"Ang nakakainis lang... siya ang inisip kong dahilan kung bakit hindi na ako binalikan ng lalaking iyon." Tahimik na nakinig si Nyxie. Hindi muna ito nagsalita. Hanggang sa... Mahina nitong sinabi, "Sinubukan mo bang hingiin ang paliwanag niya baka meron nga dahilan na mas malalim hindi lang natin alam." Na alala ni Aphrodite may sinasabi ito na nakinig ito sa ibang tao, hinayaan nitong saklawan ang judgement nito. Sino kaya ang nakausap nito? Pero ano pang sense para alamin pa niya. Nasaktan na siya hindi na mababawi ang mga naramdaman niya. Mali pa rin ito sana inalaman muna nito, sana tumawag muna ito kahit murahin lang siya mas okay yun kesa nawala nalang ito bigla. Napatingin si Aphrodite sa screen. "Para ano pa? Hayaaan na." "Kailangan mong pakinggan ang side niya." "Bakit?" "

