibela ng sasakyan at ang isa ay ginapgap ang isang palad ni Everdeen. Vampires don't have felt as they said but talking to this wonderful woman beside her, they are wrong. She knows they have emotions. She doesn't believe vampires are emotionless creatures. They have beloveds and they love their beloveds that are proof they have feelings just like other living things. Naniniwala siyang lahat ng bagay sa mundo ay may pakiramdam hindi naman sila binuhay kung wala silang pakinabang. "Everdeen, my ability is to read mind and manipulate things a rare ability of a Vampire. You see, I read your mind but I couldn't enter on it. I am being honest and I did was wrong for your privacy. I am a clever Vampire you know. Mahilig talaga akong makialam kaya ihanda muna ang sarili mo doon. Mahilig din akong man-trip at dahil ikaw ang kasama ko at hindi ang matalik kong kaibigan na si Rose. You will be my pakner-in-crime!" She exclaimed excitedly. Deen gulped twice with she said. She is good girl kailanman ay hindi siya nasangkot sa kahit na anong kalokohan mukhang ngayon pa lang. ‘Dear Lord, anong klaseng bampira po itong sinamahan ko parang gusto ko ng bawiin ang sinabi ko kanina.’ Aniya sa sarili. Ang nakapagtataka lang bakit hindi niya mabasa ang nilalaman ng utak ni Everdeen gayong wala naman siyang ginagawang kakaiba? "ANG sarap naman ng pasta nila dito, Paris! Mukhang ito ang kakaadikan ko at babalik-balikan ko dito sa restaurant na ito." Sabi ni Everdeen sa kasama na ngumunguya ganoon din naman si Paris na panay lang ang tango sa kanya. ‘Sorry naman, taong-gubat here minsan lang ako nakakatikim ng masasarap na pagkain minsan kasi puro instant lang ang kinakain ko buong araw minsan din gulay nalang palagi nagmumukha na ako hayop kakain ng gulay.’ Sabi nito sa sarili habang kumakain. Simula nang mamatay ang pamilya niya ngayon palang ulit siya nakakain ng matino at ang kauna-unahan pa talaga ay ang paborito niyang spaghetti with meatballs na kinakain niya noong bata pa siya. Ang kanyang Ina ay may espesyal na recipe ng spaghetti at hindi siya kumakain hangga't ’di niya niluluto iyon. Malaman niya lang talaga kung sino ang pumatay sa kanila siya mismo ang maghahanap sa kanila at maghihiganti ngunit mukha lang ang kilala niya sa mga 'yon at isang palatandaan lang at wala ng iba. "Sabi ni Adam, graduate ka na daw totoo ba ’yon?" Tanong nito sa dalaga.  Tumango-tango suya at dinidilaan ang kutsara ng ice cream na dessert nilang dalawa. Ito ang kauna-unahang niyang pagkain ulit ng ice cream.  Napakasaya niya para siyang bumalik sa pagkabata dahil sa nangyayari sa kanya ngayon. "You must be genuis! Lokong Adam ito ginawa pa akong baby-sitter ng genuis paduduguin niya ata ang ilong ko." She whispered. Akala niya ni Patience hindi iyon narinig ni Everdeen. She shrugged and continue licking her ice cream. Bahala siya kung anong gagawin niya diyan basta pupunuin niya na muna ang belly. She will certainly eat all these foods. Order nang pang osang barangay yata ang inorder ni Patience pambawi daw sa pagkaka-late nito kanina. Malilimutan niya din iyon rito kahit na papano. "Looks who's here! The Clever Patience! And she was accompanied by this weakling." Napatigil silang dalawa ni Paris sa pagkain nilingon nila ang nagsalita. She gasped, behind them is five freaking bad Vampires! Nakakatakot ang itsura nila. Kampante lang na kumakain itong nasa harapan ni Everdeen habang siya nanginginig na sa takot akmang hahawakan si Deen ng isa nang matamaan ang kamay niya ng maliit na kutsilyo. Napatalon si Everdeen sa gulat at napunta sa likod ni Paris na nakatayo at nakapamewang mas nakakatakot si Paris kaysa sa kanila panigurado iyon! Walang emosyon ang mukha nito at napakklamig ng presensyang nararamdaman ni Everdeen sa kanya mabuti nalang naka-jacket siya. Nanlaki ang mata ng mga bampira sa harapan nila nang sumigaw si Paris ng nakakakilabot. "Don't you ever touch Adam Leech's sister or you will be dead rat!"  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD