Chapter 4

941 Words
Takot ang nadarama ni Norma sa mga oras na iyon hanggang ngayon ay nanindig parin ang balahibo niya sa katawan,pati ang mumunting balahibo na nasa kanyang batok ay di nakaligtas sa nadaramang takot. sino kaya ang lalaking yun?nakapagtataka ang kanyang mga ikinikilos!at bakit dito talaga nakatingin sa sa kanilang tahanan lalo na sa kanya. minsan ng naikuwento ng kanyang ina ang tungkol sa mga aswang,makapangyarihan lalo na ang pinuno nila. kaya nitong magpalit ng anyo mapabata man o matanda,dalaga o binata!kahit na ang mga hayop ay kaya nitong gayahin. Diyos ko po!? Natutop nito ang sariling bibig,paanong kung hindi ang kanyang asawa ang nakasama niya sa loob ng isang linggo?ano ang gagawin niya kung magbunga ang ginawa nila ng kanyang asawa o isang impostor. Gusto niyang makasiguro kaya,tumingin sa ulit sa puno ng balete kailangan niyang maging matapang kahit na parang nanlalambot na ang kanyang tuhod sa takot. Wala na doon ang makisig na lalaki,kanina lang ay nakatanaw ito sa kanya. Mahal,hoy!untag ng kanyang asawang si Leandro sa kanyang pananahimik Huh?ano yun?mahal Ang sabi ko,sino ang tinitingnan mo sa puno ng balete?wala namang tao dun ah!? Sorry,mahal naalala ko lang ang Inay,kung andito lang sana siya, may kasama sana ako rito sa bahay. Bakit mahal?nalulungkot kaba dito? Hindi,ba dumadalawa yung kaibigan mong si Lolie? Abala yun sa pag-aalaga ng kanyang anak kaya minsan lang siya makadalawa dito. Ganun ba?oh,siya sige magbihis kana at ng makapagsimba tayo. Ha?akala ko ba ayaw mo magsimba ngayong arawa nato?nagulat na tanong ni Norma sa asawa. May sinabi ba akong ganun mahal? Wala akong natandaan na sinabi kong ayaw kong magsimba,alam mo namang malapit ako sa diyos at di puwedeng makaligtaan ang araw na ito. P teka,bakit ka namumutla? Norma,ano ang nangyari sayo?bakit ka tulala?takang-tanong ni Leandro sa asawa. Habang ang isang sulok ng mata ni Norma,ay nakita nanaman niya ang lalaki kanina sa may puno ng balete. Bumalik ito at mataman siyang tinitigan. My,God! Biglang-na usal nito.isang impostor ang nakasama niya sa loob ng isang linggo,na nagpakasasa sa kanyang katawan. Kalaking tanga niya,na hindi natugunan ang lalaking nagpanggap na si Leandro. Upang makaiwas sa mapanuring mata ng aswang na si Menandro,ay hinila ni Norma papasok sa loob ng bahay ang asawa at isinarang mabuti ang pinto. Hindi nito alam kung ano ang gagawin,sasabihin ba niya sa kay Leandro na may taong nagpanggap na siya sa loob ng isang linggo na wala ito sa piling niya.? Nagtataka naman ang asawa nito,mahal bakit mo ako hinila?Aalis pa tayo diba? Eh,kasi mahal sa susunod na linggo na tayo pumunta sa simbahan,ang mahalaga ay ngayon andito ka!miss na miss na kita,lambing nito sa kay Leandro. Ganun ba,mahal? Ako,rin sobra kitang namiss,biruin mong isang linggo ako naburo at hindi nakasama ang aking magandang asawa?kaya mahal,humanda ka at paparusahan kita ng halik mamaya. Nakonsensiya man ay sinakyan nalang ni norma ang kanyang asawa sa sinabi nito. Samantala sa puno ng balete ay ngitngit ang kalooban ni Menandro. Gagalawin nanaman ni Leandro ang mahal niyang babae. Kailangan magbuntis na ito sa lalong madaling panahon at alam niyang di magtatagal ay dadalhin ni Norma sa sinapupunan nito ang kanyang anak. "Ang prinsesa ng mga aswang." ang magkakalat ng kanyang lahi,maghintay ka lang Norma at di magtatagal ay magkakasama na tayo ng ating magiging anak. Sa kalaliman ng gabi walang kamalay-malay ang mag-asawang Leandro at Norma na may ibang nilalang na nanonood sa pagtatalik nilang mag-asawa. Nasa bubong ng bahay si Menandro,malayang nakapanood sa dalawang nagmamahalan,na sabik sa isa't-isa. Sobrang panibugho ang kanyang nadarama,gusto niyang dukutin ang puso ni leandro at kainin ang lamang loob nito,dahil sa nag-enjoy ito sa bawat ulos na ginawa sa katalik. Kaya lang nangangamba siyang baka makita siya ni norma sa ganitong hitsura bilang isang aswang. Ayaw naman niyang kamuhian siya nito,kaya minabuting lumipad ito pabalik sa kampo ng mga aswang kaysa patuloy panoorin ang mahal niyang naliligayahan sa bawat indayog ng katalik. Pero bago yun ay sinadyang hinampas nito ang bubungan gamit ng kanyang malaking pakpak bago lumayo sa tahanan ng mag-asawa.may araw karin sa akin Leandro!at titiyakin kong magiging akin ang iyong asawa,hahah malakas na tawa ng aswang. Isang malakas na pagbagsak ang nagpatigil sa ginagawa nina Norma at leandro.akmang tatayo sana si Leandro upang tingnan kung ano ang nangyari sa labas ay pinigilan ito ni Norma,malakas ang kutob niyang ang aswang ang may kagagawan ng ingay.nasa paligid lamang nila ito. Araw-araw walang patid ang pagpapakita ni Menandro kay Norma,na di naman pinapansin nito dahil alam ni norma na di siya kayang saktan ng lalaking nagpapakita sa kanya sa may puno ng balete. Pagkalipas ng isang buwan ay natupad ang sinabi ni Menandro na magdadalang-tao ang babaeng magiging ina ng kanyang anak. Nalaman niya ito ng makitang nahihilo at nagsusuka si Norma.nagdiwang ang kalooban niya sa wakas makikita na niya ang kanyang lahi sa pamamagitan ni norma. Tiyempo namang wala si Leandro pumunta ito sa bahay ng kaibigan nito ,medyo may kalayuan kaya natagalan ito sa pag-uwi. Sinamantala naman ni Menandro ang pagkakataon pumasok ito sa loob ng bahay,at ng makitang nasa kusina ang babae ay mabilis niya itong pinuntahan tsaka biglang niyakap ng mahigpit. Hindi ito nakahuma sa pagkabigla ang lalaking palagi niyang nakikita sa puno ng balete ay nasa kanyang harapan na ngayon,nakayakap pa ito sa kanya. Sino ka? Ako si Menandro,ang hari ng mga aswang at ako ang ama ng iyong ipinagbubuntis,ingatan mo ang aking prinsesa Norma. Hindi totoo ang lahat ng sinasabi mo?HINDI,naiiyak na sigaw nito kay Menandro.mas mabuting mawala ang batang ito kaysa mabuhay at magiging aswang na tulad mo!! Subukan mo norma na patayin ang anak ko!dahil mamatay rin si Leandro!tandaan mo yan?nanlilisik ang mata na banta ng aswang kay Norma.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD