Chapter 10

1431 Words
Pagkatapos magsalita ni mMenandron g aswang ay lumipad na ito pabalik sa kaharian nito alam niyang dina babalik si rufo dahil malaki ang sugat nitong natamo sa kanilang labanan kanina,pero hindi niya ma siguro kung di nito babalikan si Leandro pagmagaling na ito. Dahil alam niyang wala pang pinalagpas ang pinsan niya sa lahat ng naging biktima nito,si Rufo ang pinaka walang puso na lahi ng mga aswang papatay ito kung sino ang gugustuhin. lalo na kung nabitin ito. Nakita nina norma at leandro ang paglipad ng aswang palayo sa kanilang pinagtataguan,agad-agad silang lumabas sa mayabong na puno na nagsilbing taguan nila sa dalawang aswang na naglaban. Napakalaki ng kanyang katanungan sa isip sa sinabi ng aswang na nagligtas sa kanila,tiningnan niya ang asawang si Norma halos hindi ito makatingin sa kanya. isang katanungan?na hanggang ngayon ume-echo parin sa kanyang pandinig ang sinasabi ng aswang na anak nito ang kakapanganak pa lamang na sanggol. Paano nangyari yun? Bakit?nagkaroon ito ng anak sa kanyang asawa?ibig sabihin hindi siya ang ama ni Aurea? tinulungan ni leandro na makatayo si Norma,upang makauwi agad sila sa bahay,hindi sila ligtas sa gitna ng kagubatan. Gusto narin niyang malaman ang Totoo!, nagpatiuna ng lumakad pabalik ng bahay si Norma di niya kayang salubungin ang matiim na titig ng kanyang asawa, ito na siguro ang panahon na malaman nitong may humalili sa kanya noong pumunta ito sa pinagtatrabahuan,pagkatapos ng kanilang kasal. Na ang hari ng mga aswang na si Menandro ay malaki ang pagkakagusto sa kanya,kaya sinamantala nito ang pagkakataon na wala si Leandro. pagdating nila sa bahay ay ,agad nagsalita si Leandro habang si Norma ay nakaupo hawak ang bata. Mahimbing na natutulog si Aurea,kani-kanina lamang ay ang lakas ng iyak nito,parang may isip na ang anak niya samantalang kakapanganak pa lamang niya ito. Talagang anak ito ni Menandro,kuha nito ang matangos na ilong ng ama at ang mukha nitong tulad ng sa kanya. Pinaliwanag ni norma ang lahat ng nangyari kay Leandro noon hanggang ngayon ay binibisita parin siya ni Menandro. Dahil sa anak nito,gutong maiyak ni Leandro sa harap ng asawang si Norma imbes na magalit ay naawa siya rito,kung hindi niya lamang inuna ang kanyang trabaho di sana nangyari sa kanyang asawa ang maangkin ng aswang. ngayon Leandro na alam muna,na hindi mo anak si Aurea! Namumuhi kaba sa akin? Gusto ng maiyak ni norma sa harap ni Leandro natatakot siyang iwan nito dahil mismong ang anak niya ay lahi ng mga kumikitil ng buhay,iisipin pa lamang ni Norma na gagawin ni Aurea ang katulad ng ginawa ng mga angkan nito ay para ng dinudurog ang puso niya sa awa. ang akala ni Norma ay magagalit sa kanya si Leandro pero hindi niyakap siya nito at pinapatahan , huwag kana umiyak Norma hindi mo kasalanan ang lahat ng nangyari kung may sisihin man ako iyon! Dahil iniwan kita rito na nag-iisa. Pero leandro anak ng aswang si Aurea,matatanggap mo rin ba ang anak ko?kahit na hindi mo ito kadugo? imbes na magalit ay isang mahigpit na yakap ang ginawa ni Leandro sa asawa,sabay sabing,alam mong mahal na mahal kitaa Norma kaya kung sino ang mahalaga sayo ay mahalaga narin sa akin. Sabay nating palakihin si Aurea ituturo natin sa kanya ang kautusan ng dios na huwag pumatay ng tao. bubusugin natin siya ng ating pagmamahal,upang di niya tularan ang kanyang ama. Sa tuwa ni norma ay sinuklian niya ang yakap ng kanyang asawa napakabait nito sa kanya. Samantala kabaliktaran sa sinabi ni Menandro si Rufo ay nasa himpapawid kahit na may sugat ito ay tuloy parin sa paghahanap ng mabibiktima,gutom na gutom ito dahil naudlot ang ang pagkain nito at pagsipsip sa dugo ni leandro dahil ang pinsan nitons si Menandro. Kaya ibinunton niya sa lalaking lasing na nakita na pasuray suray sa paglalakad sa daan,walang awa niyang binutasan ang tiyan at dibdib ng lalaki. Ibinalot ni Rufo sa damit nito ang laman loob at puso ng lasing na lalaki upang maging hapunan pagkatapos ay sinipsip niya ang dugo nito hanggang sa mangisay at wala ng buhay ang lalaking naging biktima ni Rufo. Nanumbalik ang lakas nito ng makuha lahat ng dugo sa lalaking lasing. Walang puso at hayok sa laman loob ng tao ang pinsan ni Menandro na si Rufo,namumula ang mata nito at ang bibig ay may bahid ng preskong dugo may ngiti sa labing lumipad si Rufo na dala ang nakuhang laman loob ng lasing na lalaki. Nang dahil sa nalaman ni Leandro ang katotohanan ay minabuti nilang lumuwas ng maynila kasama ang sanggol na si aurea,kahit di niya anak ito ay ituturing niyang kanyang dugo't-laman. itinuloy nila ang pag-alis ng asawa niyang si norma sa umaga,upang hindi malaman ni menandro na aalis sila at dadalhin nila ang anak nito "pumayag naman si Norma sa desisyon ni Leandro mas maganda nga sa maynila. hindi sila madaling mahanap ng hari ng mga aswang pati na si rufo na gustong patayin si Aurea dahil natatakot itong balang-araw ay ito ang papatay sa kanya,ayon narin sa nakasaad sa librong itim ng mg aswang." "alam ni Norma na hindi madali ang kanilang pag-alis s baryo mapayapa dahil hindi lang ang anak niyang si Aurea ang hahanapin ni Menandro kundi pati siya at inaamin niyang may maliit na espasyo sa kanyang puso si menandro. Natutunan narin niya itong mahalin sa maikli nilang pagsasama. nalulungkot si norma nasanay narin kasi siya sa presensiya ni menandro,pero mas mahal niya ang kanyang pamilya kaya luluwas sila ng maynila,magpakalayo-layo upang di sila matunton ni menandro o kahit sino pa mang aswang na gustong kunin si Aurea. tila pumanig sa kanila ang panahon,nakaalis sila sa baryo mapayapa na walang Menandro o Rufo ang nag-aabang sa kanila,nasisiguro kasi nilang bandang hapon pa yun magigising kaya sinamantala nila ang pagkakataon. "pagdating sa maynila ay agad na naghanap ng trabaho si Leandro dahil iniwan niya dati ang pinagtatrabahuan sa kadahilanan na nagbuntis ang asawa na inaakala niyang sa kanya ang dinadala ni norma. ****************** ****** Samantala sa kaharian ng mga aswang ay halos di na magpakita ang mga alagad ni menandro sa kanilang pinuno,dahil sa nagwawala ito nang malaman na wala na sa baryo nila sina norma at Lendro . ang masaklap ay inilayo pa nito ang kanyang prinsesa na si Aurea, sumigaw ng napakalas si Menandro na halos ikalindol ng kanilang kaharian. "Normaaaaaaaaa.........!!!!" hahanapin ko kayo kahit saan pa kayo magtago ni leandro at si Aurea kukunin ko siya sayo!hinagpis ni menandro at sa kauna-unahang pagkakataon ay tumulo ang luha sa kanyang mga mata,sobrang sakit ang kanyang nadarama sa mga oras na yun gusto niyang pumatay ng tao. "mahal na mahal kita Norma at ng anak natin,pinabayaan kitang mamuhay kasama si Leandro pero ang hindi ko mapapalampas ay ang paglayo mo sa anak natin. Hahanapin ko kayo norma at alam ko naramdaman ng anak ko ang aking pag-iyak dahil iisa lamang kami ng puso at kapangyarihan. sa maynila naman sa loob ng tahanan nina norma nagulat nalang ito ng biglang umiyak ng napakalakas si aurea hindi naman ito gutom ka dede lang nito. Biglang kinabahan si Norma ganun din ang iyak ni aurea noong kinukuha ito ni Rufo nagpasaklolo ito sa kanyang ama. sa maynila naman sa loob ng tahanan nina norma nagulat nalang ito ng biglang umiyak ng napakalakas si Aurea hindi naman ito gutom ka dede lang nito. Biglang kinabahan si norma ganun din ang iyak ni Aurea noong kinukuha ito ni Rufo nagpasaklolo ito sa kanyang ama. Dios ko po!huwag naman sanang nasundan kami ni Menandro,tahimi na ang buhay namin,wag naman po sana dalangin ni norma. ******************************** pagkalipas ng limang taon ay,malaki na si aurea,parang hindi lamang 5 taon ang edad nito dahil sa malaking bulas ito kaysa ikumpara sa mga batang kaedad ng bata,hindi kakitaan ito ng pag-uugali ng mga aswang pero lumaki itong nagiging kamukha ng ama na si Menandro. katulad ngayon kagagaling lang nito ng school,nakangiting humalik si Aurea sa ina,pagkatapos ay nagtanung ito "Mama,bakit sa school namin lagi nila akong tinatanong ama ko raw si papa Leandro? Ha?bakit nila naitanong Aurea?siyempre siya ang iyong ama,bakit sino ba nagtanong sayo ng ganyan? Yung kaklase ko po at yung yaya niya,di raw kami magkamukha ni papa Leandro ang layo daw , Ma?anak niyo ba talaga ako?kung anak niyo ako?si papa Leandro ba talaga ang tunay kung ama? Tanong ng inosenteng bata na si aurea sa kanyang inan na hindi makapagsalita,sa tinanong ng anak!bakit nakapagtanong ng ganun ang isang batang 5 taong gulang?dahil ba sa hindi ito ordinaryong tao,dahi ito ang prinsesa ng mga aswang. Dumating na ang araw na kinatatakutan ni Norma ang pagkikita nilang mili ni menandro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD