Chapter 2

655 Words
CHAPTER 2 Hating-gabi ng magising si Norma,kinapa niya ang asawa sa kanyang tabi wala ito doon saan kaya nagpunta ang lalaking yun?eh,ang lalim na ng gabi,bumangon ito at lumabas sa kuwarto.gusto niyang uminom ng mainit na gatas ng may narinig siyang malakas na pagaspas na parang katulad ng ibon.malapit sa kanilang bahay biglang nanayo ang balahibo sa katawan ni Norma! Paano kung hindi yun malaking ibon? Paano kung isa itong Aswang na umaaligid sa kanila,wala pa naman ang kanyang aswa,saan kaya nagpunta si Leandro diyos ko po!wag na may mangyaring masama sa asawa ko. Nawala ang pagkagutom niya kaya mabilis na pumasok sa loob ng silid si norma doon nalang niya ito hihintayin sa loob natatakot talaga,lalo na ng umuungol ang aso di-kalayuan sa kanilang bahay. Pagkapasok ay nahiga ito agad at nagtalukbong kumot ng dahil sa takot. Maya-maya pa ay dumating na si Menandro,pumunta muna ito ng kusina upang magsepilyo.galing siya sa pagsipsip ng dugo ng tao kaya dapat di malansa ang kanyang bibig at hininga. Nang matapos sa ginagawa ay nagtungo na ito sa silid kung saan andun naghihintay si Norma. Niyakap niya ito agad ng makitang nakabaluktot ang mga paa nito. Mahal,sambit ni menandro kay norma,saka naman lumabas ng kumot ang babae.nang matiyak na ang asawa niya ang kanyang katabi ay mabilis niya itong niyakap. Nagtataka naman ang aswang na si Menandro sa naging reaksiyon ng kayakap. Bakit parang nanginginig ka mahal? Lumabas ako ng silid kanina dahil gusto kong uminom ng gatas dahil kumakalam ang aking sikmura tapos ano ang nangyari?patay malisyang tanong ni Menandro kay Norma. Mahal may narinig akong pagaspas ng malaking ibon kanina,o baka aswang yun?parang malapit lamang sa ating bahay.natatakot talaga ako mahal sshhh,huwag kang matakot andito naman ako para protektahan ka!kaya iwala mo sa iyong isip ang takot ok? Sige,pero bakit nawala ka sa tabi ko kanina?hinahanap kita,saan kaba nagpunta? Mahal tiningnan ko lang yung mga manok sa likuran,baka kako nagugutom kaya pinapakain ko. Sa dis-oras ng gabi?pambihira!di kaba natatakot na baka may aswang na mapadpad dito sa baryo natin? Usap-usapan sa kabilang baryo ang karumal-dumal na nangyari sa lalaki kahapun,wakwak ang dibdib at butas ang tiyan.ang sabi nila may aswang na raw dito sa baryo mapayapa. Biglang umitim ang mata ni Menandro,buti nalang ay mapanglaw lamang ang ilaw sa kanilang silid kaya hindi namalayan ni norma ang pagbago ng kulay ng mata ni menandro na inaakala niyang ang asawa niyang si Leandro naniniwala karin ba na may aswang ha? Norma? Lumuwag ang pagkakayap nito kay menandro..ewan mahal,pero sa isip ko maniniwala lang ako pag ako na mismo ang nakakita nito. Nasiyahan naman ang aswang na si menandro sa sinabi ni Norma. Walang asawang mahal,huwag kang magpapaniwala sa mga nagsasabing may aswang ,ang mabuti pa ay matulog na tayo ng pagkagising ay maaga kitang aalmusalin,biro ni Menandro kay Norma. Kinabukasan ay balita na naman ang pagpaslang ganun rin ang istilo ng pagpatay kinuha ang puso at binutasan ang tiyan ng biktima,kinuha ang lamang loob nito. Naabutan ni norma na nagluluto ang asawa kakauwi lang niya galing sa pagliligo,sa munting ilog na malapit sa kanilang tahanan. Ano yan mahal?mukhang masarap ah? Dinuguan gusto tikman? Nagtaka si norma,di kumakain ang kanyang asawa ng ganung pagkain bakit ngayon tila sarap na sarap pa. Teka Leandro,diba dati sabi mo dika kumakain ng dinuguan? Natigilan man ito sa tanong ni Norma ay di ito nagpahalata. Noon yun mahal,pero ngayon ok,na masarap pala ang lasa ng dinuguan,halika,tikman mo mahal kung tama ba ang pagkatimpla ko. Lumapit naman ito ay tinikman ang dinuguan na niluto ni Menandro muntik na nitong maisuka ang kinain ng malasahan nito ang malansang amoy parang dugo ng tao. Anong nangyari mahal?panget ba ang lasa. Nagsinungaling si Norma kay Menandro,ok naman ang lasa mahal,diko lang maintindihan kung bakit iba ang aking pakiramdam. Siya sige umupo ka muna at pagsisilbihan kita mahal kung asawa. Napangeti naman si Norma sa sinabi ni Menandro kaya pansamantalang nawala ang kanyang pagdududa sa asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD