Chapter 3

857 Words
Di naman napilit ni Menandro na kumain ng inihanda niyang pagkain,dahil kita niya sa mukha nito na parang bumabaliktad ang sikmura ni norma. Patuloy ang kanyang pagpapanggap bilang asawa ni Norma sa katauhan ni Leandro, samantala,nadagdagan ang pagtataka ni Norma sa asawa dahil taliwas ang mga ikinikilos nito kumpara sa dating Leandro,at isa pang nakapagtataka sa kanya kung bakit gabi-gabi na lang itong wala sa kanyang tabi samantalang sunod-sunod ang patayan sa kanilang lugar. Walang inaksayang pagkakataong ang aswang na si menandro sinulit niya ang mga araw na kasama niya ang babaeng magbibigay sa kanya ng anak. Walang araw na hindi niya ito ginamit,sinisiguro niyang sa pagbabalik anyo niya may mabubuo na sa loob ng tiyan ni Norma. Araw ng sabado,nag-usap ang dalawa sa munting balkonahe ng kanilang bahay. Ah,mahal bukas diba linggo?magsisimba tayo ha?matagal na rin akong di nakababa ng bayan. Naku?mahal,di ako puwede sa ngayon may aasikasuhin pa ako alam muna,hanapbuhay para sa iyo at sa magiging anak natin.Pero mahal,gusto ko kasama kita,diba dati kaw pa nga ang laging nangungulit na magsimba tayo?tapos ngayon ayaw mo,Ano ba ang nangyari? Alam mo nagtataka ako sayo,marami ng nag-iba sayo?dati ayaw mo kumain ng malalansa lalo na ang dinuguan,pag gabi nagigising ako na wala ka sa tabi ko at ngayon inaayawan mo ako na samahan magsimba. Ang sabi ko ayoko! Naintindihan mo ha?at wag mong pakialaman ang pagbabago ko?!malakas na sabi ni Menandro kay Norma. Nakalimutan niyang di nga pala kanyang anyo ang ginagamit niya ngayon.talagang magkaiba sila ni Leandro bakit ba kinukumpara siya nito. Napalayo si norma sa inaakalang asawa,sa tagal ng kanilang relasyon at hanggang sa sila'y nag-asawa kahit minsan ay di siya nito sinigawan Ngayon lang! Parang ibang tao ito,hindi na ang kanyang mahal na si Leandro pero bakit mukha ng asawa niya ang kanyang nakikita sa katauhan ng kaharap? Napaiyak si Norma sa naisip,di niya akalain na sisigawan siya ng kanyang asawa dahil lamang sa pangungulit niya dito na magsimba.Natauhan naman si Menandro ng makitang umíiyak si Norma,hinila niya ito palapit sa kanya at mahigpit na niyakap. I'm sorry mahal,nabigla lang ako dina maulit. At dahil inaakala ni Norma na ang asawa niya ito ay nadala naman siya sa pagpapaawa ng binata hanggang humantong sila sa pagtatalik. Hinawakan ni Menandro ang tiyan ni Norma at sinisiguro niyang dadalhin nito ang kanyang anak.ang prinsesa ng kanyang lahi ng mga aswang. Linggo excited na niligpit ni Leandro ang kanyang mga gamit,sa wakas makakauwi na siya sa kanila para makasama ng matagal ang kanyang asawang si Norma. Miss na miss na niya ito,kaya kumuha siya ng leave bale 1 month,para ma-enjoy niya ang buhay may-asawa tsaka gusto na nilang magkaroon ng anak ng babaeng pinakasalan niya. Hanggang sa sumakay na ito ng bus pauwi sa kanila. Sa baryo mapayapa naman ay balisa si Menandro,ito ang araw na uuwi ang totoong asawa ni Norma. Kaya magdamag niya itong di tinigilan sa pakikipagtalik na wala namang narinig na reklamo mula sa asawa.Napansin naman ito ni Norma kanina pa niya ito tinitingnan,parang di mapakali sa kinauupuan ang kanyang asawa. Mahal,ano ang nangyari sayo?bakit dika mapakali diyan?may lagnat kaba. Di sinagot ni Menandro ang tanong ni Norma,bagkus nakatingin siya sa malayo at kitang-kita niya ang paparating na si Leandro. Oi mahal,untag ni Norma sa kanya. Mabilis na hinalikan ni Menandro ang labi ni Norma at hinawakan ang tiyan nito.mag-iingat ka mahal lagi ha?tandaan mo mahal na mahal kita. Ano kaba? Leandro!parang mawawala ka ah?sandali nga tumayo ito punta muna ako sa kusina kukuha ako ng maiinom paalam nito kay Menandro. Sige,tanging sagot ni Menandro kay Norma,pagkatalikod nito ay bigla nalang nawala ang aswang na si Menandro nasa tapat ng bahay na kasi ang asawa ni Norma na si Leandro. Kaya mabilis itong nawala gamit ang kapangyarihan nito bilang hari ng mga aswang. Nagtago siya sa puno ng balite malapit sa tahanan nina Leandro at Norma. Bumalik na ito sa dating anyo,ang makisig at guwapong aswang na si Menandro.pero nanatili parin ang suot at kulay ng damit nito bago umalis sa bahay.Nakapasok na sa loob ng bahay si Leandro nakita niyang nasa kusina ang asawa,nakatalikod ito abala sa pagtitimpla ng maiinom. Walang paalam na niyakap niya ito at pinugpog ng halik. Humarap naman si Norma sa asawa at ang sabi ano kaba mahal nagtitimpla pa ako oh?para sa ating dalawa. Miss na miss na kasi kita Norma kaya bilisan muna diyan. Ano namiss mo ako?ang bilis naman ata?takang-tanung nito sa asawa. Kunot ang noo na nakatunghay si Leandro sa asawa.bakit ikaw di mo ba namiss norma? Siyempre namiss,naguguluhang sagot nito kay Leandro. Punta muna tayo sa balkonahe ng makapagpahinga tayo.dinala ni Norma ang dalawang baso ng juice at ipinatong sa mesa. Ngayon lang niya napansin na may bitbit pang bag ang kanyang asawa at iba ang kulay ng damit nito kanina. Biglang napagawi ang kanyang mga mata sa puno ng balete,duong kitang-kita niya ang isang guwapong lalaki na nakatayo sa puno,suot nito ang damit ni Leandro pati ang kulay nito.biglang nanayo ang kanyang mga balahibo sa katawan . Diyos ko po!sino ang taong kasama ko ng isang linggo at sino ang lalaking yun?bakit suot niya ang damit ng aking asawa kani-kanina lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD