Chapter 7

714 Words
Nasaisip parin ni Leandro ang napakalaking katanungan? , ang pag-iwan sa kanya ng 3 aswang na ang akala niya ay hindi na siya aabutan ng buhay ng kanyang asawa. kitang-kita ni Leandro sa mga mata ng 3 aswang na sumalakay sa kanya ang paglalaway sa presko niyang dugo at laman-loob. pero iniwan siya at kahit kunting galos ay di niya naranasan sa mga kampon ng dilim. Isa itong malaking palatandaan sa kanya at kailangan niya ng kasagutan sa lahat ng kanyang mga katanungan. Hindi naman mapakali si Norma sa kinauupuan,alam niyang iniisip parin ni Leandro ang mga nangyayari lalo na ngayong napabalitaan nilang maraming kalalakihan at kababaihan sa kanilang lugar ang nawawala na di matukoy ng mga taga-baryo kung saan nagpunta ang mga ito. Ang iilan ay naniniwalang may kinalaman ang mga aswang sa pagkawala ng mga tao sa lugar nila,napapitlag si Norma ng kumilos ang bata sa loob ng kanyang sinapupunan.ang bilis ng paglaki nito para na siyang manganganak. 7 buwan pa lamang ang kanyang tiyan. Pero ang laki na nito,kasabay ng pagsipa ng bata sa kanyang sinapupunan ang paggawi ng kanyang paningin sa puno ng balete. Kahit papaano nami-miss niya si Menandro. Mabait ito at mapagmahal yun nga lamang isa itong pinuno ng mga aswang. Hindi mahirap mahalin ito,pero nanginginig parin siya sa takot tuwing nasa tabi niya si Menandro. Minsan pang sumilip sa puno ng balete si Norma,wala parin ang ama ng kanyang anak pero laking pagtataka niya kung sino ang lalaking pumalit kay Menandro na kanyang nakikita ngayon sa puno. Iba ang hitsura nito kaysa kay Menandro,mapula ang mga mata nito habang nakatingin sa kanyang tiyan,agad namang tumayo si Norma papasok sa loob ng bahay,nanindig ang balahibo niya sa takot. Samantala magkasalubong ang kilay ni Rufo,pinsan ito ni Menandro at traidor sa pamilyang aswang. Malaki ang galit niya sa huli,dahil ito ang hinirang na hari samantala siya,kanang kamay lamang nito. Kaya tumiwalag at hindi sinunod ni Rufo ang bawat sinasabi ng pinsan niyang si Menandro. Gusto niyang angkinin ang kaharian na hawak ngayon ni Menandro baliktad ang pag-uugali nito sa hari,walang awa kung pumaslang ng tao itong si Rufo. Kawawa ang mga naging biktima nito,at iisa ang nabuo sa kanyang isip,ang patayin si Leandro upang magalit si Norma sa kanyang pinsan na hari ng aswang. Pagnagkataon ay magagalit at ilalayo ni Norma ang anak ni Menandro.upang hindi masunod ang nakasulat sa itim na libro na ang bagong luwal na sanggol ay magiging prinsesa ng mga aswang na tatawaging Aurea kagaya ng pangalang ng kanilang ninuno. Ito ang magtataglay ng lakas ng normal na tao at kapangyarihan ng mga aswang. Tiyak matatalo siya at ang kanyang mga alagad pagnailuwal na ang bata. Nilisan nito ang puno ng balete na may ngeti sa labi dapat mawala si Leandro.natatawang sabi ni Rufo na kung makatawa ay daeg pa ang baliw na tao. Lumipas ang ilang buwan ay araw na ng kapanganakan ni Norma,masyado ng malikot ang bata sa loob ng kanyang tiyan. Nagbunyi ang mga aswang sakto kabilugan na ng buwan,sa kaharian nila ay walang awang pinatay at pinagsipsip ang dugo ng mga bihag. Malakas na iyakan ang maririnig mula sa bibig ng mga biktima. e Ang sakit ng kanilang sinapit ginawa silang pagkain at inumin ng mga hayok sa dugo at laman ng tao. Habang si Rufo ay mag-isang nakaupo sa bubong ng bahay ng mag-asawang nakatira sa karatig lugar ng baryo mapayapa. Amoy nito ang babaeng buntis,maingat nitong hinawi ang bubong ng bahay na yari sa nipa. At doon malaya niyang napagmasdan ang buntis na babae nakatihaya ito kaya abot ng kanyang mata ang batang nasa loob ng tiyan nito. Naglalaway si Rufo tiyempo naman na lumabas sa kuwarto ang asawa nito at abala ang babae sa pagbabasa ng libro habang nakahiga. Kaya hindi nito nararamdaman ang unti-unting pagbaba ng mahabang dila ng aswang huli na ng makita ng babae ang aswang nabutasan na ni Rufo ang kanyang tiyan at walang kapagod-pagod na kinuha nito ang walang kamuwang-muwang na sanggol.pinakawalan nito ang isang malakas na tili sa kailaliman ng gabi kasabay ng pagluwal ni Norma sa prinsesa ng mga aswang ang iyak ng sanggol ng batang babae. Namatay ang buntis na babae pagkakuha sa kanyang anak at malayang lumipad ang aswang na dala-dala ang sanggol upang gawing hapunan.!sa kabilugan ng buwan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD