Chapter 8

573 Words
Matagumpay na nanganak si Norma,iniluwal nito ang isang malusog na sanggol babae ito. Kasabay ng pagsilang ng prinsesa ng mga aswang ay ang pighati at lungkot ng isang pamilya sa malagim na sinapit ng asawa nitong buntis. Butas ang tiyan nito wala na ang bata sa sinapupunan ng babae,ilang araw nalang sana ay manganganak na ito. Sa pinagtataguan naman ni rufo ay sarap na sarap ito sa katawan ng bata lalo na ng tuhugin nito ang puso ng sanggol. Mas lalong nadagdagan ang kanyang lakas ng makatikim ng preskong dugo at balat ng tao. Sa kaharian ng mga aswang ay nagbunyi ang lahat ipinanganak na si Aurea ang batang nakasaad sa propesiya na mababasa sa itim na libro ng mga aswang. Habang ang mga alagad ni Menandro ay abala sa pagkain ng kanilang hapunan.si menandro naman ay nasa labas ng tahanan nina norma,saksi ito sa panganganak ng babae at kauna-unahang nakakita siya ng batang iniluwal. Ang lakas ng tahol ng mga aso alam nilang may aswang sa paligid. Pagkatapos malinis ng matanda na nagpaanak kay norma ay lumabas na ito ng silid kasama si Leandro. Naka kita ng pagkakataon si menandro mabilis siyang pumasok sa loob ng silid at dahil may kapangyarihan ito ay madali lang sa kanya ang makalapit sa kinahihigaan ni Norma. Doon ay pinagsawa niya ang kanyang mata sa pagtingin sa kapapanak ng sanggol.hinalikan ni menandro si Norma sa noo tanda ng pasasalamat na iniluwal nito ang kanyang anak.dahil sana'y na si norma sa pabigla-bigla nitong pagsulpot. Kinarga ng aswang ang bata at pinaghahalikan,sobrang saya ang kanyang nararamdaman. Norma,ipangalan mo sa ating anak ay Aurea,siya ang prinsesa ng aking angkan at sa pagsapit ng ikalabing-walong taong gulang ay ganap na siyang aswang., napaiyak si Norma sa narinig ngayon palang naawa na siya sa kanyang anak,lalaki itong hindi normal na tao dahil isa ito sa kinatatakutan ng kanilang tagabaryo isang aswang. Hindi maari menandro lalaking normal ang anak ko,dahil mas mananaig sa kanya ang dugo ko kasya sayo. At hindi ko rin mapapayagan na basta mo nalang siyang kunin sa aking !hindi ako papayag matigas na wika ni norma sa katabing si Menandro. Hindi niya napansin na namumula na ang mata nito,nagalit ito sa narinig mula sa bibig ni Norma,kung di palang malaki ang pag-ibig rito baka isa nato sa nabiktima niya. Huwag mo akong galitin norma!sundin mo ang iniutos ko kung hindi ngayon palang kukunin ko na si Aurea!pagbabanta ni Menandro kay norma,inagaw niya bigla ang bata na hawak ng aswang.baka nga gawin nito ang sinabi ilalayo sa kanya ang walang kamuwang-muwang na bata. Niyakap ito ni Norma para di makuha ni Menandro nanginginig ang tuhod niya sa paiba-ibang mukha nito sa kanyang harapan. Laking pasalamat nito ng marinig ay yabag sa labas ng pinto,bigla namang nawala si Menandro ng maramdaman niya may taong papasok sa loob ng silid. Tandaan mo Norma,AUREA ang ipangalan mo sa anak ko,umecho ito sa loob ng silid. Nagtaka naman si Leandro kung bakit umiiyak ang asawa at mahigpit na niyakap ang bata. Norma ano ang nangyari?takang tanong nito sa asawa. Leandro natatakot ako para sa anak natin,ang dami ng kababalaghan ang nangyayari rito sa lugar natin.umalis na tayo dito at magpakalayo-layo. Mahal ko,marami ng aswang ang nandito sa baryo natin kaya mas mabuti pang lisanin natin ang lugar na ito. Payag naman si leandro sa sinabi ni Norma,oh,sige pagmalakas kana aalis tayo sa baryo na ito. Salamat leandro,tanging nasabi ni Norma sa asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD