Paulit-ulit na tunog ng heart monitor ang unang bumungad sa pandinig ni Vance. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata. Puting kisame. Malamig na ilaw, amoy alcohol. May dextrose na nakakabit sa kaliwang kamay niya. Napakurap siya nang ilang ulit bago marahang napahawak sa sentido niya. "Ugh..." Para bang may marching band na nagko-concert sa loob ng ulo niya. Kasabay noon ay bumukas ang pinto ng pribadong silid. "He's awake." Mabilis na lumapit ang isang doktor kasama ang dalawang nurse. "Good morning, Mr. Wertheimer." Bahagyang napakunot-noo si Vance. "Morning?" morning na pala? saka lang napansin ni Vance ang maliwanag na sinag ng bintana. "Can you tell me your full name?" "Vance Asher Wertheimer." "Current date?" Nasabi niya iyon nang tama. "Do you know where you are?" "Hospit

