Chapter 6

834 Words
CHAPTER 6 Maluwang ang pagkakangiti ni Menandro,ilang buwan nalang ay isisilang na ni norma ang aking anak. Mas lalong lalakas ang puwersa ng aking angkan sa pagdating ng aking prinsesa,masaya naman na nagsisiliparan ang mga aswang na inutusan ni Menandro. Ang kumuha ng mga tao at dalhin sa kanilang kaharian upang gawing pagkain sa pagdating ng kabilugan ng buwan. Dapat ipagbunyi nila ang araw na iyon. Sa kasaysayan ng mga aswang ngayon palang magkaroon ng anak ang isang pinuno ng mga aswang sa isang normal na tao. Nakasulat ito sa itim na libro ng kanilang lahi na kung mangyari ay magkaroon ng tagapagmana ang isang pinuno ng anak sa hindi nila kauri ay titingalain ito ng lahat ng klase ng mga aswang dahil ito ang nasa propesiya na nagsasabing. Darating ang araw na ang isang pinuno ng mga aswang ay magkakaroon ng supling na babae,tatawagin nila itong AUREA. Ang tagapagmana at nagtataglay ng di matularang lakas,titingalain at yuyuko sa kanya ang mga nasasakupan nito dahil ang pagkakaroon ng anak sa normal na tao ay pambihira lamang mangyayari,dahil narin sa kaanyuan ng mga ito kaya wala ni kahit sinong may gusto ang magkaroon ng anak sa mga katulad nilang pumapatay at umiinom ng dugo ng tao. At ang higit sa lahat ay ay hindi ito puwedeng umibig lalo na sa normal na tao dahil mawawalan ng bisa ang taglay nitong kapangyarihan. Tunay na pag-ibig ang makakawala nito sa pagiging Aswang. Samantala sa tahanan ng mag-asawang Norma at Leandro,habang magkayakap na natutulog ang dalawa ay nagising si Leandro,kailangan niyang magbawas tsaka parang puputok na ang pantog niya. Kaya ang ginawa niya ay iniwan ang asawang si Norma sa loob ng kuwarto pagkatapos ay bumaba na ito. Sa di-kalayuan ng tahanan nina Leandro ay bumaba mula sa itaan ang mga tauhan ng aswang na si Menandro,kita ng kanyang mga alagad ang papalabas ng bahay na si Leandro. Patungo ito sa likod ng bahay dahil narirnig nito ang ingay ng alaga nitong mga manok. Nang matantiyang wala namang nangyari sa mga manok ay pumihit paharap si leandro upang pumasok na sa loob ng bahay ng magulat nalang ito sa nabungaran. 3 kalalakihan ang nasa kanyang harapan,nakakatakot ang mga hitsura labas ang matutulis nitong mga pangil at di makilala ang mga mukha ng 3 dahil nag-anyong aswang ang mga ito. Sa takot ay nawalan ng malay-tao ang asawa ni Norma,wala itong kamalay-malay na kinuha at inilipad ng 3 aswang si Leandro papunta sa kaharian ng mga ito pati narin ang iba pang aswang na may kanya-kanyang bitbit na tao. Pagdating sa kaharian ay pinagkakaguluhan ng mga aswang ang kanilang mga bihag gusto na nilang lapain ang 15 ka tao na walang kalaban-laban,kabilang na dito si Leandro na wala paring malay. Tanging iyak at pagmamakaawa ang naisatinig ng mga bihag,ramdam nila ang kasabikan ng mga demonyong aswang ang pagkagutom dahil nilawayan ng mga ito ang bawat isa sa kanila. Natahimik ang lahat sa pagsulpot ni Menandro sa harap ng mga biktima,nabaling ang paningin nito sa isang bihag na tulog parin. Nakilala niya si Leandro ito,isang malakas na sigaw ang pinakawalan nito sa kanyang mga alagad. Mga TONTO!!,bakit isinama niyo si Leandro sa mga bihag?di niyo ba alam na siya ang asawa ni Norma!na siyang nagdadalangtao sa inyong prinsesa?!! Mga bobo kayo! Pagnalaman ni norma na kinuha at pinatay natin ang kanyang asawa tiyak papatayin rin niya ang aking anak!at kung mangyari yun?lahat kayo dito ay mananagot,grrrr,tagis ng mga ngipin ni Menandro.nagpalit ito ng anyo at ganap ng aswang ang hitsura nakakatakot sa lahat ng mga aswang na naroroon. Patawad mahal na panginoong Menandro!ngayon,ora mismo ililipad namin siya pabalik kung saan namin siya kinuha. Dapat lang!! Kung hindi kayo ang pagpipiyestahan ng ating lahi. Maliksi namang dinampot at inilipad ng 3 si Leandro pabalik sa bahay ng lalaki. Galit na galit ang 3 dahil napahiya sila sa kanilang pinuno,ibinaling ng mga ito ang galit sa alagang manok ni Leandro. doon pinatay at sinipsip ng 3 tatlo ang dugo ng mga kawawang manok pagkatapos ay lumipad na sa kaharian ng mga aswang. Madaling araw na ng magising si Norma ng malaman na wala sa kanyang tabi ang asawa ay agad itong bumangon at bumaba. Nang di makita sa loob ng bahay si Leandro ay lumabas ito at nagtungo sa likuran ng bahay doon nakita ni Norma na nakahiga sa lupa ang kanyang asawa nilapitan niya ito at niyugyog sa balikat. Mahal,gising?,ano ang nangyari sayo at dito ka natulog sa lupa? Ha?mahal buhay pa ako?kinapa ni Leandro ang sariling katawan pati ang kanyang leeg. Takang-nakatitig si Norma sa asawa bakit anong nangyari ha? Norma may 3 aswang kagabi nakita ko sila pagharap ko tiningnan ko ang mga alaga kong manok dahil nag-iingay ang mga ito ng magulat na lamang ako sa aking pagharap.Mahal totoo ngang may aswang sa lugar natin at malaking katanungan sa isip ko kung bakit di nila ako pinatay? Hindi makapagsalita si Norma sa asawa,alam niyang may kinalaman si Menandro sa nangyayari.,mabuti nalang at di nito pinatay ang kanyang asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD