CHAPTER 9
Gaya ng napag-usapan nila ng asawang si Leandro ay iniligpit ni norma ang kanilang mga gamit,hindi na sila mag-aaksaya ng panahon dahil marami ng mga aswang ang nakatira sa kanilang baryo.
Oo,nga't alam niyang hindi siya magagalaw ni menandro dahil mahal siya nito at ang kanilang anak na si Aurea.
pero di nila puwedeng ipagsapalaran ang kanilang buhay sa lugar ng baryo mapayapa na ngayon ay naging pugad na ng mga aswang.
Isa na dito si menandro,na pinuno ng mga aswang na ama rin ng kanyang anak!.
"malapit nang mag ala-sais ng gabi ay tumulak papuntang bayan ang mag-asawa,walang kaalam-alam si Menandro na aalis ng baryo mapayapa ang mahal niyang si Norma kasama ang anak nila dahil abala ito sa pakikipagpulong sa mga alagad nito.
Dahil gusto nilang madakip ang pinsan niyang si rufo,ang traidor niyang pinsan.
samantala mabilis ang ginawang hakbang ng mag-asawa sa paglakad nasa gitna sila ng kagubatan.
Bago paman makarating sa daan upang doon maghintay ng masasakyan patungo sa bayan.
bitbit ni Leandro ang may kalakihang bag na laman ng kanilang mga piling gamit,habang si norma ay kalong ang kapapanganak pa lamang na sanggol.
Naramdaman ng mag-asawa na tila may malakas na pagaspas ng malaking ibon ang nakasunod sa kanila.
Si Rufo,naglalaway ito habang nakatitig sa bat na hawak ni Norma.
namumula ang mata at labas ang matutulis na pangil nito.
Kinakabahan ang mag-asawa alam nilang hindi ordinaryong nilalang ang sumusunod sa kanila hanggang sa may humawak sa balikat ni leandro at nang tingnan nila ito
isang nakakatakot na mukha ang bumungad sa kanila halos hindi na ito makilala dahil sa panget n itong mukha.
nanginginig ang buong katawan ni Norma ng unti-unting iniharap nito ang asawa niyang si Leandro. ang nakakatakot na aswang sa kanilang harapan ay mas lalong natatakam ito sa dugo ng tao,tila nahipnotismo silang mag-asawa sa kinatatayuan.
Hindi nila maigalaw ang kanilang mga katawan,hanggang pilit kinukuha ni rufo kay norma ang sanggol na siyang naging daan upang umiyak ito ng napakalakas.
Hindi ordinaryong iyak kundi ipinaabot nito sa ama na si Menandro na kailangan nila ng tulong.
nang ayaw ibigay ni Norma ang bata ay binalingan ni rufo si Leandro,hinawakan niya ito sa leeg at itinaas na para bang isang bagay,
samantala sa kaharian ng mga aswang ay ume-echo sa pandinig ni Menandro ang iyak ng sanggol ala niyang si Aurea iyon.
Anak niya ito kaya kahit maliit pa ay nakakadama siya na nasa panganib ang kanyang anak kaya walang inaksayang sandali si Menandro lumipad ito ng napakalakas habang ang mga mata ay pinatalas.
si Rufo naman ay nanggigil kay Leandro kaya mas lalong sinakal niya ito bago sipsipin ang dugo,kahit na nahihirapan ay pilit pinapaalis nito ang asawa at anak.
Norma ,tumakbo kana iligtas mo ang iyong sarili at ang anak natin,alagaan mo siyang mabuti norma.
Ayoko leandro tangis ni norma hindi kita iiwan magkakasama tayong mamatay.hindi ko kakayanin na mawala ka Leandro lumaban ka.malakas na sigaw ni Norma na naging daan upang matuntun sila ni menandro.
nanghihina na talaga si Leandro halos mapugto na ang kanyang hininga sa pagkakasakal ni rufo sa kanya.
Sa di-kalayuan ng kanilang kinaroroonan ay nandoon si menandro galit na galit na nakatingin sa pinsang si Rufo.
Bitiwan mo siya Rufo kung ayaw mong patayin kita ora mismo!utos ni menandro sa kanyang pinsan pero hindi ito nakinig bagkus ay mas lalaong ginalit nito si Menandro.
Hindi kita pinuno mahal kong pinsan kaya huwag mo akong utusan Menandro! Malakas na sigaw nito sa hari ng mga aswang.sa galit ni Menandro ay mabilis niya itong sinugod na siyang ikinabagsak ni Leandro sa lupa.
Nabitiwan siya ni Rufo,kitang-kita nila kung paano maglaban ang dalawang aswang.
tinulungan ni norma ang asawa na makatayo pagkatapos ay nagtago sila sa isang mayabon na puno habang ang dalawang aswang ay wala paring tigil sa pagbuno,parehong malakas ang dalawa.
Hanggang sa bumagsak si Rufo hindi niya kaya ang kapagyarihan ni Menandro,duguan ito at pilit tumayo ng makitang tutuluyan na siya ni Menandro ay sinaboyan niya ito ng lupa na naging dahilan ng kanyang pagtakas pero bago umalis ay nagbanta ito.
Tandaan mo Menandro!mapapasaakin rin ang iyong trono tandaan mo yan pagkuwa'y lumipad na ito palayo sa kanila.
Naiwan namang hawak ni Menandro ang mata at ng makuha ang lupang isinaboy sa kanya ni Rufo ay agad nitong hinanap si Norma.
Norma alam kung nandiyan ka lang sa paligid,ingatan mo ang anak ko!huwag na huwag mong tangkain na ilayo siya sa akin dahil kahit saan kayo magpunta susundan ko parin kayo.
Mangha naman na napatitig si Leandro sa asawa kailangan niyang ipaliwanag ng asawa ang kanyang narinig mula sa aswang na nagligtas sa kanila.