Walang magawa si Norma kundi ipagpatuloy ang pagbubuntis sa anak ng aswang na si Menandro,buong akala ng kanyang asawa na nagbunga ang kanilang pagmamahalan.
Nababanaag niya sa mukha ni Leandro ang kaligayahan,sa wakas magkaka-anak narin sila.
Sa araw-araw ganun din ang ginawa ni Menandro laging nakatingin sa bahay nina Norma,binabantayan nito ang bawat kilos ng babae.
May pagka tuso itong si Menandro,kaya minsan pag nakita nitong umalis ng bahay ang asawa ni Norma ay agad itong pumasok sa bahay at walang pahintulot na yumakap sa ina ng kanyang anak.
Sa ngayon halata na ang umbok ng tiyan ni Norma,ang bilis lumaki ng bata sa loob ng tiyan.
Sa tuwing nakikita niya si Menandro ay may kung anong takot siyang nararamdaman dito.
Kaya di nalang siya kumikibo kahit na di na ito nagpapaalam na yakapin siya at halikan.
Batid niyang mahal siya nito kaya hindi siya magawang kagatin o saktan katulad ng mga nabibiktima nito.
Nasa loob sila ng bahay nakaupo sa isang mahabang upuan na yari sa kawayan si Norma habang ang aswang na si Menandro ay hawak ang kanyang tiyan.
Hinihimas at hinahalikan ng lalaki ang kanyang sinapupunan,nagsitayuan ang kanyang mga balahibo sa katawan pati ang dalawang tuhod niya nanginig ng makita niyang inilabas ni Menandro ang mahabang dila nito.
Inilapit sa kanyang tiyan at nilawayan ito na para bang takam na takam.
Nandidiri si Norma sa ginawa ni Menandro,parang hihimatayin siya sa takot ng mag-iba ang hitsura nito,ang kanina ay guwapo at makisig na si Menandro.
Ay di na makilala ,ang panget ng mukha nito,dagdag pa ang mga mata nitong namumula at mahahabang kuku na nakadikit sa kanyang tiyan.
Naramdaman naman ng aswang ang pagkatakot ng mahal niya kaya ibinalik nito sa dati ang sarili at nakangeting nagsalita .
Masanay kana mahal kong Norma ganyan ang mukha ko pagnagiging aswang ako.
Mahal na mahal kita ,kaya walang sinumang mananakit sayo!kahit pa ang aking mga angkan ay di pwedeng galawin ka nila dahil ako mismo ang papatay ra kanila.
Sa labas ng bahay ay tinatawag ni leandro ang asawa ,Norma,andito na ako.
May dala akong mangga para sayo,para sa baby natin.
Dali-dali namang nagpalit ng anyo si Menandro at mabilis na nilisan ang tahanan ng mag-asawa.muntik na siyang maabutan ni Leandro.
Nag-abala kapa mahal,di na ako naglilihi kasi malaki narin ang tiyan ko pero dahil ikaw ang may dala kakainin ko ang mga ito.
Siyempre para sa mahal ko ay gagawin at ibibigay ko ganyan kita kamahal norma kasama ng anak natin magsasama tayong maligaya.
Biglang nakagat ni Norma ang kanyang pang-ibabang labi,nakokonsensiya na naawa kay Leandro wala itong kaalam-alam sa totoong nangyari.
Sa kalaliman ng gabi,sa kaharian ng mga aswang nagtipon-tipon ang lahat ng mga angkan ni menandro,ipinaalam niya sa lahat ang nalalapit na pagluwal ni Norma sa kanyang anak,ang natatanging tagapag-mana sa kanyang trono.
Masaya ang lahat sa balitang hatid ng kanilang pinuno,magkakaroon na sila ng prinsesa ang matagal na nilang pinapangarap na anak ng kanilang hari na si Menandro.
Kaya bilang handa para sa kanilang kasiyahan,ay iniutos ni Menandro na maghanap ng tao upang gawin nilang pagkain sa kabilugan ng buwan.
Nagbunyi ang lahat sa narinig kaya isa-isang nagliparan ang mga aswang na sabik sa dugo at laman ng tao.